-Amy's pov-
"Tara na amy, malelate na tayo. Kinalat mo pa kase yang gamit mo eh!" sermon sakin ni akissha.
"Opo, ito na!" sabi ko.
"Akissha, wag mo na pagalitan. Wala din naman magagawa yang bunganga mo kung raratrat lang nang raratrat, mauubusan din yan ng bala." sabi ni Anne kay Akissha.
"Okay, sorry amy." sabi ni akissha, sabay irap.
Buti nalang tinulungan ako ni Anne maglipit, kaya nakaalis din kami agad.
~~
Pagpasok namin sa room, isa isa silang nag-iintroduce ng sarili nila. Lagi naman ganito, at lagi din kaming sabay magpakilala.
"Andito na pala ang Four A, sige magpakilala na kayo." sabi ng teacher namin.
"Hi, I'm Anne Lavigne. 16 years old, just call me Anne." pagpapakilala ni anne.
"Hi guys! Amy Canlas here, 16 years old." pagpapakilala ko.
"Akissha Takamoto, 16 years old." pagpapakilala ni akissha.
"Hey, I'm Alliah Evora. 16 years old." pagpapakilala ni Alliah.
Bago kami pumunta sa upuan namin, biglang may nanguna. Yung apat na lalaking transferee, kaya lahat kami nagulat. Kase yung 4 na upuan sa ligod, naiibang kulay yun. White sa ordinary student, at kaming apat black yung kulay ng upuan.
"What.. the.. hell.." mahinang sabi ni Anne.
"What are they doing?" tanong ni akissha sa kanila.
"Hindi kasi nagbabasa kung sini may ari e, hay nako!" sabi ko sabay face palm.
"Idiots, tsk." mahinang sabi ni alliah.
Napansin ata nila na lahat kami ng nasa room nakatingin sa kanila. At kaming apat masama ang tingin sa kanila.
"What?!" iritadong tanong ng lalaki na mukhang jerk.
"Use your eyes, moron! Look at the desk!" sigaw ni Anne.
Nako, umiinit na ulo ni Anne. Paniguradong away to.
"Bakit? May pangalan nyo?" tanong naman ng lalaking mukhang masungit.
"Paano kung sinabi naming oo, may pangalan namin yang upuan na yan." pagtataray ni akissha.
Nagtinginan yung apat na lalaki, at sabay sabay silang tumingin sa table.
"Now you idiots already see it?! Get lost!" sigaw ni Anne.
Nako, init na ng ulo ni Anne.
"Whoaaa, chill aalis na nga kami e." sabi uli ng lalaking mukha jerk sabay flying kiss kay anne.
"Eww, yuck!" maarteng sabi ni Anne.
Buti naman umalis na sila, at lumipat sa bakanteng magkakatabing upuan.
Pero ang weird, kase kanina pa nakatingin sakin yung isang guy. Nakangiti pa sya na parang nang-aasar -.-
"Ah.. Okay class, we have new transferee. Boys, magpakilala na kayo." sabi ng teacher sa kanila.
"Christian Lee, 17 years old." pagpapakilala ng lalaking mukhang jerk.
"Chieldon Brants here! 17 years old only." pagpapakilala ng lalaking kanina pa nakatingin sakin, halos kainin na ko sa mga titig nya.
"Carlo Villareal, 17 years old." pagpapakilala ng lalaking mukhang asungot este masungit.
"Cedrick Avila, 17." pagpapakilala naman ng lalaking mukhang matino.
Chieldon pala pangalan ng nakatingin sakin kanina, mwahahahaha.
Pero bakit ganun, lahat sila parehas din ang simula. At parehas din ng Age, like us.
~~
Papunta na kami ng cafeteria, syempre para kumain.
At katulas ng desk namin sa room, ganun din dito. Color white for ordinary student, black for us. At tuwing umuupo na kami dito, laging may pupuntang guy at itatanong order namin, restaurant ang peg.
"Four A, ano pong kukunin nyo?" Tanong ng asst. Chef na laging nagluluto para samin.
"Kayo na bahala kuya, tumawag naman po ata sa inyo yung parents namin kung ano kakainin namin." sagot ni Alliah.
"Ah, oo nga po. Sige po, aasikasuhin ko na po." sabi ni kuyang asst. chef hahaha.
"Thanks kuyaaaa!" sigaw ko.
Tumahimik kami bigla, siguro iniisip nila yung magiging trato samin ng apat na guy.
"Ang weird noh guys? They were like us." nakatulalang sabi ni akissha.
"Same beginning of the name, and same age." nakatulalang sabi rin ni alliah.
"Tama na nga sa kaka-english nyo. Ang sakit sa ulo." pagrereklamo ni Anne.
Nagulat kami nung biglang may nasa harap ng table namin. Pagtingala namin, yung apat na guy.
--
BINABASA MO ANG
Four A
Teen FictionApat na magbebestfriend na ang simula ng pangalan ay 'A'. At apat na lalaking magtotropa na ang simula ng pangalan ay 'C'. Maaari kayang may mabuong pagmamahalan?