Day dreamer 4 >> Smile City Restaurant
SAMs pov
Kadarating ko lang dito sa resto at kasalukuyang nasa locker room para magpalit ng uniform. Light gray denim skirt at pink t-shirt na nkatupi ang manggas at nakatali sa likod. At may silver print sa harap na SMILE CITY. Tapos may cap kami at naka rubber shoes with matching skyblue na high socks.
"Oh Sam may prob ka?" si Pamela co worker ko.
"Wala inaantok lang ako."
"Kaya pala parang wala ka sarili mo. Ikaw talaga kapag kulang ang tulog kahit nakadilat ka nakukuha mong matulog ma complete mo lang no."
ito talaga oh. hindi man lang marunong magtago ng secret.
"ikaw naman Pam secret lang natin iyon."
"Hahahaha gaga niloloko lang naman kita. Kumagat ka naman so natutulog ka ngang dilat ang mata?"
"Minsan lang naman iyon."
"Hay minsan ka diyan. Tara na nga baka madami na customer niyan. Sabi nina Mina madami daw kanina eh." si Mina co owner ng SMILE CITY RESTAURANT. Kaming dalawa ni Pam working student.
Lumabas na nga sila ni Pam. Ayun madami na ngang mga customer. madaming mga student, mga couple mga magkakabarkada. special menu kasi nila dito ay ice cream. Crepes specially. Yummy. Kaso medyo mahal hehehe. Bawal sa mga kuripot na kadate.
"Ay Sam ikaw muna dito sa pwesto ko kain muna ako." si Mina siya kasi nagdedesign dun sa mga ice cream eh. May mga pattern kasi sinusundan doon. Eh madalas ako pumapalit sa kanya kasi halos master ko na iyong mga pattern.
NATHANs pov
at my room
Ok naman pala si Sam. Halatang respected siya ng mga ka co officer niya sa student council. Kahit na Small Creature siya at nakakainis pakinggan kapag tumataas ang boses niya kay Mon at Steph. Kulit kasi ng dalawa. Laging nagsasagutan. Weird pa ng tawagan nila. Choco Mucho at Cloud9.
BINABASA MO ANG
Hey!! DAYDREAMER
Teen FictionPROLOGUE It started with a F L A M E S followed by H O P E and end up with C A M E L