Handa ka bang isuko ang lahat para sa isang taong nakilala mo lamang sa isang pangyayaring di mo inaasahan? Masasabi mo bang mahal mo na ang isang tao kahit sa una nyo pa lamang pagki-kita? Imposible bang mangyari ang ganoong bagay?
Nag-aaral si Mikaela Eunice Lao sa PUP Sta.Mesa kung saan isa sya sa mga hinahangaan ng maraming tao. Morena,5'7 ang tangkad nito at kilala bilang isang ACOUSTIC PRINCESS ng eskwelahan nya. Isa syang anak ng mga taong walang ibang alam gawin kung hindi ang mag-trabaho para sa kumpanya na kanilang pagmamay-ari. At yun ang buhay na ayaw nya.
Sa inyong palagay, ano ang mangyayari sa mundo nya sa oras na makilala nya ang isang binatilyo na may tulog at pahinga na hindi bababa sa tatlong oras. Pitong oras sa eskwelahan , anim na oras sa pang-gabing trabaho at sa pagdating ng umaga ay anim na oras ulit para sa isa pang trabaho. Nakakahanga ang lalaking ito pero ano nga ba ang magiging papel nya sa buhay ni Mel (Mikaela Eunice Lao) . Magbabago kaya ang takbo ng buhay nila sa oras na magkakilala sila?