SB's P.O.V "Suddenly... Awkward" 1

107 0 0
                                    

"Ranz, Chelseah, Niana! Bumaba na kayo at baka malate pa tayo sa pupuntahan natin." sigaw ni Mommy

"Opo Mommy, pababa na po." sabi ko ng sabay sabay kaming bumaba nila Seah at Niana.

"Kuya, san ba tayo pupunta?" sabi ni Niana sakin

"Oo nga Kuya. Bat ba sobrang excited ni Mommy?" sabi naman ni Seah

"Di ko rin alam kay Mommy eh. Bahala na" sabi ko

"Ayan! Bilisan niyo, pumasok na kayo sa Van at para di tayo malate." sabi ni Mommy

"Mommy, san ba tayo pupunta?" sabi ko

"Oo nga Mommy! Parang excited na excited ka eh." sabi naman ni Seah

"Ayy nako! Tama na ang tanong tanong. Basta pumasok nalang kayo sa Van." sabi naman ni Mommy na hinihila kaming tatlo para pumasok sa Van.

Nagtinginan nalang kaming tatlo at pa unahang pumasok ng Van. Mga ilang minutes narin kaming naghihintay na maka abot sa pupuntahan namin para malaman kung san ba talaga kami dadalhin ni Mommy. Na iirita na nga siya dahil ang traffic eh, buti nalang inaaliw ni Niana.

"Mga Anak, malapit na tayo sa pupuntahan natin. Kung pwede lang pagdating natin dun at nalaman niyo na lahat lahat, unawaan niyo ko ha. Ginagawa ko to hindi lang para sa ikasasaya ko, kundi para rin sa inyo. At lagi niyong tatandaan, Mahal na Mahl ko parin kayo kahit na ano mang mangyari." sabi ni Mommy.

"Ma, Ano po'ng nangyayari? May mamamatay ba? Ipapa Ampon niyo po ba kami? Ma naman!" sabi ni Seah

"Ano ka ba, Hindi noh! Ito talaga kung anong pinagsasabi." sabi ni Mommy

"I love you Mommy!" sabi ni Seah habang ineembrace si Mommy, nakisama narin kami ni Niana sa Hug. Umingay na ang van dahil sa mga kwentuhan nina Mommy, Niana at Seah. Ako naman, nanatiling tahimik. Ano kaya ung ibig sabihin ni Mommy sa speech niya na iyon?

Ako nga pala si Ranz Kyle Viniel Evidente Ongsee, isang member ng sikat na grupo na Chicsers. I'm 17 Years old at First Year Collage sa pasukan. My Mom and Dad got divorced nung fifteen years old ako. Right now, nakatira kami nina Seah at Niana with our Mom while kasama naman ni Niña si Daddy sa America. Minsan binibisita kami ni Daddy pag nakauwi siya dito sa Pinas pero iba parin talaga pag magkakasama kaming buo na pamilya. Kahit ganun paman ang condition ng Family namin, we're still happy dahil nakikita naman namin ang isa't isa.

"O, mga 'nak andito na tayo. Tandaan niyo ung sinabi ko kanina ah. Kunting pag uunawa." sabi ni Mommy

"Yes Mommy." sabi naming tatlo na sabay sabay. Kahit di man namin naiintindihan ang sinasabi ni Mommy, nag yes nalang kami.

Pumasok kami sa isang Hotel. Ano naman kaya ang gagawin namin dito? Palakad na sana kami sa Restaurant ng Hotel ng nagring ang Phone ko.

(Ully calling)

"Ma, sunod nalang ako. Sagutin ko lang po ung tumatawag sakin." sabi ko ng huminto ako

"Cge anak. Sumunod ka ha." sabi ni Mommy at tumango nalang ako.

-- Call --

"O, Ully napatawag ka?" sabi ko ng sinagot ko ang phone

(Pre, pwede ka ba ngayon? Gawa tayo ng choreo para sa next Video natin)

"Di pwede eh. Kasama ko sina Mommy at Seah, Family Dinner ata ngayon." sabi ko sabay pindot ng Elevator para makababa.

(Ganun? Sayang ikaw lang wala dito)

"Weh? Tsk, kainis naman. Kung di lang kasi to importante, magpapa alam na ko."

(Sure ka ba na di ka papayagan pag nag paalam ka?)

*TING!*

Pasagot na sana ako ng nakabangga ko ang isang babae na palabas ng Elevator, mukhang nagmamadali kaya di niya napansin na pasalubong ako.

"Sorry! Nagmamadali lang talaga ak--." sabi niya sabay tingin sakin.

Oh My Gad. Si Eli, ex ko. Di agad ako naka kibo dahil sa gulat. Akala ko di ko na siya makikita. Bat ngayon pa?!?!?!?

Nakatulala lang kami sa isa't isa, nagulat rin to sigurado. Sabay naman kaming napatingin sa Phone ko ng nagsalita si Ully.

(Hello Pre? Andiyan ka pa ba? Bat parang narinig ko ung boses ni Beth? Andiyan ba siya? Ranz? Uyy!)

"Pre, tawagan kita mamaya ah." sabi ko ng di inaalis ang tingin kay Eli

(Ha? Wait lang! Si Beth ba u--)

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay inend call ko na agad ang tawag.

Napatitig naman ako ng matagal kay Eli. Grabe, ang dami na talagang nagbago sa kanya. Mas pumuti na siya, humaba na ang kanyang buhok, at mas lalo siyang gumanda. Di ko na napansin na napa lip bite na ko katitig sa kanya, na awkwardan tuloy siya. Haha.

"Long time no see Ranz. Sige alis na ako, nagmamadali ako eh" sabi niya habang pa alis. 

"Eli, Wait!" sigaw ko na napahinto naman sa kanya

Ano ba to, ang awkward. Bat ko ba siya pinahinto? Wala naman akong naiisip na sabihin eh.

Makalipas ang ilang segundo, lumingon siya at nagsalita.

"It's Carla. No longer Eli."

My Step Brother & I (ft. Ranz Kyle and the CHICSERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon