Winnie (Anabelle)
"Manong, bakit kanina kapa paiba iba ng daan?" Irita kong tanong sa driver. kanina kopa kasi napapansin na paiba iba siya ng daan.
"Kanina pa ho kasi may nakasunod sa atin, Ma'am."
Napatingin ako sa may likuran, may nakasunod nga sa aming isang black Van. hindi talaga siya titigil hangga't sa hindi niya ako maikulong ulit sa mansion. habang buhay ko na talaga siya kasusuklaman.
Sinabihan ko si manong na 'wag kami tumuloy sa bahay nila Savena, pag tumuloy kami do'n parang tinuro ko na rin sakanya kung nasaan ang kapatid ko. tama na yung ako lang ang nakaranas ng pagiging malupit niya.
"Wag mo bilisan. hayaan mong makalapit sila sa atin ng kaunti." Utos ko kay manong, nagdadalawang isip pa ito kung susundin ako. pero sa huli ay ginawa niya ang utos ko.
Nang medyo makalapit sa amin ang sasakyan nila ay kinasa ko ang baril na bigay sa akin ni Victor kanina. binuksan ko ang bintana at inilabas ang isang kamay.
Sunod-sunod na pinaputokan ko ng baril ang gulong ng sasakyan nila para masigurado na hindi na sila makakasunod pa sa amin, napangisi ako nang gumiwang-giwang ang sasakyan.
"Wow ma'am ang galing niyo po!" Manghang papuri sakin ni Manong.
Thanks to my father dahil siya ang nagturo sa akin humawak ng baril mula pagkabata ko. now I can use it to kill him if want to.
Ngumiti lang ako kay manong at sinabihan siyang magfocus nalang sa pagmamaneho dahil masyado malayo ang Golden Town, yes doon ang punta namin dahil wala na akong alam na pwede namin puntahan pa.
Hindi ko kasi alam bahay nila Alicia at Shantel wala rin akong number nila, hindi ko rin alam paano haharapin si Miss Soriano kaya si Katrina nalang naiisip kong pwede lapitan ngayon.
Sa Sementery lang ako nagpahatid kay Manong Ren kasi hindi kopa alam saan nakatira dito sila Katrina, tatawagan ko nalang siya.
"Ma'am, sigurado kaba na magpapaiwan ka dito? baka po kasi magalit sakin si Sir pag nalaman niyang hinatid kita sa ibang lugar." Kamot ulong sabi ni Manong Ren.
"Tatawagan ko nalang po siya kaya 'wag kayo mag alala." Sabi ko sa kanya, tumango naman ito at nakangiting pinaandar ang sasakyan.
"Ang dami niyo kasi pwede mahalin pero siya pa napili niyo, mayaman din naman pamilya mo." Pagkausap ko sa lapida ni mommy.
Iba talaga kapag tinamaan ka sa isang tao 'no? yung handa kang gawin lahat para sa taong 'yon. just like my mom, masyado siya binulag ng pagmamahal niya kay daddy.
"You know mom, I met a girl. not just a girl, but a beautiful woman that has a deep blue eyes. at the first gusto ko lang naman siya paglaruan kasi parang ang interesting niya, hanggang sa matalo ako sa sarili kong laro kasi ang ganda ng kalaban ko." Kwento ko sa kanya habang inaalala ang una naming pagkikita.
By just looking at her deep blue eyes parang nilulunod kana at hindi mo na alam kung paano na umahon.
"Pero ngayon hindi ko na alam paano pa siya haharapin pa. wala na ako mukhang ihaharap sa kanya, mom. dahil sa kagagawan ng hayop kong tatay. he's not just a abuser kasi pumapatay din siya. I will hate him for the rest of my life." I continued, mapait akong napangiti. parang kinakausap ko lang anino ko.
Miss ko na siya, gusto ko siyang yakapin at huminge ng tawad sa ginawa ni daddy. pero alam kong hindi magiging sapat 'yon kahit lumuhod pa ako sa harap niya at umiyak ako ng dugo.
Naiintindihan ko nararamdaman niya dahil parehas kaming nawalan ng nanay, parehas kaming naghahanap ng hustisya. kahit nga siguro ako hindi ko mapapatawad ang pumatay kay mommy.
