(A/N)
Dedicated to ate Anniepot :D Naiiyak talaga ako pag naaalala ko yung Forever and Always(The past) Hayy. Nagumpisa na din pala ako magbasa ng forever and always (revelations) ate :D Hehe. Ganda ganda naman ♥
-xx-
Cyrene's POV
"Tapos mo na ba ako titigan?" sabi nung lalaki. Hala -____- Wafuu kasi eh, Nakakainlab ♥.♥
"H-ha? Hindi kita tinititigan noh! Ang kapal mo naman!" sabi ko tapos umupo ako. Nakakangalay tumayo dun forever noh. Try mo kaya? ~___^
"Sus, deny ka pa. Bakit ka umupo? Pinapaupo ba kita?" Wow ah. Ang gentleman naman niya! -____-
"Wow! Thank you ah! Dapat kasi, dito kami pwepwesto ng kaibigan ko, kaso umupo ka dito!" sabi ko sabay tayo tapos nag roll eyes ako. Nakakainis sya! >____<
"Hahahahahahahahaha" Okaaaay. Bakit ako pinagtatawanan nito? =______=
"Bakit ka ba tumatawa jan?!" sabi ko sa kanya, napalakas ata kaya pinagtitinginan kami dito.
"Umupo ka nga" hinila niya ako paupo. "Hahahahahahaha" tawa pa din siya ng tawa.
"Ang saya mo ah? Tss" sabi ko sa kanya.
"Natutuwa lang naman ako sayo eh" sabi naman niya tapos ngumiti. OMY! *////////* Wag ka ngumiti! Nakakainlab lalo ♥.♥ Okaaaay, ang landi lang. Haha XD
"Bakit naman?" tanong ko.
"Ang cute mo kasi pag nagagalit ka. Hahahahahaha" sabi niya tapos sumubo ng fries. Ano daw? Ako? CUTE? *////*
"Che! Manahimik ka nga! Wag mo ako kausapin, hindi kita kilala" sabi ko tapos nag roll eyes ulit ako. Masyado niya akong pinapakilig. Ano ba! *////* Pero kunwari hindi ako affected. HAHA
"Andrei" sabi niya sabay abot ng kamay niya.
"Cyrene" sabi ko tapos inabot yung kamay niya. Ang lambot *O* Cotton ba to? Waaaaaaah! Okaaay, OA na. HAHAHAHA
"Ayan, kilala mo na ako. Pwede na tayo mag usap" sabi ni Andrei. "May kasama ka ba?" tanong pa niya.
"Meron yung b----"
"Bessy!" hindi ko na natapos sasabihin ko nung tinawag ako ni bessy. Lumapit siya dala yung order namin.
"Hm, bessy. Si Andrei" sabi ko. "Andrei, si Charlene. Bestfriend ko" pakilala ko naman kay Charlene.
"Hello" bati ni Andrie kay Cha at sumubo na ng fries.
"Hi" tipid na sagot naman ni Cha
"Sige Andrei ah. Hanap na kami ng pwesto" sabi ko tapos tumayo na ako.
"Wala na atang bakanteng upuan, share na lang muna tayo dito sa lamesa" sabi niya. tiningnan ko si bessy, tumango naman siya kaya umupo na kami dun.
Habang kumakain kami, nag kwekwentuhan kami.
"Saan nga pala kayo nag aaral?" Tanong ni Andrei.
"Sa Easton High. Ikaw?" -Ako
"Dun din, anong year na kayo?" -Andrei
"Junior. Ikaw?" -Cha
"Junior din" sabi niya ng nakangiti. "Magkikita pa pala tayo sa school, minsan kita tayo dun ah. Sabay tayo mag lunch" dagdag pa niya
"Okay, sge" sagot namin ni bessy.
Nung matapos na kami kumain, nagpaalam na kami sa kanya.
"Andrei, una na kami ah. May bibilhin pa kasi si bessy eh" sabi ko.
"Sige, pupunta din kasi ako sa NBS eh" sagot naman niya.
"Dun nga kami pupunta eh" sabi ni bessy.
"Oh? Tara sabay na tayo" sabi naman ni Andrei.
Lumabas na kami sa Mcdo at naglakad papunta sa NBS.
*NBS
Naghiwalay na kami pag pasok namin ng NBS. Tumingin tingin ako kasi baka may magustuhan ako. Nakita ko yung libro na Inkhearts. Isa na lang siya.
Kukunin ko na sana yung libro kaso may nauna na sa akin.
ANO BA YAN! >.<
Tiningnan ko yung lalaki na kumuha.
Si Andrei.
"Ui, Andrei. Paborito mo din ba yan?" tanong ko. Kaso tiningnan niya lang ako tapos umalis na.
PROBLEMA nun? Tss. BADTRIP! >.<
"BADTRIP!" sabi ko.
"Ui, bessy. Ok ka lang?" -bessy. hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.
"Si Andrei----
"Oo nga pala, sabi niya una na daw siya kasi may kailangan pa siyang gawin. Tara na! Babayaran ko na 'to." sabi niya tapos hinila na ako papunta sa cashier.
Nakapila na kami ni bessy tapos nakita ko si Andrei na kakatapos lang magbayad at paalis pa lang.
"Andrei!" sigaw ko. Hindi man lang siya lumingon! Teka? Akala ko ba umalis na siya? Tsaka bakit iba na suot niya?
"Ui, bessy! Diba si Andrei yun?" sabi ko kay bessy tapos tinuro yung lalaki.
"Ha? Hindi naman ganyan suot niya eh" sagot nito.
Siya yun eh! Baka kamukha lang? IMPOSIBLE! Kamukhang kamukha eh. SIYA YUN! Pero, oo nga. Iba yung suot niyang damit.
-xx-
Hello :D
Haha. Ayan muna. XD Nakakatamad na mag type eh, kaya maikli lang tong update ko. Babawi na lang ako next chapter. Love you guys :*
Comment, Vote, Be a FAN :D Thanks :D
BINABASA MO ANG
My Twin Lover [ON GOING]
Teen FictionStorya ng babaeng minahal ng kambal. Sino nga ba ang pipiliin niya? SimplyMilli's Story