Ako si marco, Graduate na ng college at architecture ang course na kinuha ko at tapos na. 1 out of 1000 goals ko natupad na.
So, Meron akong girlfriend si denise. Mag 10 years na kami, everything was perfect, Para ngang fairy tale e. Kase sa loob ng sampung taon na pagsasama namin never syang nagpakita ng kahit ano para magkaron ako ng rason para iwan ko sya, Never syang nag cheat sakin, Never nyang kong sinaktan, Never nyang naisip na iwan ako, Pati family ko, kilala sya sobrang close nila. At family din nya ganun. Minsan nga sinasabi ng lolo ni demise na kung wala pa daw ba kaming plano magpakasal? Hahaha actually may plano na nga ako e. Ngayon, pinayagan kami ng parents nya at parents ko na mag live in kami, may condo kami which is dun kami nakatira, Binili namin yun gamit ang sweldo namin sa trabaho ang mga pinaghirapan namin dun namin binuhos. Every Saturday and Sunday nauwi sya sakanila at ganun din ako then sunday ng gabi babalik na kami..
One night, Kakarating ko lang sa condo namin ni denise, Hinubad ko muna yung necktie ko at nilapag ang dala kong bag dumiretcho ako sa kwarto namin para icheck kung andun na ba sya, Nakita ko sya nakaupo sa may bintana at nakatalikod sakin, So di na ko nagalangan niyakap ko sya at hinalikan sa noo.. Bigla naman syang nagsalita
"mahal na mahal kita marco" Sabi ni denise
"mahal na mahal din kita denise" sabi ko
Nag smile na sya sakin, Yung smile nya na nakakatunaw puso ang sarap tignan.
"palit muna ako ng damit ha? After neto sleep na tayo" sabi ko
So, Bumitaw na ko sa pagkakayakap ko sa mahal ko, nag punta ako ng cr at nagpalit. Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit, Dinedma ko lang kunyare wala lang. Lumabas na ko ng cr at habang naglalakad ako papuntang kwarto, Binuksan ko yung pinto, Wala si denise, Wala sya. Hinanap ko sya sa buong room namin at sa building..
Nang bigla akong magising. Sabi ko sa sarili ko "Hay nako, akala ko naman totoo na" sabi ko sa sarili ko. At tumingin sa mahal ko. At wala sya. I checked my phone. Para tawagan sya may mga missed calls and messeges galing sa family nya at family ko. Tinawagan ko ang daddy nya. Ang tagal sumagot kinakabahan na ko. Hindi nagtagal sumagot din
"tito andyan po ba si denise? May nangyare po ba?" Sabi ko na may halong kaba pa
"Wala na si denise iho" sabi ng daddy nya
Dali dali akong pumunta kung asan man si denise. Umiiyak ako habang nag da-drive at pinipilit ko yung sarili ko na di maniwala. Naka rating na ako, At nakita ko yung sasakyan ni denise na yuping yupi na nakabangga sa truck na dalawa.. Nakita ko din yung parents nya na umiiyak, Nanlumo ako ng makita ko ang tong pinaka mahahal ko wala na, Ang taong gusto kong makasama habang buhay wala na. Sa panaginip nya pala ipinaramdam kung gani nya ko kamahal, Sa panaginip nya pala ipinakita lahat. yung smile and everything. Sa panaginip na pala sya namaalam..
Sa mahal ko, Gusto kong sabihin na mahal na mahal kita. You will always remain here in my heart. It's been 5 years na wala ka sa tabi ko, Hanggang ngayon ikaw padin ang nasa isip at puso ko. Alam ko masaya kana jan sa heaven kasama si papa god. Susunod ako mahal ko. Tutuparin ko lahat ng pangako natin sa isat isa. Ayokong biguin ka, Minamahal pa kita lalo, At mas lalong mahal na mahal kita ngayon denise, Hindi ako mapapagod araw araw magdala ng bulaklak at kwentuhan ka sa harap ng puntod mo. I love you denise.