Ang gulo-gulo ng utak ko! hahaha
TULA_TULAAN NO. 0003
SHE's BROKEN
======================================================================
________________________________________________________________________________
Minsan naisip ko na umalis na lang
at pumunta sa isang malayo'ng lugar para makalimot.
Para makalimutan ang lahat ng sakit
na naidulot mo sakin.
Pero hindi ko maisip na malayo sa'yo.
Sino nga naman ba 'ko?
kung wala ang isang kagaya mo
sa buhay ko.
Nasaan na ang pangako mo?
sinaktan mo lang ang puso ko
na tapat ang pag-ibig na alay lamang
sa isang katulad mo.
Iniwanan mo 'ko.
Kahit kailan hindi ko ginusto na iwanan mo ako.
Hindi ko kaya na ikay mawala
sa piling ko.
Ano ba ang nagawa ko?
Hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal mo.
dahil puro sakit lang ang nararamdaman ko.
Na unti-unting pumapatay sa puso ko.
Paano mo nagawa sa kin toh?
Saakin na puro Pag-ibig at katapatan
ang inalay sayo.
Paano? Bakit? Ano ba ang kasalanan ko?
Dapat siguro kalimutan na kita.
Umalis ka na sa buhay ko.
Hindi ko kailangan ang isang tulad mo
na walang ibang alam gawin kundi saktan ako.
Ang pagmamahal ko na sinayang mo
ay kwento na lang
hindi na maaaring balikan
dahil sobrang sakit na ang naidulot saakin.
Lahat ng nailuha ko
ng dahil sayo at sa pagibig na ito
ay walang say-say para sayo
sino nga naman ba ako sa buhay mo?
Saan ba napunta?
ang mga pangako mo?
Ang dati mong pag-ibig na sabi mo'y
walang hahati at hindi maglalaho?
Mga kasinungalingan lang pala.
Mga kasinungalingan na saakin ay nagpaasa.
Mga kasinungalingan
na unti-unting pumapatay sa puso ko.
Paano nga ba kalimutan ang isang katulad mo?
na nagpaasa at nanakit saakin ng ganito?
Ayoko ng umasa, ayoko na rin masaktan.
Pero tama nga ba na kalimutan ka?
Saan ako kukuha ng lakas
para makalimutan na kita.
Para makalimutan ang lahat ng sakit
at lahat ng katangahan ko.
Lagi ko'ng tinitingnan ang langit
Inaalala ko ang mga masasayang nakaraan natin.
Masasayang nakaraan
na ngayon ay sakit at hinagpis na lang.
Ang puso ko
hindi ko alam kung tumitibok pa.
Ang sakit kasi na maloko
Lalo na isang tao pa na mahal na mahal mo.
Sabi mo hindi ako mag-iisa.
Sabi mo walang magiging iba.
Naalala mo ng sinabi ang mga yon?
Nagsinungaling ka.
Matatanggap ko nga ba?
na kahit kelan
Hindi na magiging tayo.
Dahil sinayang mo ang pagmamahal ko.
Masakit nga talaga sigurong mag mahal
Magmahal ng isang Tulad mo.
Pinupunit lang nag pagmamahal ko sayo
ang puso ko.
Sana hindi na kita nakilala pa.
Para hindi na ko nasaktan.
Sana Hindi na lang naging TAYO!
Dahil masasaktan pala ko ng Ganito.
Sa bawat bituin na dumadaan sa kalawakan
Humihiling ako na sana hindi ka na nahawakan.
Para matapos na ang sakit.
Para umikot na ulit ang Mundo ko.
PAg nakalimutan na kita
sasalubungin ko ang isang magandang umaga,
lalanghapin ang hangin
na puno ng saya at pag asa.
Kailangan ko ng maging matapang.
ang mga luhang pumapatak mula sa aking mata
at mga sugat na naiwan sa puso ko,
ay kailangan ng mabura.
Salamat sa mga oras na nakasam kita.
sa mga tuwa at ligaya na idinulot mo.
salamat sa lahat.
Pero kailangan ng burahin sa ala-ala.
Bakit ba kasi kailangan umabot sa ganito?
sinaktan mo ko.
tama na sigurong maging kayo.
Magsama na kayo.
Mahal na mahal kita,
Paalam na.
Ok na 'ko.
Aayusin ko na ang buhay ko.
===================================================================
__________________________________________________________________
hahaha alam ko na wala naman nagbabasa ng mga kung ano anong kaekekan na toh, haha pero sabi ko nga sa ibang AN wla n kong notebuk.. kekekekekekeke at masama mho sakin ang nakakarinig ng sad songs or nakakapanood ng sad movies.. hehehe yan po ang epekto ng malulungkot na bagay sakin :)