Chorus

8 1 0
                                    

Saturday. 5:30pm. Nadine's Residence.

Ano pre papasok ba tayo oh hindi? Kanina ka pa urung sulung dyan eh. Yung totoo? sasayaw ba tayo dito. Sabi ko dito kay James habang nakasandal sa pader malapit sa gate.

5pm palang andito na kami pero di padin kami makapasok dahil sa ka badingan netong pare ko.

Kingina pre nakakakaba talaga to! putcha ! whoooooo ! Sigaw ni James habang ngshashake ng mga kamay niya at naglalakad pabalik balik na akala mo ay sumasayaw ng cha-cha para siguro matanggal yung kanina niya pang kaba .

Napatingin kami ng biglang may dumating mula sa loob kaya bumukas yung pinto.

akmang magtatago nanaman si James sa likod ng puno sa galid ng gate nila Nadine pero hinawakan ko siya sa kwelyo niya sa likod para hatakin paloob bago pa kami ugatin dito sa labas ng bahay.

Oy pre yung damit ko nalulukot ! reklamo ni James habang kinakaladkad ko sya papasok sa loob.

-----

Nagsisigawan ang lahat ng bisita ni Nadine habang umiiyak ang papa neto.

Anak naman ang ganda ganda mo pero bakit ganito yung boyfriend mo? Dahil nga nagiisang anak si Nadine ay malapit ito sa mga magulang neto kahit ngayong 18 na sya ay baby padin ang turing sa kanya ng ama kaya umiyak ito ng malamang may boyfriend na pala ang anak.

Daddy naman? Mabait to si James. Natawa ako sa sagot ni Nadine kaya sinamaan ako ng tingin ng kaibigan ko.

Hon? Pogi din naman ako a? Sabat ni James sa mag ama dahil Mabait lang daw sya. Pinigilan kong di tumawa respeto nadin sa #WelcomeToTheFamilyMoment netong pare ko.

Anak alam ko na yang mga ganyang mukha. Iiwanan ka lang nyan pagnakuha na nya ang gusto sayo. Sabi naman ng Daddy ni Nadine na parang akala mo ay mag aasawa na tong anak niya. Akala ko ay ito na ang pinakamadramang part pero ...

Sir Note, Ma'am Cliff alam ko pong gwapo ako at maraming naghahabol saking magagandang babae. Napatigil sya ng paluin si James ng mahina ni Nadine sa balikat neto sa sinabi. Ano ba yang sinasabi mo James ? Saka tumayo ka nga dyan nakakahiya na tayo sa mga bisita oh? Pinipilit pa ni Nadine hatakin patayo ang nobyo dahil itong kaibigan ko ay nakaluhod sa harap ng mga magulang ni Nadine. Hays pag ibig nga naman.

Hindi Hon. Kung ito lang ang way para matanggap ako ng family mo ay gagawin ko. Mariin niyang sabi. Naks James! May ganon ka pang naalaman? Kaya Sir, Ma'am sana po ay maniwala kayo. Hinding hindi ko po sasaktan at lolokohin si Nadine. Kahit po sobrang mabunganga sya. Kahit sobrang tagal niya sa CR. Kahit po nakakabingi yung tili niya pag kinikilig sya kakanood ng Korean Drama wala po akong pakialam. Willing po akong tumabi sa kanya araw araw dahil gusto kong marining ang tili nyang yun. Her happiness is also mine Sir, Ma'am .. Napa wow ni James ang mga bisita dahil sa sinabi niya. Is this really what love means? Yung matikas kong tropa nakaluhod sa harap ng magulang ng jowa niya para lang matanggap sya ng pamilya? Kung sa ibang tao dito ay natutuwa sila ako? HINDI.

Inilapag ko yung baso na may juice na kanina ko pa iniinom sa lamesa at nagsimulang tumayo. Makalabas nga muna dahil hindi ko na masikmura yung pinagsasasabi ni James. Hindi ko na marinig yung usapan ng apat dahil medyo nasa pinto na ako.

Baka nagiiyakan na. Goodluck pareng James. Bulong ko sa sarili bago ko narinig ang isang malakas na YEEEEES ! mula sa aking kaibigan. Hmmm kung dyan magiging masaya si kumag. Sige pagbigyan.

Hawak ko yung gate nila Nadine para buksan ng bigla ito bumukas buti nalang at  nabitawan ko agad . kung hindi'y baka sumubsob na ang gwapo (lols) kong mukha sa lupa. At kung mangyari yun ay isusunod ko ang hayop na nagbukas ng gate. Lapastangan!

aah? Excuse me kuya. Padaan po kasi malamig na dito sa labas. Kung okay lang sana? Handa na sana akong sagot sagutin siya pero nung tumingin ako sa mukha niya ay parang ...

humihinto yung oras,anong nangyayare? Hindi ko din maiwas yung tingin ko sa kanya ngayon ka ang napansin na babae pala sya, ah mali MAGANDANG BABAE.

Uy kuya? Okay ka lang? Sabi ko po padaan? Medyo malamig kasi dito sa labas. Natauhan ako ng makita ko syang nangagatog sa lamig. Umurung ako para makapasok sya. Gusto ko sanang magsalita pero mukhan tinakasan ako ng boses ko. Shit!

whoooh salamat kuya. Sabi niya bago dumaan sa harap ko. Amoy na amoy ko yung pabango niya. Shit ang bango! Papasok na sya ng bahay nila Nadine nang tignan ko ulit sya. Theo ano ba ?

Ah! Miss? huh? Anong ginagawa ko?

Napalingon sya sakin ng may pagtataka?

a-ah Theo! Theo ang p-pangalan ko! sigaw ko sa kanya. Seriously? Hindi ko alam ang ginagawa ko? Bakit ako nagpakilala? Ngumiti naman sya bago ngsalita, Maye! ako si Maye. Nice to meet you Theo. Sabay ngiti ulit bago sya tuluyang pumasok sa loob. Pero laking gulat ko ng makita ko si James at Nadine na nasa pinto. Sinalubong ni Nadine si Maye at inalalayan pa loob. Si James naman ay ngiting asong nakatingin sakin may pailing iling pa. Nice one pare! sabi niya bago din pumasok paloob.

shit. shit. SHIT! ANONG NANGYARE?


instrumental ♬♪

AN : Medyo magulo yung utak ko hahaha. Pabago bago ng thoughts. Hope you like it. Leaving a comments and votes are highly appreciated :*

xoxo
~ phen ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon