My Textmate Boyfriend 8:

91 5 5
                                    

(Dedicate po ito kay Rocky_07. Hi. Bes.)

Yuki's POV

(AN: Linggo na po ang araw ngayon dyan sa Story)

*Mulat* *Pikit* *Mulat* *Kusot*

Halaaaa. Nandito na ako sa bahay? Wag mong sabihin na HINATID AKO DITO SA BAHAY NI JAERON? Waaaah. Nakakahiya -.-"

Napatayo ako sa aking higaan at nagmadaling pumunta sa Sala upang itanong kay Mama kung sino naghatid saakin sa dito sa bahay.

"MAMAAAA"

"Hoy. Yuki! Agang aga sigaw ka ng sigaw baka akalain ng mga kapitbahay may sunog" saway saakin ni Mama.

"Mama kasi gusto ko lang itanong kung sino naghatid saakin dito?"

"Si Andi a. Hay nako. Hindi ba sya kasama mo mamasyal kahapon?"

"H-huh? Si Andi po? Eh-h si."

"Oo sya. Diba sya boyfriend mo?"

"A-ah. Opo." Hayy.

Teka. Bakit mukha akong dissapointed? Hmm. Ano kayang nangyare kay Jaeron? Sya kasama ko kahapon diba? Waah. Nakakabaliw. Mag isip. Grrrr.

----------

Jaeron's POV

Nang maramdaman kong unti-unti nakakatulog si Yuki ay agad na sumulpot si Andi sa likuran ko.

"Ako nalang maghahatid sa kanya Bro. Btw. Salamat sa pagsama sa kanya" sabi nya sabay kinuha saakin si Yuki.

Habang naglalakad na sila palayo ay umalis na rin ako at umuwi .
------------

Someone's POV

Mahal ko sya. Matagal na!

Na sasaktan ako kapag nakikita syang umiiyak dahil lang sa walang kwentang lalake. Nung araw na umiiyak ng sobra si YUKI gustung gusto kong bugbugin ang lalaking nanakit sa kanya. Pero....

Wala akong karapatan para magselos at mang bugbog dahil alam kong hindi ako ang gusto nya. Pero isa lang ang masasabi ko.

"Sa Oras Na makita kong umiiyak ukit si Yuki dahil sa taong walang kwenta hindi na ako magdadalawang isip na agawin si Yuki sa kanya"
---------

Yuki's POV

Dahil maagap pa ay lumabas muna ako ng aming bahay para mag Bike.

Habang nagbi-bike ako ay biglang may sumulpot na lalaki sa harap ko kaya napapreno ako ng malakas at natuma ang aking Bike.

"Ooh. Shet" naimik ko nalang.

Pucha. Baliw ba sya? Tss. Yan nagasgasan tuloy ang aking tuhod.

"Sorry. Sorry. Okey ka lang?" tarantang tanong nya.

"A-ah. Oo ayos lang ako" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Nga pala. Ipapaliwanag ko yung nakita mo kahapon?"

"Aah. Y-yun ba?" naluluha kong sabi.

Pucha. Wag kang tutulo. Putek. -.-

"Yung kasama ko kahapon sya si Sandra. Kababata ko."

Hindi ako umimik at nagantay ng kasunod nyang sasabihin.

"Tsaka sorry kung lagi akong wala oras sa'yo! Promise babawi ako?" sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

Bakit parang hindi ako natutuwa na wala silang relasyon ng babaeng yun? Ano bang nangyayare saakin? Pucha. Nasasaktan parin ako kahit alam ko na ang totoo. Ano bang gagawin ko?

"Magbreak na tayo" biglang lumabas sa bibig ko.

"B-bakit? May nagawa ba akong mali?"

Unti-unti ng lumabas ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

"Wala kang ginawa okey? Hindi na kasi ako masaya sa Relasyon na ito e. Kahit nagpaliwanag ka ngayon. Nasasaktan parin ako. Sorry pero hindi ko na kayang tumagal ang Relasyon nating ito."

Sabihin nyo ng OA ako dahil nakipagbreak ako ng walang magandang dahilan pero dun ako sasaya e.

"Siya ba ang dahilan kung bakit nakikipagbreak ka saakin?" Galit na tanong nya.

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Huwag mo ng itanggi. Si Jaeron ba ang dahilan kaya gusto mong makipagbreak saakin?" sigaw nya saakin.

Sa totoo lang pinagtitinginan na kami ng mga tao dito pero wala kaming pakialam.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Nasasaktan ako yun ang dahilan ko"

Pagkasabi ko nun ay iniwan ko syang nakatayo dun. At sa tingin ko umiiyak din sya.

"Sorry. Masasaktan lang lalo tayo kung ipagpapatuloy pa natin tong relasyon natin kung hindi na ako masaya sa kung anong meron tayo" sabi ko habang patuloy na naglalakad palayo.
----------

Sino kaya yung nagSomeone POV kanina? Hmmmm. Bagong Character kaya? Abangan.

Awtsuu. Break na silaaa. Nakakaiyak.

Huhuhu. Sino masaya dahil break na si Andi at Yuki. Comment. :*

ComVo pleaseee. :* Lovelots.

-Jeysidi

My Textmate BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon