Intro: The Wedding

14 1 0
                                    

Aedrianne's Point of View

Breath-in. Breath out. Walk slowly. With grace and poise. Huwag masiyadong maexcite para maganda kang tingnan.

Naglalakad ako ngayon sa isle kasi ngayon ang araw ng kasal ko. Hindi ko ine-expect na mangyayari because... because... basta! Wala akong maisip! Masiyado akong kinikilig. Mahirap talagang magkimkim ng kilig kasi...

Ahhhh! I can't! Walk slowly Aedrianne! Huwag kang maexcite! Alangan naman tumakbo ka papalapit kay storm at paghahalikan siya doon. Nakakahiya 'yun Aedrianne! Kahit pa nakakatemp 'yun, kailangang may self decipline. Siyempre dapat may poise para naman mafeel mo ang kagandahan mo.

Habang papalapot ako ng papalapit ay mas nagiging clear ang mukha ni Storm. Gosh! Ang hot niya sa suot niyang... Three piece tuxedo? Pwede ba 'yun pangkasal? Oh well hot parin siya kahit hindi.

Papalapit ako ng papalapit sa altar ay papabilis at papalakas ang tibok ng puso ko. Bakit ba naman kasi sobrang gwapo ng nilalang na papakasalan ko? Sa sobrang kagwapuhan pwede ko siyang picturan sa iba't ibang angle at mag-imprinta ng isang magazine. For sure kikita ako. But anyway, heto na! Nasa harap ko na ang bagyo! Ang bagyong humagupit at tumangay sa puso ko!

Be Still my heart, heart. Huwag masiyadong tumibok ng mabilis baka mamaya maheart attack ako.

"You're so beautiful, hon," sabi ni Storm habang hinawakan ang aking kamay at inalalayan ako papunta sa altar. Sobrang nag-init ang pisngi ko at sigurado aking kasimpula na ako ng pinakamatingkad na shade ng Red, kung anumang shade yun.

Gosh! 'Di ba pwedeng iiskip na lang ang mga vows-vows whatever at halikan ko na lang siya? Gosh! Gusto ko na siyang iuwi! But vital ang vows diba? Oh well, kahit matagalan ang pag-uwi ko sa kaniya ay kikiligin naman ako sa mga sasabihin niya. Now I understand the meaning of "There's always a rainbow after the rain." Wait! Mas maganda siguro kung 'yung "Blessing in disguise." Oo mas maganda yun!

"Thank you hon," sabi ko na may pashy effect. Hindi ba ako nagmumukhang pabebe dito? Oh well, I don't care. Pero 'yung totoo? Nagmumukha ba akong pabebe?

Ngumiti si Storm ng isang Million Dollar Smile. "Basta ikaw hon, malakas ka sakin eh," sabi niya sabay kindat. My gosh! Nalaglag ang panty ko! Hindi na din mawala ang ngiti at pamumula sa pisngi ko! Nakaka-adik ka Storm!

"Before we continue with this sacred ceremony, do any of you desires to stop this wedding. Speak now or forever hold your peace," sabi ni Father. Napansin ko yun ahh. 'Di ba lyrics yun sa kanta ni Taylor? I really like that song mind you. Pero kainis itong kaba sa dibdib ko! Oo alam kong wala akong masiyadong alam sa past ni Storm. Sa loob ng dalawang taon naging boyfriend ko siya (kinikilig parin ako kapag iniisip na boyfriend ko siya kahit dalawang taon na kami) ay hindi siya nagkwekwento ng mga pangyayari sa past niya. Siyempre as his girlfriend gusto kong malaman pero I believe in the saying that "Past is Past, never disscuss." Ala Miss Universe.

Pagkalipas ng ilang sandali ng katahimikan (at sampung dasal na ibinigkas ko) ay nagsalita ulit si Father. "Ituloy na....."

Napatigil si Father sa pagsasalita at ang lahat ay lumingon sa pinto ng simbahan. Nagkaroon ng katahimikan at ang tunog ng patuloy na pagbukas ng pinto ng simbahan.
Nang bumukas ng mabuti ang pinto ay pumasok ang isang babaeng nakasuot ng gown na tulad ng akin (gaya-gaya kasi walang originality) pero kulay itim ang kulay (galing kasi siya sa burol o kaya siya yung ibinurol). Hindi ko masiyadong makita ang mukha niya kasi natatakpan ng belong itim (pangit siguro siya kaya tinatakpan niya ang mukha niya 'di tulad sa akin na ipinapalandakan ang gorgeous face). Sexy ang babaeng ito (pero mas sexy ako) at kapansin-pansin ang kulay puti niyang buhok este blonde pala (matanda na siguro siya kasi puti na ang buhok). Matangkad ito ng konti sa akin (pero mas matangkad si Storm KO).

"Long time no see Jino, mas gwapo ka ngayon," sabi niya kay Storm na kina-inis ko kasi halatang nilalandi niya ang SOON-TO-BE-HUSBAND KO. Binaling ko ang tingin ko kay Storm at halatang gulat ito. Bigla akong kinabahan. Sino ba itong babaeng ito? Ano ba siya kay Storm? Ano ba siya ni Storm? Bakit ngayon lang siya nagpakita?

"And to answer your question father," tumingin siya sa akin na may ngisi sa labi. "Yes, I desire for this wedding to stop," sabi niya sabay tingin kay Storm at hinalikan niya ito. Napatulala ako. Ang sakit sa puso. Hindi dahil hinalikan siya nung babae pero dahil.... Tumugon siya sa mga halik nito.

Nagsimulang na akong maluha at kasabay ng pagtama ng una kong luha sa sahig ng simbahan ay narinig ko ang pagkabasag ng aking puso...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once upon a Dream WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon