Tips on how to survive in college :)

524 13 5
                                    

HELLO PO!!! Actually nakita ko lang po ito sa isang facebook page. natuwa lang ako kaya pinost ko dito. tsaka sobrang nakaka-realate ako lalo na nung bago pa lang ako mag-college :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

10 ways to Survive in College.

1. Pumasok sa first day of class. Wag mong isipin na first day naman, baka wala ring gawin. Essential ang first day ng College. Kung ayaw mong mamulala sa mga susunod na araw, pasukan mo to. Eto ang araw na maghahanap ka ng rooms, subjects at may mga ilang prof na magpapakilala na, may mga istriktong prof na nagagalit sa mga estudyante na wala sa unang araw, kaya babala.

2. Huwag susugod sa giyera ng walang dalang armas. Huwag na huwag kakalimutan ang pinakaimportanteng gamit ng isang college student: ang Ballpen. Kung nung highschool ay puno ang bag mo ng 9 na notebooks, pencil case, crayons, pantasa, gunting, libro. Sa college, Ballpen at binder lang ang tanging kelangan mo. Ay, isa pa pala wag na wag kang magpapawala ng yellow pad. Dahil kung problema sa highschool days ang papel, ganito rin sa college. Para mabawasan ang mga buraot sa mundo, simulan mo na ng pagkukusa, Magdala ka. tatlo dos lang ang yellowpad sa tindahan nila Aling Idad. XD

3. Mag take-down notes. Para diyaan ang ballpen at binder na dala mo. Wag gawing palamuti sa bag. Gamitin. Wag tumunganga sa prof, isulat habang nakikinig. Wag mong gayahin yung mga naggagaling galingan na nakaprente lang sa prof dahil sila rin ang mga taong nagkukumahog manghiram ng notes kapag may nagaganap na pop quiz.

4. Maghanap ng tambayan/aralan. Hindi naman maghapon ay nasa loob ka ng classrooms. May break din, kaya kung malapit ang bahay o may dorm na tinutuluyan, doon nalang tumuloy para iwas gastos. Kung malayo ay maghanap ng mura at komportableng lugar na matatambayan, pwedeng doon ka na rin mag-review kung gusto mo.

5. Unahin ang mga subject na nahihirapan ka. Kung nahihirapan ka man sa isang subject (o dalawa o tatlo) Yun ang unang pagtuunan ng pansin, at pag-aralan. Siguraduhing, fresh at nasa huwisyo ang utak pag pag-aaralan para hindi sayang ang oras at effort mo dahil kung nagrerebyu ka ng wala sa mood ay walang papasok sa utak mo. Kung nahihirapan ka talaga, maghanap ka ng taong marunong sa subject na yun at magpaturo.

6. Maki-mingle, single man o hindi. Makipagkilala sa ibang tao. Pwera nalang kung loner ka at mas gusto mong mag-isa, pero kung hindi, makipag socialize ka. Maghanap ng kaibigan na totoo at laging maasahan. Yung nandyan kahit anong panahon. Wag yung parasite na magaling lang sayo pag mabango ka. Wag kakaibiganin ang mga alam mo namang wala kang mapapala, kung gusto mong makatapos ng pag-aaral. Pumili ng tamang kaibigan.

7. Be yourself. Oo, ang gasgas na linyang be yourself. Be yourself, unless you’re a loser be someone else. Dejoke. Wala kang mapapala kung magpapanggap kang bilang ibang tao. Maaring magustuhan ka nila pero hindi bilang ikaw kungdi ang pinagpapanggap mo. Mas magandang magustuhan ka ng mga tao bilang sarili mo at di sa ini-impersonate mong tao.

8. “Maging estudyante ng iyong paaralan” Gamitin mo naman ang resources sa school na iyong pinapasukan. Bisitahin paminsan-minsan ang library, computer labs etc. Kausapin ang mga prof na nakikita mo outside campus, wag lang sisipsip. Wag yung pumapasok ka lang sa school at sa classroom lang ang alam mo. Parang bansa lang din yan na tinitirhan mo. Mahalin ang eskwelahan.

9. Magbigay ng oras para sa pag-aaral. Para maiwasan ang cramming tuwing exams, maglaan ng oras para sa pag-aaral. Yung mga panahong wala ka namang ginagawang produtikbo ay magbasa basa ng notes. Mas maganda ang may schedule, kung hindi every weekends okaya naman tuwing gabi bago ka matulog. Iwasan ang caffeinated drinks e.g kape, softdrinks, energy drink bago o pagkatapos mag-aral.

10. Maglaaan ng oras para sa sarili. Hindi rin namang magandang puro aral aral na lang. Baka masiraan ka ng bait kapag ganun. Magkaroon din ng oras para sa recreation. Wag lang din yung sobra. Maglibang paminsan-minsan pero siguraduhing tapos na ang lahat ng gawain para maiwasan ang paghahabol.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

May mga idadagdag lang ako based on my own experiences at sa mga natutunan ko sa college life ko :)

*Kung dati pa-easy easy ka lang..sa college hindi yun pwede! kasi kapag may naibagsak ka na subject kailangan mo nanaman ulitin yun. tapos ang masama pa eh kung same prof ka nanaman. pwede ka ng pang loyalty awardee! XD joke lang!

*Sa college matututo ka ng TIME MANAGEMENT. kasi ikaw na yung may hawak ng oras mo..nasa sayo na yun kung papasok ka or hindi. kailangan matuto kang magdesisyon sa mga gagawin mo..nako kung hindi baka kung saan ka pulutin. tandaan nyo..mahal ang tuition fee sa college kaya dapat wag sayangin ang pagkakataon!

*Know your priorities and limitations. syempre dapat STUDIES talaga dapat ang priority..hindi porket college ka na puro PBB TEENS na lang aatupagin mo. USO RIN NAMAN MAG-ARAL. pero hindi ko rin naman sinasabi na wag ka mag boyfriend/girlfriend kasi part na talaga yan ng college life pero sana alam mo pa rin kung ano yung mas priority mo.

*Kung ico-compare ko yung sarili ko dati kesa ngayon...mas marami talaga ako natutunan sa mga bagay-bagay simula nung nag-college ako kasi sa araw-araw ba naman iba-ibang tao nakakasalamuha ko. mas marami ako naeexperience at mas lumawak yung pananaw ko. naks! ang deep ko masyado! XD pero seryoso..mas lalawak talaga pananaw nyo or yung pag-iisip nyo. di ko naman nilalahat pero para sakin ganun yun? hehe.

*Sabi nila MAHIRAP daw kapag college. OO TOTOO YUN! mahirap talaga..pero kung mag-aaral ka naman kakayanin mo yun. syempre kung mahirap ang college...masasabi ko rin naman na MASAYA ang college. as in! kasi new environment, new friends, basta lahat bago. kung dati tatamad-tamad ka at wala kang pakelam sa lahat..sa college ito na yung chance mo na magbago..kung dati para kang ugly duckling at hindi marunong mag-ayos..sa college pwede mo ayusin yung sarili mo. pwede ka mag-transform ng bonggang-bongga! (transformers lang ang peg?? HAHA!)

*Kung dati hindi ka pala-simba at pala-dasal..nako! sinasabi ko sayo..sa college magiging relihiyoso ka! haha! pero seryoso..totoo yun! (pero di mo naman kelangan magpaabot ng college para matuto kang magdasal at magsimba di ba? obligation natin yun.)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

So sana naman nakatulong yang mga yan sa inyo lalong-lalo na sa mga upcoming 1st  year college dyan :)

Basta ENJOY nyo lang :)

Tsaka feel free na mag-comment or mag-share ng mga experiences nyo or natutunan nyo nung college. ^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tips on how to survive in college :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon