PROLOGUE
"Huwag mo kaming iwan Dad" sabi ko kay daddy habang umiiyak
"Pero anak lagi lang kaming nag aaway ng Mommy mo kaya mas mabuti nang maghiwalay nalang kami" sagot ni daddy sakin
"Pero Hindi mo na ba kami mahal?at kaya mo nang iwanan kami" tanong ko pa
"Anak mahal ko kayo at lagi mong tatandaan na kahit wala ako sa tabi mo ikaw parin ang nag iisang prinsesa ko" sabi niya sakin habang nakahawak sa ulo ko.
"Hindi ko po talaga maintindihan ang lahat" tumungo ako at sinabi to ng may halong lungkot
"Pag laki mo maiintindihan mo din lahat ng ito, basta wag mo kong kakalimutan anak Mahal na mahal kita" paglalambing niya sakin pagkatapos ay niyakap ako at hinalikan sa noo.
"Umalis na siya ,hhhft..umalis na ang Daddy ko" sabi ko habang humahagulgol
"Dad bumalik ka wag mo kaming iwan ....waaaahhhhhh" sigaw ko na nagbabaka sakaling magbabago ang isip niya
"Waaaahhhhhhh.....hffffft...bakit?"
Paggising ko "hay panaginip lang pala" lagi nalang bumabalik sakin ang nakaraan ,simula ng iniwanan kami ni daddy lalo akong naging sensitive at emotional
Kada gigising nalang ako ay may mahihipo akong luha mula sa aking mga mata ,tanda na naman ng pag alala ko sa sakit ng nakaraanAko nga pala si Kathryn Chandria Manuel Bernardo , Kath for short, 17 years old ,2nd year College bilang Civil Engineering Student sa Saints University.
Isang simpleng babae lang ako ; simple lang magdamit , simple magsalita, hindi nagmemake-up at hindi palaayos sa sarili ayoko kasing masasabihan na maarte at ayoko din kasing gumaya sa ibang babae dyan na todo ayos nga ng itsura ayaw naman ayusin ang ugali.
Mabait daw ako, friendly at maaasahan ,yan ang sabi sakin ng mga kaibigan ko.Masayahin din akong tao MINSAN pero madalas gusto kong mag isa at mag isip isip lang ,pagiging seryoso at malungkutin kumbaga.
Ang motto ko "Dreams Do Come True" pero hindi pa din ako sigurado dyan kasi hindi ko pa naman napapatunayan , pero promise pag dating ng panahon masasabi ko din na totoo nga ang PANAGINIP at matutupad ko ang mga pangarap ko
Sorry masayado na yata akong madaming chika hahaha....minsan kasi nagiging madaldal talaga ko tapos minsan tahamik lang , bipolar kung tawagin HAHA
Bigla ko na naman naalala yung mga panaginip ko ewan ko ba pero diba dapat pag panaginip madalas nakakalimutan ng tao ? Pero ako ? Hindi ganun ee feeling ko kasi totoo yung mga panaginip ko
Hayyy..
BINABASA MO ANG
Panaginip
RandomIto ay kwento ng isang babae na ang tanging pinanghahawakan ay ang panaginip niya This is a KathNiel FanFic Please read,comment and support Thankiss