Chapter 1

6 1 0
                                    

Deathea Veriolo P. O. V

Mahilig ako sa horror pero hindi ako yung tipo na nilalayuan ng lahat, palakaibigan ako

Kung tutuusin hindi ako yung nagpapakatotoo para magkaroon ng kaibigan. Isa akong kasinungalingan,mapagpanggap.

" Thea mamayang uwian ay manunuod kami kela Bernadette, gusto mo ba sumama? " yaya sa akin ni jessa, kaklase ko.

"ano bang papanuorin nyo? " nakangiting sabi ko sa kanya.

" hindi ko pa alam, ang sabi ni jhay eh banned movie daw yun, masyadong brutal yung mga scenes " jessa

" Eh? Ayoko nakakatakot eh" ako

"ayaw mo nga pala ng mga ganun no. Sige next time na lang" jessa

Mali ang mga sinabi nya. Gustong gusto ko ang mga ganuong palabas kaso kailangan ko magsinungaling,KINAKAILANGAN KO.

paglingon ko ay naabutan kong nakatingin sa akin yung transferee. Nakangiti sya na parang anghel pero pakiramdam ko demonyo ang kaharap ko.

Uwian na at kanya kanyang labas ang mga kaklase ko. Inaya ulit ako nila jessa pero tumanggi ako.

Second shift ang class ko kaya medyo madilim na kami kung makauwi.

Papunta sa bahay ay mababagtas mo ang daan na walang kailaw ilaw. Lahat ay takot dumaan dito pero ito ang pinakapaborito kong lugar. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin para patayin ako at yun ang pinakagusto kong pakiramdam, ang takot.

Sa may bakanteng lote ay may narinig akong sumigaw. Kasunod naman nun ay may narinig akong nakakatakot na tawa na parang musika sa aking pandinig.

Naaninag ko ang isang taong nakahandusay at yung isa naman ay paulit ulit syang sinasaksak.

Tanging liwanag ang naging ilaw ko para makita ang mga nangyayari.Mistulang ballpen ang gamit ng lalaki na paulit ulit nyang sinasaksak sa mukha ng biktima.

Hindi ako makagalaw, ginusto kong manuod, abangan ang mga susunod na panyayari. Sa kasamaang palad ay tumigil sa gingawa ang lalaki sa biktima. Hindi ko maaninag ng mabuti ang lalaki dahil sa nakatalikod ito sa liwang mula sa buwan pero ramdam ko ang ngiti nya, ang ngiti ng isang demonyo katulad ng sa kaklase kong transferee

Ano tuloy pa???

PHONOITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon