The Story

55 3 0
                                    

(Taylor)

Hi! I’m Taylor Royce Parker. Isa lang akong normal na babae, nabubuhay sa pagmamahal… ni Peter. Achuuu!!! Joke lang! Nabubuhay lang ako ng simple. Katulad niyo, nag-aaral din ako, nababaliw, at nagkaka- crush, syempre. Normal lang na magka- crush ka (para sa mga parents hindi T.T).

Fortunately, etong crush kong si Peter ay may crush din sa akin. Pero close friends kami, tipong M.U. ?? (Mutual Understanding po para sa mga di nakaka-alam :))

Paano ko nalaman?

Nag- aminan kami. Pero buti na lang at hindi kami na- awkward sa isa’t isa. Hindi pa kami pwede maging mag- boyfriend dahil may deal kami na ga-graduate muna kami ng college bago maging kami. Eh sa ngayon ay high- school pa lang kami kaya it’s still a long way to go!

Masayang-masaya kami noon…

Until April came.

Wait! I don’t mean yung month na April. What I mean is April is a girl like me. 1 year older siya sa ‘kin pero hindi ko siya ginagamitan ng “ate”. Hindi ko alam bakit pero ganun eh!

Bakit ko nasabi na “Since April came?” simple lang.

Simula nang dumating ang lesheng babaeng yan, Nakalimutan ako ni Peter. Totally nakalimutan… yung tipong hindi na niya ako kilala? Masakit yun kung… mararanasan mo yun.

Pabayaan niyo kong dalhin kayo sa nakaraan…

><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

Unang beses na nakita ko si April, paakyat siya ng hagdan. Ang ganda niya… hinahangin- hangin pa yung buhok niya. Ang suot niya nun ay t- shirt at palda. Kumbaga sa lalaki, witwiw!

Nasa classroom ako noon, malapit sa pinto. Biglang may mga lalaking tumakbo sa baba ng hagdan para tignan yung babae. Makangiti naman tong mga to?!?! Hanggang langit?!?! Ang dami- daming sexy dito sa school bakit di nila pag- agawan yung mga nandito?

babalik na sana ako sa pagbabasa pero nahagip ng paningin ko si Peter, isa sa mga nagtatakbuhang lalaki na makangiti rin ay hanggang langit. Napalingon naman ang lahat ng lalaki at inasar si Peter.

May nakaraan sila? O_o

OUCH, Masakit diba? Pag nakita mo yung crush mo na nagkaka-ganyan… sa isang babae??

Nagka- eye contact kami ni Peter pero iniwas niya agad yung tingin niya sakin. At simula nun nag- iwasan na kami.

After 2 months, nabalitaan ko na si Peter at si April na. Pero super secret lang. Eh syempers secret, ako, bff ni Peter, ang isa sa makakaalam syempre.

nabalitaan ko rin pala na matagal na pala sila magka-kilala. Bakit naman di naikwento ni Peter sakin? Hay ewan, masyado akong possesive.

Pero ouch.

Ang sakit. Ang sakit, sakit.

==

(Peter)

“Peter! Si … ano… umiiyak..” Sabi ng isa kong kaklase.

“WHAT?!?!”

tumakbo ako papunta sa classroom ni April.

“Oh? Wala naman ah?”

“Peter, hindi si April ang umiiyak. Si Taylor ang umiiyak.”

“Ahh… akala ko si April.”

“Dude gumising ka nga?! Si Taylor! Umiiyak! Hindi mo ba siya pupuntahan!? Ganyan ka na ba talaga kabulag kay April?!?!”

“H-huh?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Since April Came...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon