Hugot 1

185 4 0
                                    

Note: Ang mga hugot lines na masasabi rito ay minsan galing sa sarili kong pananaw pero madalas sa pananaw ng iba o di kaya ay nabasa sa facebook.

***

Huminto ang jeep sa may pandayan. Sumakay ang isang gwapong lalaki. Maputi, matangkad, makisig. Na star-struck ata ako.

Sa tabi ko sya umupo. Alam kong gwapo sya pero hindi oo dapat gawing basehan iyon. Iyan kasi ang problema sa tao, masyadong prejudice.

"Miss makikisuyo lang." Sabi nya. Inabot ko ang bayad nya at ipinasa sa iba.

"Manong bayad po, dalawang estudyante, nag-aaral mabuti" sabi ng katabi ko sa jeep na sinasakyan ko papunta sa school.

"Manong, bayad po, isang normal sana na estudyante at nag-aaral ng mabuti ngunit nasaktan dahil sa maling tao. Nagsisisi ngunit natuto" sabi ko sabay abot ng bayad ko.

Naramdaman ko ang nga tingin ng mga pasahero sa loob ng jeep na iyon. Wala naman akong pakialam. Totoo naman kasi iyon at walang halong pamamalastik.

Nang makarating na ako sa school namin, bumaba na ako pero sumulyap ako sa kanya at nakita Kong nagbabasa sya ng libro. Napangiti ako at pumasok na sa school.

*

"Jemae, pahiram ballpen" sabi ng kaklase kong si Honeylette sabay agaw sa akin ng ballpen kong faber castell grip x p5 na kulay pink ang case pero kulay itim ang tinta.

Kinuha ko ulit ang ballpen ko sa kanya.

"Pahiram lang e! Damot!"

"Pahiram? Bakit hindi ka humanap ng iyo ng hindi ka nanghihiram? Damot? May mga bagay kasing hindi dapat ipinapahiram sa iba. Kasi baka sa sobrang pagpahiram mo, ikaw na ang mawalan" sabi ko sabay irap. Napakamot na lang sya ng batok.

"Ballpen lang humuhugot ka nanaman! Pabebe to masyado!" Sabi nya sabay alis sa harap ko.

Pumasok ang teacher namin sa Values. Tuwing Thursday at Friday lang naman ang values every week. Grade 10 na kasi kami kaya medyo pang bundok ang schedule.

"Okay good morning class!"

Binati din namin si Ma'am Gonzalez ng magandang umaga tapos nagdasal kami at nagdiscuss na sya.



"Kailangan nating mamahagi at tumulong sa kapwa. Yan ang palagi ninyong tatandaan 10-A" sabi ni mam Gonzalez at siya'y nagpaalam na.

Recess na ang pagkatapos ng values. 3rd period kasi.

At dahil ako'y nagtitipid, may baon akong kanin. Inilabas ko na para kumain ng biglang inagaw ni Edna yung tinidor ko.

"Hoy Edna, tinidor ko yan, ayos mo nga" sabi ko

"Hinihiram lang bakla e! Saka pahingi na rin ng ulam at kanin! Oy sabi ni mam tumulong daw sa kapwa at mamahagi" sabi nya pa. Umirap ako.

"Ano iyon? Kung palaging mamamahagi edi parang kinukunsinti nyo na rin ang isang tao na maging tamad at umasa na lamang sa iba? Saka kung mamamahagi ka ng mamamahagi at magbibigay, edi wala nang natira pa para sa sarili mo. Saka kahit pa gumawa ka ng isang daang mabuti sa kapwa, yung isang mali mo pa rin ang matatandaan nila" paliwanag ko.

"Ewan ko sa'yo bakla! Hihingi lang e" sabi nya. Pero kumuha pa rin naman sya.

Matapos ang recess, dumating na ang sunod naming teacher. Si Mam Cruz. T.L.E. namin at gagawa yata kami ng slogan. Nagpadala kasi sya ng materials e.

Tama nga ang hula ko. Gagawa kami ng slogan.

Sisiw lang sa akin ang slogan kaya nakagawa agad ako at naisulat ko sa oslo.

"Jemae, pahiram nga ng pink mong ballpen" sabi ni tita Marg. (Hindi ko sya tita pero trip ko syang tawagin na tita).

"Ay tita Marg, wala akong pink na ballpen" sabi ko.

"Huweh? Diba yung faber mo pink?"

"Tita marg, hindi porque ganoon ang panlabas nya ganoon na rin sa loob. Minsan kasi mas pinapaganda ng iba ang labas kumpara sa loob dahil mas kita ang labas, pero dapat mas pinagtutuunan ng pansin ang loob dahil iyon ang nagpapaganda sa labas though labas ang nagdadala. Gayunpaman, dapat wag tayong maniwala sa mga nakikita natin sa panlabas"

"Walangya! Ballpen lang may humugot ka nanaman! Dyan ka na nga!" Inis na sabi nya. Tumawa na lamang ako.

Mabilis na lumipas ang oras at Math na. Pinapahanap sa amin ni mam Leonin ang x sa bawat equation.

"Bakit ba kasi kailangan pang hanapin ang ex?! E iniwan ka na nga, hahanapin mo pa! Tapos magtatanong pa ng y?! Ano iyon magpakamartir lang?" Tanong ko kay mam.

"Kasi anak, isipin mo ikaw ang equation na sinasagutan mo, hindi ka makukumpleto kung hindi mo hahanapin ang x kasi diba? Bago makarating ng future, may present at past pa. Para makasurvive sa present, dapat balikan mo ang past at doon ka matuto."

Si mam Leonin talaga ang idol ko sa mga hugot hugot e!

Mabuti nalang talaga at natapos na ang klase. Nakakatamad din kasi e. Dumiretso na ako sa publication room. O yeah, nagjo-journalism ako. Haha

"Natapos nyo na ba yung mga asignment nyo?" Tanong ni Ma'am Doma, publication adviser namin.

"Yes mam." I answered.

"Sige, iwan mo na lang yung notebook mo then you can go" sabi ni mam. iniwan ko na yung notebook ko at umalis na doon sa publication room.

Pagkagaling ko ng publication room, dumiretso na ako sa People's Park. Doon kasi nagpa-practice yung mg kaklase ko.

Pagsakay ko sa jeep, may magsyotang sumakay na naglalandian. Napairap ako. Ang sarap nyong kamutin. Irita.

"Public place pero nagmistulang motel." Sabi ko. Mukhang narinig nila yung sinabi ko. Natawa naman ang ibang pasahero. O well, wala akong balak bawiin yun.

"Excuse me miss ha? Ano bang paki mo?"

"Paki ko? Wala akong paki sa inyo, sa mga batang nakasakay ako may paki! Ang tanda nyo na kaya sana umakto kayong naayon sa edad nyo. Saka tayong matatanda ang dapat role model sa kanila. Tapos ganyan? Ano nalang yung iisipin nila? Na pwede palang makipaglampungan sa jeep?" Inis na sabi ko. Napatango yung mga pasahero ng jeep.

Sasagot pa sana sila pero bumaba na ako ng jeep dahil nandito na ako sa People's Park

Habang naglalakad ako sa malawak na field ng People's Park, biglang nag-iba ang kulay ng fountain. Nakatitig lang ako doon. Manghang mangha ako.

"Ang fountain na yan, sumisimbolo sa buhay natin. Iba-iba ang kulay may ups and down pero ang kulay pula ang sumisimbolo sa pag-ibig" I turned to someone who's beside me.

"Hi miss na mahilig humugot"

He was the guy earlier!

"Jemae! Pabebe ka masyado! Kanina ka pa namin hinihintay!" Sigaw ng kaklase kong si James.

"See you when I see you" I said. Pero hindi ako dapat na umasa kasi maari lang akong masaktan sa huli.

Ang Mga Hugot ni ateng PaBEBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon