EPISODE 11 *MISSING HER*

1.2K 17 21
                                    

JANICE: Bhest, Ikaw pala yong representative ng school para sa Journalism noh? Galingggg!

Napalingon sya kay Janice. Kasulukayan niyang hinihintay si Lance  sa park dahil hindi pa tapos ang kalse nito. Sasamantalahin na nya ang nalalabing araw bago siya magtungo sa  Baguio para sa Journlism. Bukas na kasi ang alis niya para lumahok sa competition na iyon.

Three days din gaganapin ang patimpalak na iyon. At nalulungkot si Kristine dahil mami-miss niya si Lance pero importante din sa kanya ang Competition na iyon.

JANICE: Bhest andito na si Lance. Goraaa na ako ah . 

KRISTINE: Sige bhest. Ingat ka.

Tumango ito at umalis.

LANCE: Hi Tin.

Nakangiting bati sa kanya ni Lance. Tumingala siya rito. 

KRISTINE: Hi Lance. 

Umupo ito sa tabi niya at tinitigan siya. Bigla itong naging seryoso.

LANCE: Okay ka lang?

Pilit syang ngumiti at tumango.

KRISTINE: Oo, Okay lang ako. 

LANCE: Youre lying.

Pinisil nito ang baba niya para mapuwersa siyang mag angat ng tingin dito.

LANCE: Seriously, Whats wrong, Tintin?

KRISTINE: Nalulungkot lang ako kasi bukas na ang alis ko para sa Journalism. Tatlong araw tayong hindi magkikita. Mami-miss kita.

Natawa ito ng marahan.

LANCE: Akala ko naman, kung ano na ang problema mo. Tatlong araw lang yon, Anong ginagawa ng cellphone, Facebook at Twitter?

Eksaherang sumimangot si Kristine.

KRISTINE: Hindi ako papayagan ng professor ko na mag-Internet o magtext hanggat hindi natatapos ang competition. Ayaw kasi niyang madistract ako.

Inihilig nya ang kanyang ulo sa balikat nito. 

KRISTINE: Mamimiss kita Lance. Mamimiss mo ba ako?

LANCE: Hindi ko alam. I'll be busy for the next three days because of our scheduled shooting.

Nalungkot sya sa sinabi ng iyon ni Lance pero hindi na nagkomento pa si Kristine. 

---

Lance turned around for the nth time. Napabuga na lang siya ng hangin nang wala pa rin siyang makita ni anino ni Kristine. Para kasing naramdaman niya ito kaya nadismaya siya nang wala siyang makita sa likuran niya.

He checked his cell phone. Wala rin itong tawag o text man lang. Dahil may wi-Fi sa campus nila, binuksan na rin niya ang Facebook at Twitter niya pero wala pa rin itong iniwang mensahe. Noon naman ay hindi ito pumapalya ng pagbati sa kanya ng "Good Morning" o kung anon-ano pa. Tatlong araw na siya nitong hindi kino-contact. Hindi naman kasi niya akalaing seryoso ito nanng sabihin nitong hindi ito magtetext o mag-iInternet hanggat hindi pa tapos ang Competition.

Lumukso yata ang puso niya nang tumunog ang cell phone niya. Pero nadismaya siya nang makitang hindi si Kristine ang tumatawag. It was Claire, a former fling.

LANCE: Hey, Claire.I'm busy at the moment. yes, I dont want to see you again. Im hanging up. Im waiting for an important call, Thank you Bye.

[[♫Mr. Superstar Meets Ms. Nerd♫]] MY FIRST ROMANCE ♥On-Going ^__^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon