A/N: Nainspire ako gumawa ng Short Story dahil kay Ate Jess. Hi Ate Jess! Dedicate ko po sayo to. Nakakahiya pero sana magustuhan mo. Don't hesitate to leave comments or critiques :)
**
Agitated and at the same time happy but most of all excited to face my fears and doubts as I travel back to the place where I belong. Masyado ako preoccupied sa fact na malapit na akong dumating. I keep looking out the window and admire how truly beautiful my beloved country really is.
After 3 long years, I'm back here in the Philippines. It's been too long. Pero tama lang yung timing na binigay ko sa sarili ko para makalimot. Masama ang alaala ko dito sa Pilipinas. Puro sakit at poot lang ang dinanas ko bago ako nagpunta ng Canada. Akala ko kasi mas magiging maayos ang buhay ko doon. Mas mabilis makakalimot, mas makakamove on, akala ko mas magiging okay. Pero kahit saan ako magpunta, ganun pa din ang aking tadhana.
Bata pa lang ako, lagi akong sinasabihang mabait at mapagbigay. Habang tumatagal, ganun pa din ang sinasabi sa akin pero in a negative way na. Masyado daw akong mabait at mapagbigay.. Nakakalimutan kong mag-iwan para sa sarili.
Ang nasa isip ko naman tuwing sinasabi nila yun, Wala namang masama sa pagiging mabait di ba? Mas okay nga kung magiging mabait ako eh. Wala naman kasi akong kailangan ihold back. Mas gusto ko to na mabait ako at mapagbigay sa lahat. Mas masaya ako.. pero di rin nagtagal naintindihan ko yung ibig nilang iparating.
"I'm sorry Justin. Gusto ko siya eh. Alam kong para lang kitang pinaasa at pinaghintay sa wala pero ayoko naman lokohin ang sarili ko at ang nararamdaman ko. Sorry for hurting you." Sinabi yan sa akin ni Lea noon. Siya ang first love ko. Nanliligaw na ako sa kanya noon ng biglang dumating sa buhay niya si Kevin. Isang notorious transferee nung high school kami. Nung naging magseatmate sila, kahit lagi silang di nagkakasundo, malakas na ang kutob ko na siya ang magiging karibal ko. At aba nga naman, dapat magkaroon na pala ako ng stand sa Quiapo at tama ang hula ko.
Akala ko dun na matatapos ang bad fate ko. Pero hindi pa pala. Nung college naman ako, naging kaklase ko sa isang General Education (GE) subject si Carol. Napakabait niya at thoughtful. Wrong timing nga lang at may boyfriend siya. Yung boyfriend naman niya ay sobrang angas na kung maka-asta kala mo kung sinong hari. Nung magbreak sila, doon na sana ako daDAMOVES. Unti unti kong pinakita sa kanya na gusto ko siya kaso dahil nahihiya ako sa kanya, sobrang tagal kong kumilos. Sa kabagalan ko, di rin nagtagal ay nagkabalikan sila ng boyfriend niya. "Justin sorry ah. You're a nice guy pero I think you fell in love with the wrong girl. You deserve someone better." Yan na lang ang huling sinabi sa akin ni Carol.
Ang saklap. Di ko rin maintindihan kung bakit yung almost-perfect na babae ay nagkakagusto sa mga ganung lalaki. They tell me I fell in love with the wrong girl? Di kaya they fell in love with the wrong guy?
I got a scholarship from Canada and accepted it right away. Masakit masyado ang mga pangyayari noon at di na ako nag-atubiling umalis agad.
Akala ko magiiba ang buhay ko sa Canada. New life, new love life din sana. Pero kung minamalas ka nga naman. We were almost in love. But then again, my bad fate striked again.
Her name was Audrey. Half pinoy siya na lumaki sa Canada. We were classmates in College and she was the first person who talked to me in my first class. Wala siyang kasing bait. Sobrang maalaga at ubod ng talino. But yun nga. Malas ako e. Wag na daw ako maglovelife. Sa iba na lang.
Kung aakalain mo nga naman, sa mortal enemy pa ni Audrey siya nainlove. Audrey fell in love with Austin. Matagal na silang magkakilala. Actually matagal na silang magkaaway. Years na ang nakalipas. Di ko rin alam kung bakit at paano pero boom. Si kupido pinana sila pareho. Lang hiyang kupido yan akala ko makakajackpot na ako eh. "Justin, I'm really sorry. This is all my fault. I never expected anything like this to happen. I want you to be happy and it's not with me."
Nakakarindi na sa tenga yung mga sinasabi nila. Sorry for hurting me? You already did. I deserve someone better? Aren't you good enough? You want me to be happy? But I'm happy with you. Pinakamasaklap pa dun, buti sana kung sobrang di ko mapapantayan yung mga lalaking pinili niya over me eh. Kaso bakit ganun? Nice guys finish last na ba talaga?
Kung baga sa telenovela, ako yung mabait na lalaki na matagal ng may gusto sa leading lady kaso di siya para sa akin. Kahit gaano ako kabait at kayaman, di siya mapapasaakin. Dun siya mapupunta sa bad boy lead character. Lagi lang akong 'supporting' role.
Sa pagbalik ko dito sa Pilipinas, di na ako nageexpect ng kahit ano. Nagets ko na yung pinaparating ni Kupido. Sige na. Di na ako maghahanap pa ng lovelife. Tanggap ko na. Love, though it exists, is not for everyone.
"Aray. Look what you've done! Hinulog mo lahat ng gamit ko!"
Sa lalim ng iniisip ko. Di ko na namalayan na may nabangga ako atnagsipaghulog lahat ng gamit niya sa cart
"Sorry Miss." Sabay tulong ko sa kanya.
"Di ka kasi tumitingin sa dinadaan mo! Nakakainis ka!"
"Sorry talaga. Di ko sinasadya."
"May magagawa pa ba ako eh nangyari na?"
"Sorry talaga."
**
Hindi ko rin alam kung bakit pero sa tuwing naiisip ko yung sinabi niya parang may pinapahiwatig. Parang double meaning. May magagawa pa ba ako eh nangyari na?
Tama siya e. Tapos naman na lahat ng heartbreak ko. Eh bakit ko pa dinadamdam? Nangyari naman na lahat. Di ko na maibabalik. Everything happens for a reason nga ba?
Now I'm off to my interview. Siguro nga I should just live my new life. This is a chance for me to start anew. Habang naglalakad, di ko maiwasan tumingin sa paligid. Normal naman yun di ba? Magmasid-masid. Mag-people watch. Parang eto si Ate sa harapan ko, mukhang haggard. Ang dami siguro niyang ginagawa. Dami din niyang dala. Tapos... nahulog pa niya panyo niya.
"Miss, panyo mo."
"Ay.. Thank you."
She looks familiar. Way too familiar.
**
Love, though it exists, is not for everyone.
I can't believe I'll take that back. Love, it does exist for everyone. Nasa timing lang talaga.
I never believed in fate. Until I met Anna. Remember the girl na nabangga ko sa airport. Siya nga. Who would've thought na kami pa magkakatuluyan after that horrifying incident na pagsisigaw sa akin. Akalain mo nga naman. Siya pa yung may-ari ng panyo! Fate nga naman!
It was magical. I've always thought na that girls will always pick bad guys pero look what happened. Masyado akong nagmadali. Kaya pala lagi akong nililihis ng landas ni Kupido. Para makilala ko si Anna.
I'm thankful sa lahat ng heatrbreaks na naranasan ko kay Lia, Carol at Audrey. Because of them I met that 'someone' and I'm more than happy.
For all of you guys out there. Don't fret, there is someone out there for you. You just have to wait. And once you meet her, deep in your heart, you'll know with one look that's her and the rest will be history. Nice guys don't finish last, hasty guys do. ;)