Stop That So-Called SUICIDE
By: Jamie Linette Macasinag
Genre: Romance/Teen Fiction
Louise's POV
Sa buhay ng isang tao, may oras na masaya,
at may oras na malungkot.
May mga oras na hindi mo na alam ang gagawin mo...
Sino ba ako para hindi matukso?
Matukso para kitilin ang buhay ko...
"Hirap na hirap na hirap na ako! Ayoko na! Ayoko nang mabuhay!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong kasiguraduhan kung tama ba ang gagawin ko. Kung tama bang tumalon dito sa rooftop na kinatatayuan ko. Isipin mo nga, Louise, ano-ano bang mangyayari 'pag nawala ka? Wala naman, 'di ba? Wala namang may pake sa'yo? Kasi, unang-una, ampon ka lang kaya hindi ka mahal ng magulang mo. Pangalawa, matutuwa sila kasi wala ng nakakadiring ampon sa Shine University. Pangatlo, matutuwa si Chelsea kasi wala ng sagabal sa kanila ng boyfriend niya.
Wala namang maaapektuhan nang masama 'pag namatay ka, 'di ba?
Edi mamatay ka na, Louise!
Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko. Panginoon, patawarin Niyo po ako. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Eto na lang ang natatanging paraang naiisip ko eh. Patawarin Niyo po ako. Hirap na hirap na po ako eh. Pasensiya na kung mahina ako, napakahina ko at hindi ko malampasan ang mga pagsubok Niyo.
Tatalon na ako. Hihintayin ko nang mawalan ako ng balanse, saka ako unti-unting mahuhulog sa rooftop ng building namin. Hihintayin ko na lang itulak ako ng hangin at pagkatapos nun, wala na akong problema. Tama.
Unti-unti ko nang nararamdaman ang ihip ng hangin. Tama, ganyan nga. Lakasan niyo pa. Ramdam ko na ang unti-unti kong pagkawala ng balanse. Mamatay na ako... Patawad... Patawad-----
"AAAAHHH!!!!"
P—Patay na ba ako? B—Bakit p—parang—
"Nababaliw ka na ba? Hah?"
Nagulat ako ng may narinig akong boses sa likod ko. Yakap yakap niya ako patalikod, at unti-unti niya akong hinila na dahilan ng pagkatumba ko sa sahig ng rooftop.
"Sino ka ba, huh? B--Bakit mo ako pinigilang magpakamatay?"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak na kadalasan ko ring ginagawa.
"Wa-- *sobs* Wala na dapat akong pro-- *sobs* problema, eh! Masaya na sana dapat a-- *sobs* ako eh. Nakakainis ka *sobs* naman eh! Nakakainis ka!"
Pinagpapalo ko siya sa dibdib. Pilit niya akong pinipigilan pero kahit ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko eh. Hagulgol lang ako ng hagulgol.
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Mas nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.
"Ilabas mo na lahat."
"B—Bitawan mo ko..."
