Chapter 4: MOVE ON :)
[Clyde's POV]
Pagkapasok ko wala pa si Megan. Ewan ko ba nangyari dun, siguro naman papasok yun. Simula nung nakilala ko siya lagi nalang siyang umiiyak. Ewan ko, ang depressed masyado ng babaeng yun pero kahit papaano di apektado studies ahh.
"CLYDE!" narinig kong sigaw ni Megan mula sa likod ko kaya harap naman ako agad.
"Ano?"
"Tulungan mo ko!" sigaw niya ulit kaya nagtinginan nanaman classmates namin sakanya. Lumapit siya bigla sa akin para maayos na kaming makapag usap.
"KAILANGAN KO MAG MOVE ON."
---
After ng klase tumambay na kami ni Megan sa bahay nila (ohaaa) dahil nagpapatulong siya kung pano mag-move on. Di pa umuuwi parents niya, pareho kasing business manager at mag partner pa. Step dad nga lang niya yun kasi nakipag hiwalay na yung mum niya sa real dad.
"Na-HB kanaba?" tanong niya sakin. Eto yung mga ayaw kong topic eh!!!
"Ba't mo ba tinatanong yan? Megan naman eh!"
"Dali na! Arte sasagot lang eh."
"Ehhhhhhhhh, oo!"
"Talaga kanino?"
"ANO BA YAN Meg-----"
"Leche bading kaba? Kwento na!"
Huminga naman ako ng malalim, kung di ko lang to kaibigan nako! Hay. "Si Lorraine. Ex ko kasi yun. Uhm... 8 months kami.. nakipag-break siya kasi may iba daw siyang..... gusto." napatigil naman ako kasi ano ba, naalala ko nanaman siya!
"Ooh.... ano ginawa mo?"
"PATI BA NAMAN YAN?!"
"Bakit? Bading ka?"
"TSK!" breathe in, breathe out. "Siyempre, hinabol habol ko pa siya kahit alam kong may iba na siya. Nagpaka-tanga. Kaya simula nun........ di na ko nag seryoso."
Tumitig naman siya sa akin na para bang kaawa awa akong bata, bad trip. "Oh dali 5 or 10 steps to move on!"
"Ba't ako gagawa?! MEEEEG!"
"Eh kasi naka-move on kanaman sakanya!"
"Eh tinatamad na ko!"
"PLEEEEEEEEAAAAAAAAAASSSSSSSSSEEEEEEEEEEE?"
"Hay nako! Sige na!"
[After a couple of minutes]
"Tapos na!" sabi ko sabay abot sakanya nung papel.
5 steps to move on.
1. Maghanap ng ibang tao na makapag-bibigay ng attention mo.
2. Alisin mo lahat ng bagay na makapag aalala sakanya.
3. Wag mong isipin na sakanya lang umiikot mundo mo.
4. Isipin lahat ng negative sakanya para ma-turn off!
5. Ma-fall sa iba.
"Eh sino makapagbibigay ng attention ko?" tanong niya sa kin sabay tingin ulit sa papel.
![](https://img.wattpad.com/cover/5124848-288-k357274.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm inlove with my bestfriend ✿ (ON-GOING)
Teen FictionMagagawa mo bang itago feelings mo sa taong lagi mong kasama? Sa araw araw mong nakikita? Magagawa mo bang pigilan feelings mo sakanya kasi baka mas lalo mo siyang magustuhan? READ TO FIND OUT!