Chapter 1 - Stick??!! [Reid & Tamara]

5K 57 16
                                    

Chapter 2

“Stick???!!!”

Tamara’s P.O.V.

       Hay… Ang boring talaga ng Grand Villa ‘pag wala si Reid dito… 1 month ko na kasi siyang hindi nakikita, nasa Spain kasi siya bumibili ng mga kabayo… Dahil sa pagkabored ko pupunta na lang ako sa Rider’s Veranda…Gutom na rin naman ako…

*At the Rider’s Veranda*

       Nakita ko si Temarrie, Diosa, Dominique, at iba pang asawa ng mga Stallion members…

“Oi… Tamara halika join ka sa amin…” aya ni Tem…

“Okay”, sabay lapit sa table nila at umupo sa vacant chair.

“Oi… Ano yang kinakain mo Dominique? Ba’t ang baho naman?”, sabi ko sabay tabon ng ilong…

“Huh? Mabaho?”, nagtatakang tanong ni Sindy, ang asawa ni Bryle Honasan.

“Teka nga Tamara kailan pa nagging mabaho ang vegetable salad?”, tanong ni Dominique…

“Eh… Ang baho kaya…Baka panis?”, wika ko.

“Huh? Anong panis?” tanong ni Gino, ang owner at chef ng Rider’s Veranda.

“Mabaho daw ang vegetable salad…”, sabi ni Miles, ang asawa ni Gino,

“Ang baho kaya talaga…”, sabi ko.

Nagkatinginan silang lahat, bago tumingin sa akin.

“Oh… Ba’t kayo nakatingin sa akin?”, tanong ko sa kanila.

“Wala naman…”, wika ni Gino.

“ Ahh… Oka—“ ,sabi ko pero masama ang pakiramdam ko at dali-daling pumunta sa C.R.

After a minute, lumabas na ako at laking gulat ko ng Makita ko silang lahat sa pintuan ng C.R.

“Okay ka lang ba?”, tanong ni Tem…

“Oh… Baka di lang ako natunawan sa kinain ko kaninang umaga…”, wika ko.

Babalik na sana ako  sa upuan naming ng bigla akong nahilo…Buti na lang at nasalo ako ni Jigger…

“Tamara… Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Jigger.

“Oo… Okay lang ako… Baka gutom lang ‘to…” sabi ko.

“Tam…baka buntis ka…”, wika ni Diosa.

“Huh? Paanong nangyari eh…”,csabi ko pero naalala ko na may nangyari bago umalis si Reid…

“Sinong may calendar?”, tanong ko sa kanila.

“Eto oh…”, sabi ni Winry sabay abot ng phone calendar.

Bakit delayed ako ngayong buwan? tanong ko habang nakatutok sa calendar…Posible kaya na buntis ako?

“Bakit Tamara?”, tanong ni Dominique.

“Wala… Akala ko kasi may okasyon ngayon…”, sabi ko sabay hikab.

“Inaantok ka?”, tanong ni Tem.

“Oo nga eh…”, wika ko.

“Tam… Mabuti pa bumili ka ng pregnancy test para makasiguro ka kung buntis ka o hindi…”, suhestiyon ni Tem.

“Tara, samahan ka naming…”, wika ni Miles.

Kaya pumunta na kami sa malapit na Pharmacy sa Stallion Riding Club. Of course, sila yong bumili, nakakahiya kaya…

Stallion Riding Club Series[Fanmade]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon