Chapter 1

5 0 0
                                    

Akala ko lahat ng ginawa ko noon, okay lang. Akala ko hindi na maibabalik pa sa akin yun, pero nagkakamali ako, lahat pala yun may kapalit. Mangyayari rin pala sa akin lahat ng bagay na ginawa ko noon sa ibang tao. And worst? Sa mga lalaki.

Isa ako sa milyong-milyong tao na hindi naniniwala sa forever o sa true love. Basta't lahat ng may kinalaman sa love.

Pero syempre once din naman akong naniwala sa salitang love. Pero nasaktan ako, natakot ng sumeryoso at natutong makipaglaro.

Akala ko noon, kung makikipag-laro din ako sa  ibang tao, magiging masaya na ako. Noong una, oo syempre, masayang-masaya ako kapag may nagmamakaawa sa aking mga lalaki na wag ko silang ipagpalit sa iba. Minsan pa nga nagsusuntukan na ang mga lalaki dahil sa akin, hindi lang kasi ako play girl kundi two timer pa.

Oo, aamnin ko, lahat ng mga nagawa ko noon ay pinagsisihan ko na ngayon, na sana di ko na lang ginawa lahat ng yun. Sana hinayaan  ko na lang na nasaktan ako once, tutal pnce lang naman yun eh. Sana di pa siya nadamay, sana di ko na siya nasaktan, sana di pa ako nagkakaganito.

Kung sana nakinig lang ako sa mga kaibigan ko, kung sana di na lang galit ang namuo sa puso ko nung once akong niloko at nasaktan. Sana tinanggap ko na lang na ganun talaga, na parte na ng buhay ng tao ang masaktan at bumangon.

Pero sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi.

Minsan ko na siyang niloko, minsan ko na siyang pinaglaruan, minsan ko na siyang tinawanan. Pero minsan lang yun. Siya? Araw-araw niya akong sinasaksak sa puso, araw-araw niya akong ginagawang tanga, araw-araw akong nagsisisi kung bakit ko pa nagawa yun. Sana hindi siya, sana iba na lang. Panghabang-buhay kong dadalhin yung sakit na ginawa  niya sa akin. Habang buhay na magmamarka sa buong pagkatao ko ang ginawa niya sa akin, lalong-lalo na sa puso ko.

Pero tatanggapin ko lahat ng yun. Tanggap ko na, at kailangan ko talagang tanggapin. Para mabayaran ko lahat ng ginawa ko sa kanya. Habang buhay akong magsisisi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon