Kingdom 21: Visitors

3 0 0
                                    

Chapter 21:


Isang buwan ang lumipas matapos mapasa kay Chans ang trono. Maraming nangyari at nagbago sa loob ng buwan na iyon.

Ang lahat ng mga lalaki, bata man o matanda ay kinakailangan magsanay dahil nagbabalak si Chans na lusubin at angkinin ang Persia Kingdom. Hawak pa rin nila si Liam at nakakulong ito ngayon. Ang nakakapagtaka ay hindi pa rin gumagawa ng aksyon ang Persia.

Siguro dahil kailangan muna nila akong makuha para gamiting bitag. Walang alam ang mga tao tungkol sa mga nangyari sa loob ng palasyo. Ang alam lang nila ay namatay si Finous at bumalik sa kaharian ang mag-ina.

Nakakatawa. Dalawang panig ang nag-aagawan sa akin para lang makuha ang gusto.

Kaya heto ako ngayon at nakakulong sa kwarto namin ni Finous. Isang buwan na ako rito at ang daming bantay sa labas. Si Karen at Paula lang ang pinapayagan nila na pumasok dito.

Mabuti na lang din hindi pa ako pinupuntahan ni Chans dahil baka mapatay ko siya sa sobrang galit. Ang reyna naman ay nakakulong din pero hindi na makausap nang matino. Lagi raw ito tulala at umiiyak.

Inamin ko na rin kina Paula at Karen na hindi ako totoong buntis dahil nag-aalala sila na hindi ako kumakain. Mas mabuting hindi kumain. Tutal namatay na rin naman ako simula noong mawala si Finous at agawin ni Chans ang trono.

Huminga ako nang malalim at muling pinagmamasdan ang korona at damit ni Finous. Muli na namang tumulo ang mga luha ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang lahat. Pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari. Ang sakit-sakit pa rin isipin.

Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pintuan kaya pinunasan ko ang mga luha ko.

"Princess, long time no see."

Napatayo ako nang makita si Chans. Kaagad namuo ang galit sa akin. Napakuyom ako ng kamao.

Nakasuot siya ng golden coat na may mga butones sa gitna. May mga disenyo pa ito.

"Anong ginagawa mo rito?" galit na turan ko sa kanya.

Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa likod at lumapit sa akin.

"I'm here to check on you."

"Umalis ka na hangga't nakokontrol ko pa ang galit ko," seryosong turan ko.

"I'm afraid I can't. Binigyan kita ng isang buwan upang magluksa kay Finous. But now is the time to face you again."

Umupo siya sa kama at tiningnan ang mga gamit ni Finous.

"You still miss him, I see."

"Kapag hindi ka pa umali—"

"I know who killed Esterio."

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Kilala niya ang pumatay sa kuya ni Finous?

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Kung dati ay natutuwa ako sa biloy niya, ngayon ay naiirita na ako.

"It was my mother who killed Esterio with the help of Kariko, of course."

Muli akong napakuyom ng kamao at bumigat ang paghinga.

"Hayop kayo," mariing sambit ko. "Napakasama ninyo!"

Akmang susugurin ko siya nang muli siyang magsalita.

"Go hurt me and I'll tell our people about your fake pregnancy."

Natigilan ako at gulat na napatingin sa kanya. Paano niya nalaman ang tungkol doon?

Tumayo siya at humarap sa akin.

"Matagal ko nang alam na hindi ka buntis, Princess."

"P-Paano?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JOURNEY TO THE VISEL KINGDOM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon