Prologue

51 3 1
                                    

Kyungsoo's

Pumasok ako sa isang mansyon dito sa may resort namin nila Daddy. Mag-isa lang ako pero sa mansyon pa talaga nila ko pinatapon, wow ha. Pinarusahan kasi ako nila Dad, halos patayin ko na kasi yung babaeng nagmodel sa harap ko nung nasa Hubad Bar kami nila Baekhyun, monggoloid kasi! Pinapamukha sa aking mas sexy siya, kaya ayun pinagsasabunutan ko at inuntog dun sa lamesa e. Tingini.

"Ay uling na pinaglihi sa tae ng kalabaw! Tingini, anong ginagawa mo dito?" Nilapag ko yung mga maleta ko sa gilid at nagcross arms sa harap ng lalaking ito.

Akala ko pa naman ako lang mag-isa dito pero may kasama pala ako! Kaasar ah!

"Sino ka ba?" Poker face na tanong niya. Tingini talaga neto, pasabugan ko kaya to ng granada sa mukha? Feeling pogi!

"Sino ka ba?" Poker face ko ring tanong, wala, ginagaya ko lang siya kaasar eh.

"Kim Jongin." Tipid niyang sagot saka tumayo at dumiretso sa kusina. "I'll be here in100 days, ikaw ba?"

100 days? Ibig sabihin sa 100 days na yung kaming dalawa lang, shiti. Yan? Yang Kim Jongin na yan makakasama ko?

Tumaas ang kilay ko, "Same." Bigla siyang humarap sa akin at lumapit kaya napaatras ako dahilan para ma-corner niya ko. Naisandal ko ang likod sa isang pader at huminga ng malalim.

Napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa, napatingin ako dun sa labi niya, pitingini, maling galaw ko lang dito magkakahalikan na kami! Kaya, tinabig ko yung kamay niyang nakaharang at tumakbo na ko paakyat ng hagdan.

"A-aray!"

Ang sakit ng paa ko. Tingini. Di ko naman alam na tatapilok pala ako dun, napaupo ako at hinilot yung paa ko, tingini talaga, katangahan ko ba naman kasi pero wala akong paki! Maganda pa rin ako, walang aangal.

Ang umangal, walang ngipin sa harap!

"Wag ka kasing tanga-tanga," tumawa siya ng malakas, "Talagang natapilok ka pa ha, napogian ka sa akin noh?"

"Gague, hangin mo ah."

Pinagpatuloy ko nalang yung pag-akyat ko sa taas, gumapang ako, oo. Sinabi nang natapilok nga ako at ang sakit ng paa ko. Bwisit na buhay ito! Makakaya ko bang makasama tong tingini na to?

Jongin's

Nakakatuwa talaga yung kwago na yun. Aakyat na nga lang, matatapilok pa! Hay. Mukhng magiging masaya ang 100 days ko pag may kinukulit ako ah. /smirks/

Wala naman akong makausap dahil nandun na yung kwago na gumapang paakyat papuntang kwarto niya.

Nag vibrate ang phone ko sa bulsa at nilabas ko yun at nakitang may text ako galing kay Sehun.

From: Bulol

Wuy. Musta naman parusa mo? San ka pinatapon? sa deserted island ba? Good luck pre. Mag bar kami ni Kris at Chanyeol mamaya. (;

Napangisi ako habang sinagot yung text niya.

To: Bulol

Sa isang mansyon lang naman ako naisip ipatapon ng mga magulang ko. Sige enjoy kayo. May kasama rin ako dito. Kaming dalawa lang, ang ganda niya pre. Pramis.

Ang lakas ng tawa ko nung pinindot ko yung "Send" at mas lalo akong natawa nang magreply siya nang "Sige. Enjoy mo yan pre. Goodluck."

At sa sobrang lakas nang tawa ko ay lumabas yung kwago sa kwarto niya. At bumaba papunta sa pwesto ko.

Ang..ang ganda niya. Tae babae ba siya?

Binatukan naman niya ako. "Oh? Natulala ka naman sa kagandahan ko? Pwe! Alam ko na yan! Ang ingay mo, bwisit. Matutulog na sana ako eh! Ewan, che bahala ka diyan!" Irap niya at ulit sa kwarto niya.

Eh pano ba naman ako di matutulala? Magsuot ba naman nang shorts na kita na yung legs niya at yung t-shirt niya pa! Bagay na bagay sa kanya. Di ko alam pero may kung ano akong naramdaman sa loob ko na kailangan ko siyang ma-fall sa akin within 100 days.

At...di ko parin alam pangalan niya -__-

KaiSoo: Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon