Gandang Di Mo Inakala?
Sa mga Facebook Addicts diyan! Ako pala si Recardo Mahal K. Bilanghuy (Ako lang yata yung tao na may pagka chakang chaka na pangalan) Kilala ako sa pangalang Ranz dahil marami yung nag sasabi na may pagka similarity ko daw si Ranz Kyle Viniel (Member ng Chicsers).
Nangyari yung unconditional Love Story ko sa isang Social Network at doon ko nakilala si Marie Takeyami Cruz.
Oh.. Sige na nga i kwekwento ko na sa inyo kung ano ba yung pinakawirdong nang yari sa buhay ko. Nagsimula ito noong nakaraang SUMMER (Siyempre kapag Summer walang magawa, kaya laging Online sa Facebook o Twitter).
- - - - - SA Kwarto ko - - - - - - -
Ring.. Ring..... Ring...........Ring! (Tunug ng Alarm Clock na nag papahiwatig na dapat gumising na ako). Ano bayan maaga pa! Wala namang pasok ngayon unang araw ngayon ng bakasyon eh. Maka tulog panga mga 10 minutes nalang.
RECARDO! RECARDO! (Sigaw ni Lola Rosa)....... Gumising ka nangang Bata ka, tulungan mo akong hanapin yung Pustiso ko. Nahulog ko yata sa bowl ng banyo.
Ano bayan Lola Rosa pati naman yan tutulong pa ako! (Pasigaw kong sinabi sa kanya mula sa Kwarto ko). Natutulog pa kasi ako, at ang sakit pa ng ulo ko.
Pam bihirang bata ka oh! Tulungan mo na ako, gutom na gutom na ako gusto ko nang makapag agahan. (Nagmamakaawang isinisigaw).
Sige na nga! Bababa na po ako Lola, kunting kembot nalang diyan...
- - - - - Bumababa na sa Hagdan - - - - - -
Pa badtrip talaga itong si Lola Rosa, biruin niyo ako na yung nag papaligo at nag huhugas ng (Alams na....) Pero hayaan niyo na yan. Noong bata naman ako siya yung nag aalaga sa akin eh.!
Ayan ka na pala. Na shoot ko yata sa Bowl yung Pustiso ko. Paki ko ha nalang..
Sige po Lola! (Patampung sinabi ko sa kanya)..
- - - - - - -- Eksena ko sa Banyo - - - - - - - - - -
Habang dahan dahan kong binubuksan yung pintoan ng banyo, sabay tulo nang aking pawis na parang may halimaw yata akong makikita sa loob ng banyo. Sa pagbukas ko, biglang umalingasaw yung Singaw na mabaho sa banyo. Ano ba yan? Wala palang proper Hygen si Lola Rosa! Pag pasok ko Oh! May God... (Bigla akong nahimatay)..
Wang, Wang.... Wang.. Wang! (Tunog ng Wang-Wang)
Pag dilat ng mga mata ko, napansin kong nakahiga ako sa isang maliit na kama sa loob ng isang sasakyan.. Ano ba naman ito bakit ako nandito, ang ingay pa ng Wang-Wang na iyan. Bigla kong na-isip yung nang yari sa akin kanina sa Banyo. (Napasabi nalang ako ng OMG!) Pagtingin ko sa kanan ko may Nurse na nag sabi na.
Kuya, Relax lang po muna kayo. :)
Bakit po Nurse ano po ba yung nangyari sa akin? (Nanginginig na sinabi ko sa Nurse)..
Na tagpuan po kasi kayo ng Lola niyo na nawalan ng malay sa loob ng banyo, kung saan nabagok yung ulo niyo sa Bowl. Buti nalang kaagad na tumawag yung Lola niyo sa Hospital. :)
Ha! Ano bayan paano ko po ba ma eenjoy yung Summer ko kung nasa loob ako ng kwarto sa Hospital na parang nag-iisa at ang tangi ko lang na kasama ay ang Lola ko na si Lola Rosa (Na laging nawawalan ng gamit). Hayyyy... Buhay. :(