Kurt's POv
Nandito na sila?
So soon? Akala ko next month pa. Shems..Kasunod ng kotse ko ang mga sasakyan ng ibang ArtPop..
Kinakabahan ako.
I dont know what to do.
..anong mangyayari samin.?Nakarating na ata sa kanya ang balita.
Hinarurot ko na ang sasakyan dahil ayaw nilang pinaghihintay sila. Lalo na siya.*Fast forward *
"So, Severe... How's my company?"
Nagsalita ang babaeng nakaupo sa isang malaking upuan. Nakatalikod pa siya samin ngayon.
Nandito na ako ngayon sa isang office room. Mga antique na ang furnitures pero maganda pa rin tingnan. Kasama ko ang ibang ArtPop. Alam kong kinakabahan din sila. Sino ba naman ang hindi? Pwedeng hindi na kami makaalis ng buhay dito."I-its doing fine Madame."
Nauutal kong sagot.Umikot ang upuan at dun nakita namin ang isang babaeng mala-anghel ang ganda. Napaka amo ng mukha pero makikita sa mata nito ang galit, at para bang gusto niyang pumatay.
"Really?? So, ano itong narinig kong ang kumpanya ng Chisholm ang nangunguna ngayon?? At nabalitaan ko rin na nalulugi na ang kumpanya ko dito."
Mahinahon niya yan sinabi pero nakakatakot pa rin. Nakakatunaw ang ngiti niya.."Madame, that's a lie.. You're compa--"
Hindi na natapos ni Reynor ang sasabihin niya.."Enough!! I dont wanna hear it. Keep it ok?.. Ngayon, bibigyan ko kayo ng chance para mabago ang status ng company.. But, may I ask, where is Ms. Danforth?"
Nga pala!
Wala si Lyra dito..
Naiwan siya sa WufGuild."She's with the WufGuild Madame"
Sagot ni Charlysse.."I see, how are they? Ano na ang mga nakalap niyong impormasyon??"
Tumingin siya kay Neo na kanina pa tahimik.."Before we leave, they were planning something.. Their target is.... Your group."
Walang emosyong sabi ni Neo.Imbis na matakot o ano ay wala man lang reaksyon ang babaeng nasa harap namin.
Unti unti, ngumiti ito na parang magbibigay sayo ng bangungot."Ms. Magenta, maghanap ka ng mga bagay tungkol sa mga Wufguild na ito. Lahat.. Kailangan ko lahat."
Nag nod lang si Lyrah.
