Nakakamangha ang tanawin mula sa sinasakyan naming helicopter, kitang kita ang ganda ng dagat white sand at mga puno. Nasa gitna ang isang malaki at glamorosong building, ang sikat na 'Prinston Hotel'. Isa raw dugong bughaw ang may-ari nito kaya world class ang facilities idagdag pa ang natural na ganda ng kalikasan.
"Like what you see?" bulong ni Royce mula sa likod ko. Kung saan saan nya ko dinadala, last week sa Hongkong kami nag-punta. Isinama nya ko sa kanyang business trip with leisure, wala kaming ginawa kundi gumala at mag-shopping. Ayaw nyang papigil, kung ano ano ang pinag-bibili. Hindi na ako tumutol dahil para naman yon sa mga bata sa bagong tayo niyang orphanage. At may schedule na rin kami next next week naman sa singapore, tutulungan nya daw akong maging international ang aming company! hindi ko tuloy maiwasang maging kampante sa kanya hmmmpff...
Pero kahit anong gawin nya, two months lang to. Kaya wag kang papadala Zafirah. Hawak lang sa katinuan, okay?
Pagbaba namin agad kaming sinamahan ng hotel crew sa kwarto namin, malapit na kami sa room namin ng marinig ko ang pangalan ko.
"Zafi!"mabilis kong nakilala ang boses nya.
"Dylan, musta?" niyakap nya ko paglapit nya samin.
"Na-miss kita, antagal kitang hindi mahagilap ah. San ka ba nag-sinuot?" saka nya lang ako pinakawalan.
"Ah.. business trips"
"Dito?"
"Eh, ngayon bakasyon naman"
"I see... Buti naman. Masyado ka kasing workaholic"
"I need to, alam mo naman ako nalang inaasahan ng family ko-"
"Ehemm" nilingon ko Royce, seryoso ang mukha nya
"Ah, nga pala.. si Royce" lumapit sya kay Dylan at iniiabot ang kamay, walang alinlangan namang tinanggap iyon ng huli.
"Her boyfriend" he stated, urgh! kailangan talaga i-broadcast?
"Really? You haven't mention that Zafi"
"Uhm, ah, well-" palipat lipat ang tingin ko sa kanila, nagbabanta ang titig sakin ni Royce
"B-biglaan kasi"
"Ah, ok.. sige... next time nalang tayo mag-usap mukhang kararating nyo lang. Bye" mabilis siyang tumalikod, ang makulit na si Dylan biglang nag-seryoso?
"Come on." Hinila na ko ni Royce papasok sa kwarto amin. There was tension in the air, i wonder why biglang nagbago ang mood nya.
After maghilamos nahiga muna ko sa king sized bed and took a nap. Nagising ako sa pakiramdam na may mabigat sa na nakapatong sa hita ko. Tinulak ko yon at hinila ang kumot. Pero after some seconds muling bumigat ang pakiramdam ko, na-iinis na nagmulat ako ng mata. Malapad na dibdib ang sumalubong sakin. Antok pa ko pero tuluyan akong nagising ng ma-realize kong si Royce yon. Itutulak ko na sana sya ng hilahin nya ako at mas lalong dinikit sa katawan nya, it felt nostalgic. Napaka-familiar ng yakap nya. Ngayon lang, i will succumb to this moment. I closed my eyes at sumiksik pa lalo sa kanya.
I was walking alone on the sea side when i saw Dylan. May ka-usap syang bata. I called his name, he turned to me, smiled then patted the kids head. Lumakad sya palapit sakin, hindi ko pa ba nasabi? Suitor ko sya, wala pa yatang 1month. Pero matagal ko na syang kaibigan, at first naasiwa ako nung magtapat sya but he said kung ayaw ko daw talaga hindi nya ako pipilitin.
"Sinong kausap mo?" tanong ko ng makalapit sya, nagsimula akong maglakad papunta sa garden, kasunod ko sya.
"pamangkin ko, were on a family outing. Eh ikaw?"
"Ayan, kasama ko si Royce"
"Kelan mo pa sya naging boyfriend?" napatigil kami sa pag-lalakad
"Kelan lang"
"Why him? Why not me?" A/N:parang familiar ang line na to? hehehe
"Dylan, i like you... a lot. and I don't want to lose you--" A/N: pati to..hahaha
"ZAFIRAH!" napalingon ako sa direkyon ni Royce, nakatiim ang bagang nya. This is the 1st time that i saw him really mad.
"I told you to wait for me"
"Antagal mo kasi" somehow na-ilang ako sa kanya, i can't look straight to his eyes
"Let's go" he held my wrist, at the same time Dylan took my other hand.
"Teka lang pare, may pinag-uusapan lang kami"
"Im sorry but i have to take her now" naglaban sila ng titigan, after almost ten seconds i broke the silence.
"D-dylan, ite-text nalang kita" i pulled my hand "see you around" then we walked away. Nang makarating kami sa kwarto marahas kong binawi ang kamay ko.
"What the hell was that for? Nag-uusap lang kami, you don't need to be rude!"
"Nag-uusap? You were declaring your feelings to him and you expect me to cut my tongue and let you make a fool out of me?!"
"I was not declaring anything!"
"Then, what crap are you talking about 'i dont want to lose you?. CRAP!"
"Sinasabi ko lang ayokong mawala sya dahil--" suddenly he was in front of me tightly holding my shoulders.
"Didn't you agree to our deal? I AM YOUR BOYFRIEND!"
"YES! I KNOW! AND BECAUSE OF THAT STUPID DEAL I'M HERE, WHAT MORE DO YOU WANT? HANGGANG KELAN MO BA KO GUSTONG SAKTAN?! hindi ko napigilan, pumiyok din ang boses ko sa huli. Natigilan sya, ramdam kong babagsak na ang luha ko, At ayokong makita nya kong umiiyak kaya mabilis akong lumabas ng kwarto habang tulala naman siya.
BINABASA MO ANG
Just for Two Months (on hold)
RomanceAnong gagawin mo kung biglang magpakita sayo ang EX mo at makipagbalikan? Will you say yes? Kahit sobrang sama ng paghihiwalay nyo? It will only last for 2 months... Will you take the risk? ...