Date posted: 041513
Askhole - A person who constantly asks for your advice, yet always does the opposite of what you told them.
~
Matatapos ang araw ko ng tahimik at wala masyadong nanggugulo. Halos lahat kasi ng mga kaibigan at kaklase ko ay kinukumpleto na yung clearance nila dahil ilang araw na lang ay matatapos na ang school year. At ako, tinigil ko na muna ang ginagawa ko dahil medyo nangangalay na rin yung mga kamay ko sa kakasulat.
Naka-tunganga ako dito sa classroom namin. Konti lang kaming magka-kaklase dito. Free time kasi kaya yung iba kung saan-saan pumunta. Tinanggal ko yung tingin ko sa blackboard dahil nakita ko ang isang pamilyar na pigura.
"Oh? Ba't umiiyak ka na naman?" Tanong ko kay Jane ng may tonong pag-aalala. "Wait. Wag mong sabihing dahil na naman kay Ralph yan?" Dagdag ko pa. Hinimas ko yung likod nya.
Hindi sya sumagot. I knew it.
"Anong nangyari?" Yan. Yan naman yung palagi kong tanong sakanya Kapag tungkol na sakanila yung pinag-uusapan eh. Nakakatanga.
"Cy... Nagbago na kasi talaga sya eh." She said between her sobs.
"Look. Why don't you tell me the problem from the very start?" Mahinahon kong sabi.
At yun... kinwento nya na. Na nagbago na daw yung ugali ni Ralph. Pabalang na daw sumagot. Pagod na daw sya. Paulit-ulit na lang daw kasi.
Hay nako. Kung alam mo lang... na paulit-ulit ka na din. Pero kaibigan kita. Kaya nagti-timpi ako.
"Pagod ka na. But why are you still holding?"
Lumakas lalo yung iyak nya.
At narinig ko na naman ang pinaka-gasgas na dahilan nya...
"... Mahal na mahal ko eh."
"Alam ko. Pero hindi sapat ang dahilang 'mahal na mahal mo sya' para mag-hold on ka. All you do is... talk about him. Think about him. But... have you tried thinking about yourself? Do you stil remember how you used to be before you met him?"