Dilim ay papalapit na naman
Araw na ito'y di ko makakalimutan
Kung kailan ako umasa
Na maangkin ang pag-ibig mo sana...
Ngunit ako ay nagkamali
Nasaktan dahil nasawi!
Ang matagal ko nang hiling...
Bakit di pa matanggap na di ka na magiging akin!
Masakit mang isipin ito
Ngunit sa araw na ito
tanggap ko, na sa laro ng pag-ibig,
ako ay sawi at talo!
Sana sa pagpanaw ng gabi,
Sa isip ay maiwaksi
ang nakaraang pagkasawi!
.... oo ng masaklap na pagkasawi!
Sana pagdating ng bukas,
nararamdamang sakit ay lumipas...
Huling hiling ay kayanin....
Mabuhay kahit di mo pansin.