Simula pagkabata, palaging sinasabi sakin ng mga magulang ko ang kahalagahan ng respeto sa sarili. Kailangan ko raw munang bigyang halaga ang sarili ko bago ako pahalagahan ng iba. Kaya naman, hanggang ngayon na nasa 3rd year college na ako, I never had any major major sacrifices in my life. I had always that concept of self preservation in mind. But fate will take its' twists and turns. Hanggang umabot sa punto na kekwestyunin mo ang mga paniniwala mo sa buhay. I should know, I've been there..
—---------------------
(June 2014)
Kung magiging presidente ako ng Pilipinas, ang unang ipapagawa ko, napakaraming kalsada para wala ng traffic! Feeling ko talaga, isang buwan na akong naka.upo dito sa jeep. Buti sana kung aircon, may wifi, at free coffee dito. Eh di hindi na ako bababa. Kaso, hanggang imagination ko lang lahat nang yun kaya heto ako at masakit na ang pwet sa kaka-upo, tagaktak na ang pawis at laspag na ang mukha. At kung mamalasin ka pa, yung katabi mo, parang nag.deodorant na may sceptic tank scent. Tiningnan ko yung relo ko at mas lalong lumukot yung mukha ko dahil sampung minuto nalang, late na ako.
Kaya kahit pa yata si Amorsolo ang mag.pipinta ng mukha ko ngayon eh hindi talaga nya kakayanin.
Pagtingin ko sa katabi ko, namangha ako. Kung titingnan mo sya, akala mo, nakaupo sya sa king sized couch at sixteen degrees ang temperature sa paligid nya.Hindi ba sya aware na lahat ng kasabay nya sa jeep eh lukot na yung mukha.
Sa dami ng comment na gusto kung sabihin na nasa utak ko lang naman lahat, medyo napatagal yata yung pagkakatitig ko sa kanya. Nabalik lang ako sa reality nang nagsalita sya.
BINABASA MO ANG
In Love Ako sa Isang Manhid
HumorAng babaeng pilipina daw,dapat conservative at hindi basta-basta nagbibigay motibo. Yung tipong pakipot muna sa simula. Kasi nga raw,ang babaeng pinaghihirapan,hindi basta-bastang pinapakawalan. Talaga lang ha? Eh paano kung na.inlove ka sa isang ma...