Naglalakad ngayon si Joshua Cleo sa likod ng library papuntang classroom nila ng may narinig siyang magsalita.
"G-gusto kita! Matagal na kitang gusto Leo." Sabi nung babae na narinig niya.
"Sorry. Uhmm.. May iba na kasi akong gusto-"
Hindi na narinig ni Joshua ang sunod na sinabi ng lalaki. Umalis na kasi siya. Kinikilabutan siya sa narinig niya.
Haay. Ang creepy talaga ng mga babae.
"Hi Josh!!" Nagulat naman si Joshua ng may biglang humarang sa kanyang tatlong babae.
Sobrang kapal ng make-up nila at ang lapad ng ngiti nila sa mukha.
"Sino naman kayo?" Bored na tinanong ni Joshua sa kanila.
"Oh my! You don't know us???" Sabi ng babae na nasa gitna.
"Tatanungin ko ba kayo kung kilala ko na kayo? Mga stupid. Tabi nga." Aalis na sana si Joshua pero hinarangan siya ng tatlong babae. Bwisit na tinignan niya ang mga babae.
"Gwapo nga, masungit naman. Wala pang modo. Anyway, I'm Jana. She's Cam and She's Shane. Kilala mo na kami and don't mess with us. Ayusin mo ang ugali mo. Baka karmahin ka. We'll see each other again. Let's go girls." Pagkasabi ni Jana iyon ay umalis na ang tatlo.
Tinignan lang sila ni Joshua. Mga baliw siguro ang mga babaeng iyon.
Lahat naman ng babae baliw.
Nagpatuloy na lang sa paglalakad si Joshua. Nagbell na at ibig sabihin ay klase na nila sa Physics. Maraming estudyante ang nagmamadaling nagsitakbuhan papunta sa mga classrooms nila.
Nagmadali na din sa paglalakad si Joshua. Kailangan ay hindi siya malate sa klase nila. Hindi pwedeng masira ang good boy image niya sa mga teachers. Siya pa naman ang SC President.
Biglang may naapakan siya na kung ano. Tinignan niya ito at pinulot. Isang bracelet na may letter "E" na design.
Tinapon niya ulit ito sa damuhan kung saan niya iyon unang nakita. Hindi siya basurero kaya hindi niya iyon itatago. Hindi niya kasalanan kung tanga ang nakahulog nito.
Pagakyat ni Joshua sa 2nd floor kung saan nandoon ang room niya ay nakita niyang naglalakad ang kanyang kaibigan na si Louise Dalero at nagcecellphone ng nakangiti. Kahit naman papaano ay may kaibigan din si Joshua.
"Hoy." Pagtawag ni Joshua sa kaibigan niya. Hindi siya pinansin nito.
"HOY!!" Pagsigaw ni Joshua sa may tenga ni Louise.
"ARAY KO NAMAN!! May pangalan kasi ako eh, at hindi HOY 'yun. Bakit ba?" Inis na pagsagot sa kanya ni Louise.
"Hindi na lang kasi lumingon. Ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong ni Joshua.
"Ka-text ko 'yung kapit bahay ko dati na kakauwi lang galing U.S. Magkikita kami mamaya. Haha. Chicks na 'to siguro ngayon. Classmate din kami noong elementary." Bigla namang nag iba ang mood ni Louise.
"Babae nanaman. Kadiri." Sabi ni Joshua at pumasok na sa classroom nila.
"Wow. Makasabi ng kadiri. Ang gwapo mo kasi Sir eh. Nahiya naman kami sa'yo." Sabi ni Louise at pumasok na din sa classroom nila.
Wala pang teacher kaya umupo na si Joshua sa upuan niya malapit sa bintana. Sa harap naman niya nakaupo si Louise. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana habang inaantay ang teacher nila.
"Sama ka mamaya pre? Papakilala kita doon sa sinasabi kong kaibigan na babae." Sinabi ni Louise ng hindi tumitingin kay Joshua. Nagcecellphone kasi.
BINABASA MO ANG
My New Seatmate is My STALKER?!
Science FictionBumalik ang Ex. President pero walang pakialam ang Present President Iniistalk niya si Present pero wala pa din siyang pakialam Naging magkaibigan sila Napapangiti na ni Ex. si Present Hinahanap - hanap na nila ang isa't - isa. Pag nawala ba si Ex...