When Lucky Meets Charm (One-Shot Story)

416 14 15
                                    

"If you love someone you will be loyal to him no matter what the cost. You will always believe in him, always expect the best of him, and always stand your ground in defending him." 1 Corinthians 13:7 TLB

Irene's POV

"Makakahanap ka rin ng taong para sa'yo..."

Yan na yata ang pinakamasakit na mga katagang maaring marinig mo mula sa taong mahal mo.....

Isang pangungusap, pitong salita, limang sigundo lang para sabihin, isang sigundo ng biglang pagbagsak at pagkasira ng puso, ngunit matagal na panahon upang maghilom ito.

Ah....teka teka! Daming drama!

Di pa nga pala ako nagpapakilala. Sorry.

Ako nga pala si Irene Charm Valdez. Irene na ang nakasanayang itawag sa'kin. Aba'y hindi ko alam kung bakit nilagyan pa ng parents ko ng "Charm" ang matino kong pangalan! XD Ako ang bunso sa dalawang magkapatid. Yung ate ko, kasama ng mama ko sa states. Dun siya nag-aaral ng college. Kaya ako, eto naiwan kay papa. Taga Manila kami kaso napagdesisyunan ni papa na umuwi kami dito sa Bataan.

16 na ko. Graduating student. At dahil nga dito na muna kami ni papa titira sa Bataan, dito na ko magtatapos ng huling taon sa highshcool. Medyo bago pa lang ako sa paaralang iyon, pero hindi naman ako nahirapan na maki-fit in. Madali rin akong makisama, kaya hindi na rin ako nahirapan na makahanap ng bagong kaibigan.

Hindi ako sikat sa school, dahil nga siguro bago pa lang ako...di tulad sa dating school na pinagmulan ko. Pero swear! Isa akong talented na tao! WOW! Taas ng confidence ah! XD Magaling akong magdrawing, sumayaw, kumanta, magaling din sa acting. At matalino rin! Woosh! Hangin ah! XD Pero mahiyain akong tao. Simple manamit...tamang taas lang ang tangkad...hindi ako palangiti....as in! Hindi talaga ako pansinin! Ah basta! Sabi ni mama, maganda daw akong bata! :-D

Pero simula nung dumating ako dito sa bago kong paaralan, isang lalaki lang ang nakasungkit ng aking puso...(lantong! XD) at yun ay si Nirro....Nirro Luise Sanchez

Well, it all started with a simple crush....

Lagi ko kasi siyang nakikita sa school. Madalas siyang sumali sa iba't ibang activities. Simple siya, matangkad, maputi, kagwapuhan naman. Mabait, palabiro, masayahin....kaya nga! Pasok na pasok siya sa standards ko! :-D Pero ewan ko ba, hindi siya tulad ng iba, na alam mo yun...pansinin? So I guess pareho lang kami. Naappreciate ko talaga ang pagkatao niya, at wish ko nga wala nang iba pang babaeng maka-appreciate ng something special na meron siya. :-)

Crush nga lang talaga nung una, yung tipong inspirasyon ko siya araw araw, na makita ko lang siya, buo na araw ko! ^^

Sa paningin ko, sobrang soulmate kami. At bakit? Magpapantasya na rin lang, bat hindi pa taasan na? XD

Akalain mo namang napansin ko pa na parehas 10- letters yung first name namin, kahit icheck mo pa. At magkatunog pa apelyido namin! San ka?! XD

At ang routine ng pagsilay....twing flag ceremony, hala sige! Mabali-bali ang leeg sa paghanap sa kanya. At pag natanaw ko na! BOOOM! Good start for my week, Monday na Monday eh! ^^

At ang madalas na ginagawa ko....pag vacant kami, hala sige! Tambay kami ng barkada ko sa corridor, at syempre tanging goal ko ay ang makita siyang dumaan. At pag nakita na...IYUN NA YUN! ;-)

Madalas din, pag recess....hindi ko na kailangan pang kumain para mabusog! Madalas sina-sama ko ang dalawa kong bestfriends, sina Marianne at Nerjohn, pero grabe ah, pahirapan ang pagpapasama ko sa kanila.

"Oyan! Magyayaya ka na naman sa canteen? Loko! Sisilay ka lang eh" laging sambit sakin ni Nerjohn.

"Sige na naman kasi! Eto na nga lang tanging favor na hinihingi ko sa inyo! Please naman oh!" pangungunsensya ko...XD

When Lucky Meets Charm (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon