Sana sinabi mo na lang kaagad na ayaw mo na pala .
Hindi yung pinatagal mo pa yung relasyon natin, hindi yung tinulak na kita palayo pero lagi mo iniinsist na mahal mo ako, hindi yung lagi mo sinadabi na mahal mo ako pero wala kang oras para makasama ako, at ngayon wala ka na din oras na i-text ako o i-pm ako kahit lagi ka namang online at lagi kang may load .
Ang sakit sakit pala umasa .
Akala ko kasi kaya ko pa eh .
Hindi ko na pala kaya pero hindi kita mabitawan eh, kasi mahal na mahal na kita .
Sana naman minsan naiisip mo kung gaano kasakit yung ginagawa mo sa akin ngayon or kung hindi mo man maisip yun ngayon sana balang araw magkapalit tayo ng sitwasyon, sana may magparamdam sayo ng ginagawa mo sa akin ngayon para lang malaman mo kung ano ang pakiramdam .
Ngayon ang gusto ko na lang ay umasa na balang araw magiging okay din ako, na pagtatawanan ko na lang tong pangyayaring to, at makakatingin na ko sayo ng wala na kong nararamdaman .