Unang araw ng klase di pa kita kilala
Gusto kitang lapitan ngunit pinipigilan ng kaba
Kaba na akin lang nadarama sa tuwing nakikita ka ng aking mga mata
Pangalawang linggo, pangyayaring di ko inakala
Sa kayramirami ikay makakatabi ko pa
Mga kaklase ay pakilig na tumatawa
Habang nakatingin sa ating dalawa
Patagal ng patagal damdamin koy lumalala
Di ko kasi naisip akoy mahuhulog sayo bigla
Ewan ko lang kung ito paba ay mawawala
O magkakatotoo na ako'y tangang dakila
Marami ang naduduwag sa pag-ibig
Nararamdamay hindi pinapalabas sa bibig
Pinagiisipan pa at sa mata'y may lalabas na tubig
Nang sakali sila'y mamulat na WALANG FOREVER sa daigdig
Ngunit ako'y hindi ganyan
Problema ko'y akin lang tinatawanan
Kahit sa loob ay durog na durog na sa pinagdaanan
Kasi ayokong mandamay at sila'y masaktan
Gusto kita ngunit may gusto kang iba
Ayoko nang umibig gamit aking mga mata
Sinaktan ko lang sarili ko kase ako'y umasa
Kaya nagkaroon ako ng award na dakilang tanga
Nararamdan ko'y pag-ibig bang tunay?
O kulang pa ang kaalaman ko sa tunay na buhay
Wag munang mag dyowa sabi ni itay
Mag aral munang mabuti sabi ni inay
MOVE ON sabi ng iba
Pero paano pag nag sta-stalk ako sa FB niya?
Binabasa previous messages naming dalawa
Inaabangan sa skwela tuwing umaga?
Sa mga araw na ako'y malungkot
Mga kaibigan ko'y hindi nagdadamot
May pabaon pang salitang nakakagamot
Nitong puso kong puno ng galit at muot
Tinext kita ngunit hindi ka nag reply
Limang oras lang naman akong naghintay
AT munting "K" lang ang iyong inilagay
Sakili'y nga ito ay sa akin lang nababagay
Lahat ng galit at lungkot ay nawala
Nang may good news na dumating sa akin bigla
Nag break nadaw kayo nang pangit mong dyowa?
Baka panahon na para siya naman ang lumuha
Hinanap kita sa mga lugar na madalas niyo puntahan
Wala akong napala kaya pumunta ako sa lugar na una nating pinuntahan
Andun kalang pala, ngunit nakita ko ang aking sarili nang iyong iniwan
Ganyan pala ako kaawa tignan kaya ikay akin nalang pinatahan
Pinuntahan kita sa inyo kinabukasan
Sa pinto ako'y iyong pinagbuksan
Pinapasok ako sa inyo na ang loob ay parang kawalan
Sabay sabi "Ganito ang buhay ko pag wala siya KAIBIGAN"
Kaibigan mo lang pala ako ngayon
Nakalimutan ko kaibigan mo lang din pala ako noon
Pero binigay ko pa rin sa iyo aking atensyon
Lahat nang libreng oras at panahon sa iyo ko itinuon
Dumating ang araw naging okay kana
Di ko alam kung saan ka kumukuha ng gana
Sa akin ba O sa mga kaibigan nating shunga²
Ngunit wala pala sa amin ni isa
Nawala na nga sa dibdib mo ang mga galos
Dahil nga problema mo'y atin nang tinapos
Bumalik kana din sa dating masayahin mong kilos
Kahit sa mga hugot lines kami sa iyo ay kinapos
Payo nila sa akin, ikaw daw ay ligawan
Bago pa mahuli ang lahat at ako nama'y maunahan
Pero mas mabuti pa siguro kung tayo'y magkaibigan
Dahil hindi tayo maghihiwalay at walang masasaktan
Bitter ka sa akin pero okay lang yun
Naiintindihan ko naman kasi mapait ang iyong kahapon
Hindi man ako kasing perpekto ng bulkang mayon
Pero sinlaki nito ang pagmamahal ko hanggang ngayon
Pinapangiti kita sa simple kong pamamaraan
Kahit papaano loob nati'y gagaan
At sarili ko ang aking sinasaktan
Sa ganoong paraan mo lang ako pinagtatawan
Kaibigan lang kita
Kaibigan ka din niya
Wala akong dapat ika selos sa kaniya
Kasi pareho lang pala kaming dalawa
Lahat nang sakit inilabas ko sa tula
Gusto ko pang gawin to sa isang dula
Para marami at kabilang ka sa matutuwa
Nitong aking munting tula na pang isip bata
Umaasa parin ako na ikaw ang aking bukas
Kahit na ramdam ko'y ako'y panakip butas
At ang galit at sakit na nararamdaman ay patas
Ang puno nang sakit na tula ay dito ko winawakas
Juan_Tapulan
7/25/15
(Sejylle John Bartolabac)
BINABASA MO ANG
Kaibigan Lang Pala
RomanceMinsan sa buhay natin, tayo ay umiibig na pala nang di natin alam. Sa pag-ibig walang nakakaligtas sa sakit na dulot nito, lalo na pag ang tingin ng iniibig mo sayo'y Kaibigan Lang Pala.