Hugot 3

16 0 0
                                    

I really really think that ako ata si ateng pabebe. At ito yung mga hugot ko. Hahaha. Bear with me please.

Another spoken poetry-ish

---

Mahirap Magmahal ng Tropa

      Mahirap magmahal ng tropa.
      Mahirap na nga magmahal, mas lalo pang humirap dahil tropa kita.
      Paano nga ba kita naging tropa? Anak ng tokwa, kung nalaman ko lang na magkakaganito tayo ay iniwasan na kita.
      Mahirap magmahal ng tropa.
      Nasa iisang barkada tayo. Iisang kalokohan. Iisang hulma ng bituka.
      Alam mo ang kalokohan ko, alam ko naman ang kagaguhan mo.
      Pero kahit ganon, minahal pa rin kita.
      Naaalala ko pa non, nang tinanong kita "Gusto mo bang mag- asawa?"
      Tumawa ka at hindi sumagot.
      Tinanong ulit kita "Sino ba ang gusto mong mapangasawa?"
      Ngumiti ka lang sakin at ibinalik ang tanong ko: "E ikaw, sino bang gusto mong maging asawa?"
      "Ikaw." Nadulas kong sabi. Ngunit tinawanan mo lang ako.
      Ang sabi mo pa, "Adik. Sumuko ka na kay Duterte." Natatawa mong sambit.
      Sumabay na lang ako sa pagtawa mo at binawi ang sinabi ko.
      "Asa ka naman. Hindi na ako mag-aasawa kung ikaw lang din." Sagot ko sayo.
      Ginulo mo ang buhok ko at inaya nang umalis.
      Sa ating tropa, tayong dalawa ang palaging magkasama.
      Masarap pakinggan ang sinasabi nila na bagay daw tayo.
      Pero sobrang sakit naman kapag sinasabi mong, "Asa pa."
      Kasi totoo. Hanggang "asa" nalang ako sayo.
      Mahirap magmahal ng tropa.
      Dumating ang panahon na nagsawa na ako sa kaka "asa" sayo.
      Naghanap ng iba. Nagpaligaw sa iba.
      Sinabi mo sakin, "Akala ko ba aral muna?"
      Napailing ako. Sumagot ako at sinabing, "Oo nga. Hindi naman to seryoso."
      Tinignan mo ako ng may pagkabigong mga mata.
      "Hindi mo naman kailangan nyan e." Sabi mo pa.
      Ngumiti nalang ako at di na sumagot pa.
      Kailangan ko. Kasi pagod na akong umasa sayo.
      Gusto ko sanang sabihin ngunit hindi ko ginawa.
      Mahirap kasi magmahal ng tropa.
      Nakagraduate na tayo ng kolehiyo. May career at nagtatrabaho na.
      Unti unti, naalis na kita sa sistema ko. Akala ko ayos na.
      Akala ko lang pala.
     
      Sumugod ka sa bahay. Umuulan pa iyon at basang basa ka.
      "Magpapakasal na daw kayo?" Magkasalubong na kilay mong sabi.
      Nakatingin lang ako sayo. Iniisip ko kung bakit at anong ginagawa mo.
      "Sumagot ka." Sabi mo pa. Tinawanan kita.
      "San mo naman nakuha ang balitang yan?" Kunot noong sabi ko sayo.
      Nakita ko ang paghinga mo ng maluwag. Na para bang nabunutan ka ng tinik sa dibdib.
      "Ang sabi nila nagpropose na daw sya sayo." Sambit mo.
      "Oo nga. Nagpropose na sya ng kasal." Tahimik kong sagot sayo.
      "Anong sagot mo?" Nag-aabang mong tanong.
      Huminga ako ng malalim.
     
      Mahirap magmahal ng tropa.
      "Ang sagot ko ay hindi, hindi ko alam. Dahil hindi ko alam kung aasa pa ako
      Hindi ko alam kung dapat pa ba akong umasa sayo.
      Hindi ko alam kung bakit sa halip na sagutin ko sya ng oo ay hindi ko alam ang naisagot ko.
      Hindi ko alam.
      Hindi ko na alam.
      Tumalikod ako sayo. Aalis na pero hinila mo ako at niyakap.
      "Wag ka nang umasa" sabi mo. Napapikit ako sa sakit ng iyong mga salita.
     
        Mahirap magmahal ng tropa. Mahirap talaga.
        "Dahil mahal kita. Noon pa man." Napalingon ako sayo. Nagtama ang ating mga mata.
        "Hindi mo na kailangang umasa pa dahil mahal kita." Napangiti ako.
        "Una pa lang ikaw na. Hindi kita niligawan noon dahil sabi mo aral muna." Seryosong sabi mo.
        "Pero ikaw lang talaga. Noon at ngayon." Dagdag mo pa.
        Mahirap magmahal ng tropa.
        Pero kahit ganoon, mahal kita.
    

Ang Mga Hugot ni ateng PaBEBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon