Mitolohiyang Kwento

59.7K 127 37
                                    

               Si Alyona ay isang dilag na may pambihirang kagandahan. Nakatira siya sa isang malaking bahay na pinalilibutan ng mga malalaking puno, malapit sa bundok kung saan maraming mababangis na hayop. Si Alyona ay malimit lang magsalita, palaging nakakulong sa kanyang silid at hindi masyadong kumakain. Kasamang tumira ni Alyona si Lahyr (pronounce as "Laher") , ang kanyang nakakabatang kaibigan at ilang mga katulong na espesyal niyang pinili. Halos ginawa na niya ang lahat pero wala pareng ngiting nakamtan at ni isa walang kinausap si Alyona, kaya nabahala si Lahyr na baka maging ganito na ang kaibigan habang buhay. Minsan, tuwing papalubog ang araw, tumutugtog ng piyano si Alyona habang malungkot na tumitingin sa direksyon kung saan makikita ang sunog na bahay.

                Maliwanag ang buwan, tahimik ang paligid at gising pa ang mga bituin, lumabas si Alyona at nakita niya ang maraming rosas na napasayaw dahil sa lakas ng hangin. Lumapit si Alyona at pumitas ng pulang rosas, tiningnan niya ito at sinabing "Kay pula ng mga rosas, kumikinang sa liwanag ng buwan pero ito'y may tinik na nagpapaagus ng dugo" .Ang diyosa ng Buwan, Si Artemis ay malungkot na sinulyapan ang dalaga at napasabing ," Ang dating masiyahing dalaga ay kinain ng kalungkutan " .Sa kagustuhang maibalik ang kaligayahan ni Alyona, gumawa ng paraan ang diyosa.

               Sa sumunod na kabilugan ng buwan, habang naghahanda na si Alyona upang matulog, napansin niya ang sinag ng buwan na kay ganda at parang inaakit siya nito upang sundan, at yun ang kanyang ginawa. Sinundan niya ang kumikinang na sinag ng buwan at napunta sa hardin. Nakita niya ang isang lalaking matangkad at gwapo na nakatayo malapit sa puno habang tumititig sa buwan. Biglang tumingin ang lalaki sa kanya at humakbang papalapit, ngunit natakot si Alyona at tumakbo pabalik sa kanyang silid.

              Dumating ang paglubog ng araw, pumunta si Lahyr kay Alyona upang malaman ang kanyang kalagayan. Nadatnan niya ang malungkot nitong tugtug sa piyano at naalala ang nakaraan, noong nagbibitaw pa ng matamis na ngiti si Alyona kasama si Archeleos, ang tagapagligtas at pinakamamahal ni Alyona habang siya ay nagmamasid sa malayo. Ang ngiti na inaasam-asam na kailan man ay hindi niya nadama kaya hindi siya tumuloy at minabuting magtago nalang. Sa pagsulyap niya kay Alyona, napansin niya ang ekspresyon nitong nagpapahiwatig na may malalim itong iniisip. Biglang gumawa ng malungkot na mukha si Lahyr at sinabi sa sarili habang tumititig sa mga mata ni Alyona, "Hanggang kalian mo mapapansin ang aking pagmamahal?" .

              Sa parehong oras, napansin ulit ni Alyona ang napakagandang sinag ng buwan, kagaya ng dati sinundan niya ito papunta sa hardin kung saan nakita niya ang lalaking malapit sa puno na tumitingin sa buwan, pero wala siyang nakita ni anino nito. Gusto niyang malaman ang pangalan ng lalaki kaya hinanap niya ito kung saan-saan pero hindi na niya matagpuan. Sa pagod, bumalik si Alyona sa hardin at malungkot na tumingin sa itaas kung saan naroroon ang malaking bilog na lumiliwanag sa kalangitan.

               Sa kanyang likod, habang pumipitas ng pulang rosas, sumulpot ang lalaking kanyang hinahanap, "Sajo ang aking pangalan, magandang bini-bini" ,ang sabi ng lalaki. Sa gulat, napaiwas si Alyona at napaupo sa damo. Hinawakan ni Sajo ang kanyang kamay at hinalikan, "Kinagagalak kung makilala ka" sabi ni Sajo . Tumayo si Alyona at nagtanong, "Paano ka nakarating dito?. Binigyan ng ngiti ni Sajo si Alyona at sumagot, " Dinala ako ng sinag ng buwan at ika'y aking nakita" .

                Walang imik si Alyona habang nakikinig kay Sajo at ito'y tumititig lamang sa kanya , ayaw nitong maglabas ng boses .Napansin ito ni Sajo at tinanong kung anong nangyari pero ayaw sumagot ni Alyona, bagkus, tumulo ang kanyang mga luha. Kinuha niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak, "Hindi maaari" sabi ni Alyona. Umiwas siya ng tingin kay Sajo at ibinali sa ibang direksyon. "Hindi maaari", paulit niyang sabi. Dahan-dahan siyang lumayo at tumakbo ng mabilis pero hinabol siya ni Sajo. Nataranta si Alyona, hindi alam ng dalaga kung saan magtatago hanggang sa nakita niya si Lahyr. Siya'y hinablot at nagtago sila sa madilim na sulok upang hindi makita .

Anino ng Pag-ibig  ( Shadow of Love )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon