IX Part 2

136 3 0
                                    

Kasalukuyang nag-aayos ng sarili si Janella para sa 'hang-out' nila ni Jeric, kanina pa sya nangingiti na parang baliw. Excited sya masyadong makita ulit si Jeric.

Tinignan nya uli ang sarili sa salamin at ng makuntento ay tumungo na rin. "Ma,baka malate po ako ng uwi." paalam nya sa mama nya. At lumabas na ng gate ng taxi lang sya dahil wala lang.Wala sa sya mood magdrive at ayaw nya dahil mag-isa lang sya.Wala pa syang masyadong tiwala sa sarili sa pagda-drive.

Ilang sandali pa ay nakarating na sya ng Fort Bonifacio dito nalang daw sila magkita ni Jeric. Kinuha nya ang cellphone sa bag at tinext si Jeric, sinabi nya na nandito na sya.

"Janella!" may tumawag sakanya mula sa likod,pero kahit na nakatalikod sya kilala nya kung sino yun, sa tono palang ng boses eh.

Humarap sya para harapin yung tumawag sa kanya pero ikinagulat lang nya ang nakita, oo si Jeric ang tumawag sa kanya pero may kasama sya.

"H-Hi Jeric." bati nya nginitian lang nya ito at sya narin ang lumapit kay Jeric pati sa kasama nyang babae.

Kanina pa nakakunot ang noo ni Janella habang kumakain akala nya kase na silang dalawa lang ni Jeric ang mag hahang out ngayon, kainis dahil nag sama pa sya. Naiinis siya kay Jeric at sa kasama nyang si Mira. 

"Alam mo Janella, si Jeric mahilig yan sa fries sobra lagi ko nga syang dinadalhan ng fries after ng practice nya." daldal pa ni Mira lalo lang nag-iinit ang ulo nya!

"Ah ganun ba." yun nalang ang nasabi nya habang kumakain.

"Ja, ayos ka lang?" tanong ni Forts sa harap nya.Ngumiti lang sya at tumango.

"Wait lang guys ah magc-cr lang ako." paalam ni Mira, naiwan nalang silang dalawa ni Jeric, ang awkward naman.

"Alam mo magkakasundo kayo ni Mira, halos pareho kayo ng gusto eh." binasag ni Jeric ang katahimikan between them.

"Talaga? Parang hindi naman eh." sagot nya.

"Hay, oo kaya kung lagi tayong lalabas na magkasama magiging close na kayo nun." she almost choked to death after hearing that. Lalabas na magkasama ulit sila? Eh ngayon palang di na nya matiis yung babae na yun eh.

'Oy! Uminom ka muna subo ka ng subo ng pagkain eh." inabot ni Jeric yung juice at uminom narin sya.Ng maayos na sya ay nagsalita na ulit si Jeric.

"Ano sa tingin mo hang out uli tayo soon, para kilala mo rin ang iba kong kaiigan." natawa naman sya sa isip nya, ano iyon sila ba para malaman nya ang kaibigan ni Jeric.

Ano kaba Janella, ipapakilala lang ano-ano ang nasaisip! She scold her self.

"Maganda rin sigurong dalhin ko ang mga kaibigan ko." suggestion ni Janella.

"Sure." Jeric

Bumalik na si Mira galing cr, nainis nanaman si Janella, inisip na nga nya na sana nalunod nalang ito sa toilet para hindi na sya makasama pa sa lakad nila ni Jeric.

"Uy, Jeric I need to go." biglang nabuhayan sya ng loob. Sa wakas lulubayan na sila nung babaeng yun.

"Ang aga pa ah." Jeric

"Hinahanap ako ni Papa eh, next time nalang huh, Janella gusto ko pa sanang makilala ka eh kaso si papa." she mentally rolled her eyes.

"Osige pakisabi nalang kay Tito kumusta ah." Bilin ni Jeric kay Mira.

"Okay bye." paalam ni Mira sa kanila.

"Bye pinsan." nagulat sya! Mag pinsan lang sila ni Jeric?

Naiinis sya sa inasal nya kanina, eh malay ba nyang magpinsan lang pala sila ni Jeric. Nagselos ba sya kanina? Para tuloy syang naguilty dahil sa inisip nya kanina.

Naglakad lakad sila sa high street pinapanood yung mga batang naglalaro doon. 

"Pinsan mo pala si Mira, kala ko kase.." Janella

"Kung hindi ko pa sya tinawag na pinsan kanina, sure akong nagseselos ka parin ngayon." ano?! Hinampas nya sa braso si Jeric!

"Hoy!!! Ang kapal mo!!!" hinhampas nya si Jeric sa braso namumula na rin sya ng lalong ikinatawa ni Jeric.

"Oy halata ka na Ja!" nakakainis ang yabang nya kala mo sinong gwapo!

"Hindi nga ako nagseselos tyaka ba't naman ako magseselos?!" tanong ni Janella namumula parin sa inis, sa kilig, sa kahihiyan. -_-

"Kasi akala mo girlfriend ko sya, naiinis ka sakanya dahil gusto mo ako." ngumiti ng nakakaloko si Jeric, hala paano nya nabasa ang nasa utak ko. 

Lalo syang namula sa sinabi ni Jeric.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jump in lineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon