Grabe! halos hindi ko na makita ang paligid dahil sa lakas ng ulan. Foggy kasi ang paligid. Takot na takot pa ako sa kulog at kidlat. Kapag minalas ka nga naman oh! At sigurado ako na mapapagalitan ako ng mga amo ko kapag hindi kami makakabalik ngayong araw na to sa mansiyon. Naiiyak na talaga ako. Wala naman akong pakialam sa sarili ko eh. I'm after with Seniorito's safety dahil alam kong hindi makakabuti sa kanya ang nangyayari ngayon.
Kumakabog na ng husto ang dibdib ko dahil sa takot. Kanina pa kami palakad-lakad para maghanap ng masisilungan dahil nilalamig na ako ng husto at nakikita ko ring nilalamig na rin si Seniorito.
"Oh God help us!" tanging nasambit ko.
Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Seniorito at saka tumakbo kami. Napakunot noo ako at saka nagtataka.
"H-hoy! Seniorito! saan tayo pupunta?!..t-teka--" natigil ako nang makita ang sa unahan. May maliit na kubo doon.
Napaawang ang bibig ko na napatitig kay Seniorito. Nakakaramdam na siya. Alam niya ang ginagawa niya. Bigla akong napangiti.
"Halika, sumilong muna tayo sa kubo. Papatilain muna natin ang ulan saka tayo babalik ng Villa." wika ko. Hawak lang niya ang kamay ko at saka nilapitan namin ang kubo. Habang hawak niya ang kamay ko ay hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kakaiba.
Naipilig ko ang aking ulo. Hindi ito maaari!
Yumi! alalahanin mo si Charles. He's going to marry you soon.
Yes! tama. I love Charles! I love Charles at dapat hindi ako makakaramdam ng kung ano sa amo ko.
"Here we are. Thanks God!" wika ko nang makapasok kami sa kubo. Mabilis akong bumitaw sa pagkakahawak dito dahil pakiramdam ko ay tila nakukuryente ako.
Maliit lang ang kubo pero parang palagi naman itong nililinisan. May mga gamit naman sa loob kaya lang ay walang kuryente.
May nakatira kaya dito?
"H-hello?!! may tao po ba dito?!" sigaw ko pero mukhang wala namang tao. Bakit kaya alam ni Seniorito na may kubo dito?
Napapitik pa ako sa noo ko nang maalala na sakop pa rin pala ito ng Villa kaya malamang alam nila ang mga pasikot-sikot dito.
"Walang tao dito so keep quiet." kunot noong napalingon ako kay Seniorito nang magsalita ito at literal na nalaglag ang panga ko nang hinubad nito ang basang t-shirt na para bang wala siyang pakialam sa paligid niya.
Kinabahan na naman ako kasi tumibok ng husto ang dibdib ko.
Para akong itinulos sa kinatatayuan ko.
"Hey, what's happening to you?" nagulat pa ako nang mapagtanto kong nasa harapan ko na pala siya.
Napalunok ako. Pakiramdam ko, lahat ng ginaw sa katawan ko buhat ng pagkabasa ko sa ulan ay biglang naglaho at napalitan iyon ng kakaibang init.
Lumayo ako at tumalikod at nagkunwaring napapaubo ngunit nanigas ang katawan ko nang tapikin niya ako sa balikat.
"Are you okay?" nag-alalang tanong nito. Nagsasalita na talaga siya at nakakapanibago pa rin iyon para sa akin dahil malimit ko lang siyang naririnig na nagsasalita. Panay ang naging paglunok ko. Naiilang ako ng sobra at hindi ko alam kung bakit o baka dahil sa kaalamang nakikipag-usap na siya sa akin.
Parang tangang tumango ako.
"Y-yeah..g-good thing you can talk..u-uhm just wait here. Gagawa lang ako ng apoy para mainitan ka." wika ko dito na nanatiling nakatalikod at saka mabilis akong lumayo rito. Nagpunta ako ng kusina at saka napahinga ng maluwag.
BINABASA MO ANG
My Husband's Wife #Wattys2019
RomanceDennis Alejandro is a serious type of man. Bagong kasal sa minamahal na si Nimfa ngunit sa araw din mismo ng kasal nila ay sabay silang naaksidente. At dahil sa masalimoot na pangyayaring iyon ay nawala ang minamahal niya at nagbago si Dennis Alejan...