MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK

2.1K 13 1
                                    


Nag ring ang phone ko, si Kenneth tumatawag.

Naririnig ni Cathy na humihikbi si Kenneth sa kabilang linya. "Cathy, si Lolo, inatake sa puso"

"Ano?!" Di mapigilan ni Cathy ang mapaluha at nabalot din ng pag alala ang kanyang isip.

"C-athy, kailangan kita dito...umuwi ka na" pagsusumamo ng kanyang asawa

"Pero--Kenneth, kailangan din ako dito ni nanay eh. sorry, mahal ko" naiiyak na sabi ni Cathy

umiyak na lang si kenneth sa telepono...

Cathy's POV

"Nay, pasensya ka na, kailangan din kasi ako ni Kenneth doon"

Di kumikibo ang nanay niya, nakatulala lang ito.

"nay promise ko, babalik naman ako. sorry talaga nay"

niyakap nya ang nanay, niyakap naman siya nito pabalik.

Pagbalik ni Cathy sa Pinas, dire-diretso siyang umuwi sa kanilang bahay...pagpasok niya pa lang gloomy na ang bahay. siyempre, mahal na mahal ng pamilya ang lolo, lalo naman kay Kenneth siya ang pinakapaboritong apo sa lahat. Paakyat na si Cathy sa kwarto nila, pagbukas niya ng pinto nakita niya si Kenneth. KRAAAAAKKKKK, nabagsak ang vase....oo si Kenneth nga ito...may kahalikang babae...ang asawa ko may ibang babae....bigla na lang tumulo ang mga luha ko...tumakbo ako, di ko na alam kung san ako dinala ng mga paa ko...basta alam ko umiiyak ako, pati ang ulap umiyak na rin. sabay kaming lumuluha, tulad ng ulan hinde nagpaawat ang mga luha ko. tuloy tuloy lang...

Kinabukasan, pinuntahan ni Kenneth ang bahay ni Cathy, nandun ang tatay, at mga kapatid ni Cathy.

"Tay, alam ko pong nandyan si Cathy" pilit pumapasok si Kenneth, sinisigaw ang pangalan ni Cathy

"Wala dito ang anak ko. ayaw ka niyang makita. kaya wag mo ng guguluhin si Catherine" tulak ng tatay ni Cathy

"Tay, sige na po. alam ko pong nagkamali ako sa ginawa ko..." pagmamakaawa ni Kenneth

"Huli na ang lahat Kenneth! Sinaktan mo si Catherine! Umalis ka na dito!"

Dahil walang mapala si Kenneth, umalis siya ng wala sa sarili di niya na alam ang gagawin. mababaliw na siya sa sobrang kakaisip. Di niya alam si Cathy nagtatago lang sa loob ng bahay ng kanyang pamilya, umiiyak sa kama, di niya rin alam ang gagawin. Di niya kayang tanggapin na nagtaksil sa kanya ang asawa niya.

Lumipas ang ilang araw, nakapagdesisyon si Cathy na umalis na muli ng bansa. Magpalipas ng oras sa ibang bansa, para makalimutan si Kenneth. Lahat ng tungkol kay Kenneth iiwan niya na sa Pilipinas.

MY EX-HUSBAND WANTS ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon