Her

2 0 0
                                    


Nanaginip ako... Napanaginipan kita, nalaman mo daw na mahal kita noon pa. Alam mo ba ang sinabi mo sa panaginip ko? Sabi mo "mahal kita, pero bilang kaibigan lang". Tinanong ko anong pwedeng gawin ko para mahalin mo ko. Sagot mo"wala kasi sya lang ang mamahalin ko at wala ng iba pa". Nagmakaawa na ko sayo, lumuhod sa harapan mo. Tawagin mo na kong desperate gagawin ko lang para sayo. Sinabi ko nga din na kahit pangalawa lang ako okay na atleast may puwang ako jan sa puso mo. Nagalit ka. Sinabi mong layuan na kita. Nagising ako dahil don. Okay na sakin na di mo alam na mahal kita pero please wag ka lang mawawala di ko kaya. Kahit pa sabihin ko lalayo na ko sayo di ko pa din kaya.

Mababaliw na ata ko. Ang gulo ng isip ko sabi ko lalayo pero ng dahil sa panaginip scratch that dahil di sya panaginip, isa syang bangungot. Hayyyyyyyy. :( pero naisip ko kaya siguro di ako maka move kasi hindi ko pa nasasabi sayo yung nararamdaman ko. Pero pano ko nga sasabihin kung sa panaginip pa lang ganun na reaction mo. Paano?

---A.L

TAKING CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon