3 gabi narin ang nakakalipas ng huli ko syang makita . Pero naiwan nya itong star na pendant ng huli ko syang makasama . Bakit di na sya nagpakita sa akin ? Bakit ba nalulungkot ako ng ganito ? Namimiss ko na yung tawa nya at ang mga nakakaasar nyang salita ..
.
.
.
.
.
.
.
.
" Ate Mina , mamimiss ko po kayo . "
" Gayun din ako Nikki . Oh pano mag ingat kayo sa byahe ha ? Nate , iho alaagan mong mabuti yang kapatid mo ha ? "
" Narinig mo yun kuya ? ...
Kuya ?! "
"HA ? .. parang wala ako sa katinunan ko Opo Ate Mina . Salamat po . Mauna na po kame . "
tapos na ang 1 buwan na pagbabakasyon namin ni Nikki sa nayon . Babalik na kame sa Maynila .
" Kuya kelan kapa nahilig sa yakult ? "
" Huwag mo iinumin ang mga yan Nikki kundi lagot ka sa akin . "
" Susumbong kita e . Kakasabi lang sa'yo ni Ate Mina alagaan mo daw ako pero inaaway mo na ako ngayon . "
Aaah ! Ang kulet !
" Ou na cge . Kumuha ka ng isa lang . "
" Tssh ! Ang weird mo kuya . "
Mas weird si Star . Di man lang ako nakapagpaalam sa kanya . Makikita ko pa kaya sya ulet ?
Minsan nakakaranas talaga tayo ng mga bagay na di mo inaasahan . She's not a human . Iba na ang mundo nya ngayon . Kung kaya ko lang ibalik ang noon gagawa ako ng paraan para di sya namatay .
Andrea/Star's POV :
Naniniwala ba kayo na may mga bagay talaga na nageexist tulad ko ? Mahirap paniwalaan diba ? 11 taon narin akong ganito . Nabubuhay kasama ang gabi . Minsan nalulungkot ako kung bakit pa ako nabuhay ulit kung di rin normal na tao . Kahit gusto ko man makita ang langit sa umaga hindi maaari dahil magiging buhangin ang katawan ko . Akala ko sa mga napapanood ko lang pwedi mangyari 'to . Sa totoong buhay rin pala . Kahit ganito ang naging kapalaran ko naniniwala ako na may magandang dahilan ang Panginoon kung bakit nangyari sa akin to .
Sa 11 taon na pag-iisa , di ko inakala na balang araw may isang tao pa ang makakatulong sa akin sa misyon ko . Nabigyan ako ng 1 misyon na akala ko di ko magagawa dahil imposible .
God of Night ang tawag sa kanya . Siya ang bumuhay ulit sa akin . Binigyan nya ako ng misyon na dapat may mapa-ibig akong lalaki at kung magawa ko 'yun ay makakabalik ako sa date at maaalala ko lahat ng nangyari sa akin noong nabubuhay pa akong normal na tao . Akala ko imposible 'yun dahil wala ngang nakakakita sa akin diba ? Halos mawalan na ako ng lakas ng loob . Gusto ko ng sumuko dahil 11 taon na ang nakakalipas pero di ko parin nagagawa ang misyon ko . Pero isang gabi laking gulat ko ng may isang lalaki na nakakita sa akin .
" Sino ka ? " / " Nakikita mo ako ? "
" Sino ka nga sabi e . Anung ginagawa mo dito sa ganitong oras ? " tanong nya ulit sa akin
" Nakikita mo ba talaga ako ako ? " tanong ko din ulit sa kanya
" Uy ! Nakikita mo ako ? " tanong ko ulit saka ko winiwave ang kamay ko sa harap
BINABASA MO ANG
She's Not A Human
Bí ẩn / Giật gânI thought I would never fall inlove with a girl .. I was wrong 'coz I did . But she wasn't a human.