Chapter 11

5.2K 78 9
                                    

Sabi ko sa sarili ko, MONDAY ako mag-a-update. Pero ano?! ANONG PETSA NA? Friday na! Haii.

Sorry naman ph0wxzs. mMwahHx! :)

-------

Chapter 11

I smell something SWEET dito sa dalawa kong bestfriend ah. Kung mag-usap oh! Ang lagkit ng tinginan. Tapos yung aura ni Macey, mukang kinikilig lang. Aaaah! Ang landi lang po. Hindi maistorbo tong dalawa e. Ni hindi man lang napansin na nakarating na ko. Aba! Meron yata akong di nalalaman? Hmmm... Mapuntahan nga--

"Lauren! I missed you!" At isang isip-batang dilag ang pumulupot sa braso ko.

"Oi ganda! Na-miss kita! Di man lang nagparamdam e! Busy sa pag-bo-boyhunt?" sabay hawak naman ng isang fallen goddess sa dalawa kong kamay.

K. Ako na ang namiss nila! Ako na talaga! Kung isinama ba naman nila ako sa mga island getaway nila, edi sana di nila ako namiss ng ganto!

"Patay ba ko na muling nabuhay? Grabe kayong dalawa ah." sabi ko sa kanila na kunwaring naaaduwa sa mga yakap at hawak effect nila sakin.

"Muka mo. Namiss mo din naman kami." Okay. Tama naman sila dun kaso kailangan kong unahin yung dalawa kong bestfriends.

Pupuntahan ko na dapat si Jude at Macey kaso hindi ako binitawan nitong dalawang nakasakbit sakin.

"Oi Lauren. Sino ba yang nasa likod mo? Pakilala mo naman kami. Wafu ha." bulong niya sakin.

"Oo nga. Kanina pa yan nag-aantay na ipakilala mo kami sa kanya oh."

Ai oo nga pala, may kasama akong gwapong nilalang dito sa likod ko. Eto na nga oh. Ipapakilala ko na..

Umikot ako para humarap kay Aris.

"Ui Aris. Sorry kung nakalimutan kitang ipakilala. Eto nga palang nakapulupot sakin ay si Alex, Alexa Laurice. Eto namang nakahawak sa kamay ko ay si Cel, Celinne Philippe. Blockmates at mahals ko. Sila nga din pala ang mga linta ng aking buhay." sabay bitaw naman sakin nung dalawa. "Cel, Alex, siya naman si--"

"Hi, girls. I'm Aris, Christian Aris. Nice to meet you." sabay ngiti ng pamatay at wave ng hand.

Shemay lang! Bastos. At bakit ganto to sa iba? Sa akin naman, hangga't maaaring sungitan, ginagawa! Napakawagas e. UNFAIR! Boohoo.

"Woah. Ang hangin naman ng mga ngiting yan. Nadadala ako. Sige, dyan na muna kayo since muka namang close-close na kayo. Hmmp." 'Kay. Ako na nagtatampo kay Aris. Tse! Alam kong wala akong karapatang magtampo. E bakit ba? Eeee! Pupuntahan ko na nga talaga muna sina esprens.

"Teka, teka." sabay hawak sakin ni Alex. "Hindi mo makakausap yang si Macey. Yung lalaki lang ata ang nakikita niya e. Hindi man lang kami napakilala!"

"Iba talaga pag inlove ang isang tao. Pati kaibigan, nakakalimutan." Sabi naman ni Cel na parang nagtatampo. Haha. Cute lang e.

Ms. Feeler and Mr. Pride? Not a perfect match. (SUPER DUPER MEGA on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon