Don't State The Obvious

59 2 0
                                    

Tinignan niya muna ang lahat bago magsalita.

"I am now the new Student Council PRESIDENT. Any objections?" Nilakasan niya talaga ang boses niya ng sinabi niya ang salitang President. Tama lang iyon. Para malaman nila kung ano na siya ngayon.

Nagtaas naman ng kamay ang lahat ng SC members. Lagi na lang silang nag rereklamo.

"Huh. Wala naman na kayong magagawa kahit mag object kayo." Mayabang na sinabi ni Joshua.

"Eh bakit ka pa nagtanong? Baliw ka pala eh." Sinabi ng isang member. Nabaling naman agad ang atensyon ni Joshua sa nagsalita.

"Bakit? Sinabi ko bang magtaas ka ng kamay? At sinabi ko bang magsalita ka? Hindi naman 'di ba? Kaya don't call me Crazy dahil mas mukha ka pang baliw kaysa sa akin." Taas noong sinabi ni Joshua. Masama naman ang tingin sa kanya ng iba pang SC members.

Mali ang mga estudyante na iboto siya bilang SC President. Kung hindi lang nauto ang mga babaeng plinastik niya. At mga teacher na naloko sa kunwaring mabait niyang ugali, eh 'di hindi sana siya nasa harapan nila ngayon.

Sana ay independent pa din sila ngayon at nagaantay sa pagdating ng dati nilang President.

Pero wala na silang magagawa pa. Kay Joshua na ang posisyon. Para sa kanya, siya ang karapatdapat para doon. Wala ng iba pa. He is born for that position.

"Moving on, what's our agenda today?"

Ang tagal bago may sumagot sa kanya.

"Wala Sir. We have no agenda for today."

Tinitigan niya lang ang nagsalita. Tinignan niya lang silang lahat.

Mga walang kwenta.

"Kung ganoon, gagawa tayo."

"Pero malapit na ang exams. Sa end na ng month and we can't focus if we're going to start doing activities." Pagrereklamo ng isa. Why do they always complain? Wala pang isang araw simula ng maging President si Joshua ay puro reklamo na sila. Nagsasawa na siya sa mga reklamo nila.

"Then quit, QUITTERS. Wala na kayong proproblemahin pag nagquit kayo."

Hindi naman nagsalita ang mga members. Hindi sila quitters. Hindi sila mag qui-quit. Sino na lang ang dadatnan ng kanilang Ex- Pres. pag nag quit sila. Pagtatyagaan na lang nila ang napakasamang ugali ni Joshua.

"Do what you want Mr. PRESIDENT." Sabi ni Russ. Ang pinakapasikat na member ng SC.

"Tss. So, our agenda for the week-" Naudlot ang pagsasalita ni Joshua ng biglang bumukas ang pinto.

"What the-? Ikaw na talaga ngayon ang New President ng school?" Sabi ng lalaki na dumating at parang hingal na hingal ito.

Tinignan siya ng masama ni Joshua.

"Don't state the obvious, stupid."

My New Seatmate is My STALKER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon