I am now in my room , simula ng mangyari ang naganap noon tila nag laho na lahat ng kasayahan ko , hindi narin kami magkasama ni Damien ng kwarto simula ng dalhin niya ako sa kwartong to inilipat na ang mga gamit ko dito.Masakit man ngunit kinakaya ko, araw araw kong nakikita ang babae niya dito sa mansion . Bawat araw ang dumaan saaking buhay ay puro hinanakit nalang .
Pinunasan ko ang luhang kumawala sa pisngi ko at tinignan ang malaking salamin na malaki, nag tataka talaga ako sa salamin na ito dahil sinakop na nito ang buong pader sa left side , lalo na sa cr may malaki ring salamin doon.
Ng dahil sa salamin nato tila ay may nakatingin saakin , ngunit sinasawalang bahala kunalang ito dahil guni guni kulang yata iyon dahil sa palagi kong pag iyak at walang ayos na tulog.
Nalilipasan rin ako ng kain dahil hindi ko kayang lumabas ng kwartong to , natatakot akong makita ang lalaking minahal ko na may nag papasayang iba .
Ako siguro ang hadlang kung bakit hindi sila nag sama , piro bakit ako pinakasalan ni Damien kung ganon naman pala may asawa ito at ang mas malala pa buntis ito .
Parang ginawa lang akong kabit diba ang saya , mali bang pinili kong mag mahal ng kagaya ni Damien.
Nanghihina akong tumayo sa kama ng may marinig akong kumatok sa pinto, alam kuna kung sino iyon , wala naman bukod tanging pumupunta sa kwarto ko kundi si nanay lang.
" Iha kumain kana , ilang araw kanang ganyan nako baka mag kasakit kapa niyan ,,, ohh ali kana kumain kana pinag handa kita" Pag kumbinsi saakin ni nanay
" Nay alam niyo naman ang dahilan ko kung bakit ayaw kung bumaba , baka maulit na naman ang pag aaway namin ni Olivia " Malungkot kong sambit dito.
Nag away kasi kami ni Olivia noong nakaraang araw , hindi ko alam kung bakit palagi nalang niya ako pinag bubuntungan ng galit niya , kapag pinatulan ko naman mag susumbong kay Damien ending ako pa ang nagiging masama .
" Huwag kang mag aalala ako bahala sayo , saka nasa kwarto si Olivia at Damien hindi mo sila makikita "
Napabuntong ako bago tumango na kinangiti ni Nanay saakin, agad niya akong hinila kayat nag patiyanod nalang ako dito.
Nalungkot ako ng makita ko ng kwarto ni Damien mukang nasa loob ng kwartong yan si Olivia .
Pinunasan ko ang luha kong nag babadya na naman tumulo.
Ng makarating kami sa dining table agad akong pinag hila ni nanay ng upuan at inasikaso, kinain ko lahat ang niluto niya masarap ito ngunit napahinto ako dahil ibang lasa , hindi ganito ang timpla ni Nanay.
" Nay sino po ang nag luto nito " tanong ko rito nakita kong natigilan ito bago mag salita.
" Yung chef na kinuha ni Damien may bago kasing chef" sambit nito saakin nakita kupang iniwasan niya na mag tagpo ang aming mga mata .
Tumango ako dito saka kumain nalang, napakagat labi ako ng maalala ko na ganitong ganito ang lasa ng mga niluluto ni Damien saakin noon, ngunit binaliwala ko nalang ayaw kunang umasa pa .
At oo may bago talagang chef si Damien matanda narin ito , nakita ko itong namimitas ng bulaklak noong nakaraang araw sa bakuran.
Habang kumakain ako ay umalis muna si Nanay may kukunin langdaw kayat hinayaan ko nalang, napatingin ako sa adobo na nakahain sa harap ko.
Iwan kuba parang nasusuka ako kapag naamoy kotong adubo nato, nag simula lang ito kahapon ayaw na ayaw ko talaga sa adubo piro itong adubo nato ay dating gustong gusto ko ngunit ngayon parang ayaw kunang kainin nasusuka lang ako.