I'm inlove with my bestfriend ✿ (ON-GOING)

133 3 0
                                    

Prologue

"Bestfriend lang kami ano ba kayo."

Yan yung sabi nung bestfriend ko na si Megan. Ewan ko ba dun matagal na kaming magkaibigan pero di siya nagkaka-gusto sakin. Di ko rin naman kasi sinasabi sakanya na gusto ko siya, natatakot ako baka di na niya ko kausapin eh. Siya yung babae na pinaka-una kong naging bestfriend (na babae ah) siya rin yung unang babae na gusto kong isakay sa kotse ko pag nagkaroon na ko. Siya rin yung unang babae na gusto kong makita pag gigising ako hanggang sa matutulog ako. Siya lang talaga. Sana ganito rin naf-feel niya. Sana ako rin gusto niya.

Di ata mangyayari yun. Bestfriend niya lang kasi ako, kelan kaya magiging more than yun? Mangyayari pa kaya yun? Yun yung una kong inisip, sana kasi di siya manhid! Sana naf-feel niya rin to. Pogi naman ako ah? Mabait pa! Andami na ngang may gusto sakin ewan ko sakanya, abnormal talaga yun at di siya nagkakagusto sa akin. Mahirap na umasa. Para tuloy akong bading dito naghahabol habol sakanya.

"Hi Meg! Hi Clyde! Teka, buti di kayo nagkakagustuhan eh halos since highschool pa kayong mag-bestfriend?" tanong nung kaklase namin na si Ella.

"Ah, haha. Di ah." sagot ko naman.

Gusto ko na nga siya eh! Hindi ba halata? Mahal pa!

"Bestfriend lang kami ano ba kayo."sagot naman ni Megan at simula nun, nawalan na ko ng lakas ng loob na umamin sa kanya. Na kung gano siya kahalaga sakin, kung gano ko siya kagusto, kung gano ko siya laging iniisip. Lahat. Sakanya lang ako nakaramdam ng ganito at isa lang ang gusto kong sabihin sa lahat ng tao.....

I'm inlove with my bestfriend.

------------------

© Claire and Trish

Hello guys! Yes, Filipino ako and I'm Claire. Hindi ko lang trip ilagay name ko so I decided na 'huanhere' yung username ko. :) Trishia and I decided to make this so either ako (Claire!) or si Trishia ang magu-update neto. :) Sana may magbasa, may mag-vote and mag-comment here! Thank you. :D

I'm inlove with my bestfriend ✿ (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon