Dear Ate Watting

7.1K 53 26
                                    

Dear Ate Watting,

Magandang araw po, sumulat po ako upang ibahagi ang istorya ng aking buhay, ang mga karanasan at naranasan ko simula ng nakilala ko si Wattpad. Nawa'y kapulutan ng aral ng iba ang istoryang ito at tularan ako at kung sa tingin nila ay mali wag nila akong tularan (malamang naman). 

San ba nagsimula ang lahat????

Nagbukas ako ng facebook at may tumambad s wall post ko mula sa aking bff na si Ivy Rose Aguilar (aka Kuyog/itsmeibyang) isang link na pinamagatang "Ang Diary ng Panget" dahil sa aking kuryosidad (tama ba spelling) at sa kadahilanang wala akong magawa dito sa aking pinapasukang walang kwentang opisina binuksan ko ang nasabing link (ano b ang tamang tagalog ng link)  at tumambad sakin ang website ng wattpad (di ko rin alam tagalog ng website). Sinimulan kong basahin ang unang bahagi ng nasabing kwento....hmmmmmm lalo akong na-curious (taglish na nga lang) sabi ko kakaibang istorya ang nandito sa website n ito hindi ito mga totoong libro o istorya tulad ng mga binibili ko sa bookstore (mahilig kasi magbasa ang lola nyo kaya siguro naging apat ang mata ko). Habang nagbabasa nakikita ko na lang ang sarili kong tumatawa nakalimutan ko ng kailangan ko palang i-harvest ang mga tanim ko s frontierville pati na rin ang mga business ko sa cityville sabi ko sa aking sarili hayaan ko na muna ang mga sagabal na larong iyon nag-eenjoy pa akong magbasa....hanggang sa umabot na ng tanghalian, umuwi ako para kumain (split timing po kasi dito sa office) pagdating na pagdating ko ng bahay agad agad kong binuksan ang aking laptop upang ipagpatuloy ang aking pagbabasa habang kumakain...pagbalik sa aking trabaho ganun pa rin basa pa rin...madilim na mag uuwian na pala...ahhhh di pwede hindi ko pa tapos basahin pero kailangan ko ng umuwi pero bago ako umuwi tinigil ko muna pansamantala ang pagbabasa...sinuyod ko muna ang kabuuan ng website ng wattpad upang makakita ng ibang paraan kung paano ko maipagpapatuloy ang pagbabasa ng nakaka adik na istorya ni Denny...hanap sige...at biglang wallllaaaaaaa nakita ko pwedeng i-download ang wattpad sa aking mobile yahoooooooooo agad agad ko namang kinuha ang iphone ko at hinanap ang application at ayun na nga pwede na akong magbasa kahit san pa man...habang nasa bus pauwi sa bahay nagbabasa pa rin ako ang hirap tigilan kung pwede lang pati habang naglalakad nagbabasa ako eh ginawa ko na....sa bahay pagkatapos ng mabilisang pagkain ng hapunan at pag aayos ng sarili balik ulit ako s pagbabasa hanggang sa inabot na ako ng madaling araw para lang matapos ko ang huling chapter at aantayin ko na lang ang update ni Denny. Humigit kumulang tatlo hanggang apat na oras lamang ang aking itinulog.

Pagpasok ko sa opisina bangenge ako dahil kulang ako sa tulog halos sisikat na ang araw dito s kabuhanginang parte ng mundo nagbabasa pa rin ako pero ok lng sulit naman natapos ko ang pinaka updated chapter ng "Diary ng Panget"...

Naging kaibigan ko sa facebook ang nasabing writer...nakakuha ako ng link upang makuha ang pinagsama samang chapter ng nasabing istorya...sa kadahilanang gusto kong ulit basahin at magkaron ng souvenir i-pri-print ko sya...gumawa ako ng sarili kong cover at print version ng nasabing istorya. The first story that I've read (past tense ang pagbasa ah) in Wattpad that convinced me to continue reading some other stories that will help me surpass a boring day in my workplace and being alone here in the deserted place on earth.(marunong din naman ako mag-english)

Sa mga sumunod pang mga araw......

Habang ako'y nag aabang ng update sa kwento ni Denny naghanap ako ng ibang babasahin sa nasabing website marami akong nakitang interesanteng titulo ng mga kwento sinusubukan kong basahin ang ilan dito at pag naramdaman kong maganda ang takbo at ikot ng istorya inilalagay ko ito sa aking silid aklatan (tagalog ng library hahahahaha) aba at may ilan na pala akong nailagay doon, sa maghapon ko sa opisina wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa ng magbasa...nabasa ko na ang "My Prince" ni alyloony, "The Transient Wife", "I met a Jerk name Seven", at iba pa ang dami na nila (di ko kailangang isa isahin basta un na un kung gusto nyong malaman mga nabasa at binabasa ko tignan nyo na lang sa profile ko) sa ilang araw ko pa lang na pagbabasa dito sa wattpad and dami ko ng natapos at nag aantay na lang ng update ganun lang ang gawain ko sa opisina wala naman kasi akong ginagawa sa madaling salita sumusweldo ako ng nakaupo lang maghapon at nagbabasa sa internet (sarap ng buhay noh! OFW kuno pero petiks mode naman palagi)......

Huwebes (June 2) sinimulan kong basahin ang "My facebook boyfriend...for real" ni Berns...buti Huwebes sakto walang pasok kinabukasan (friday-saturday kasi ang week end sa Middle East) sabi ko matatapos ko ito hanggang bukas...nagsimula akong magbasa umaga ng Huwebes... gabi na hindi pa rin ako tapos...waaaaaa mukhang mahaba ang isang to at ayon sa nakita ko tapos na ang nasabing kwento...dahil walang pasok bukas ok lang ang magpuyat ngunit, subalit, datapwat alas singko na ng umaga gising pa rin ako at nagbabasa (addict mode) inihinto ko muna panandalian ang pagbabasa at natulog. Pagkalipas ng ilang oras alas diyes ng umaga gising na ako, isa itong himala dahil ang aga kong nagising dahil sa tuwing araw ng Biyernes wala akong pasok ala una o alas dos na ng tanghali kung ako'y gumising, iba talaga ang ginawang impluwensya sakin ni wattpad Ate Watting. Bumangon lang ako saglit para pumunta sa palikuran at pagkatapos non ay bumalik na ako sa aking higaan upang ipagpatuloy ang naudlot kong pagbabasa ng obra ni Berns...ang tagal naman matapos ng kwentong ito akala ko sapat na ang pagpupuyat ko kagabi para matapos ang nasabing kwento ngunit hindi pala. Biyernes din ang araw ng aking pakikipag usap sa aking mga mahal sa buhay na naiwan s Pilipinas ahhhh ang hirap naman binitawan ko ang aking iphone at binuksan ang aking laptop, naka-online na ang aking kapatid, mga pamangkin at ang isa pang tao na nasa puso ko. Ate Watting sa maniwala kayo o hindi kausap ko sila isa isa pero nagbabasa pa rin ako gamit ang mobile ko, ganun po ako nahumaling sa mga kwento ng mga pasaway na manunulat. (wag po kayo magtaka kung paano ako nakikipag usap habang nagbabasa dahil video call naman po naka headset ako so pwede pong magbasa habang kausap ko sila). Hanggang sa nagsawa na silang kausapin ako habang nagbabasa. Hapon nanaman Ate Watting matatapos nanaman ang araw ng Biyernes at si wattpad pa rin ang kasama ko at pinagkakaabalahan ang tagal naman po kasing matapos ng istorya, hindi na nga po ako nagmeryenda, hindi na rin po ako kumain ng hapunan tanging brunch lang po ang laman ng aking sikmura, dahil di na po talaga ako bumangon sa higaan para lang matapos ang aking binabasa at dahil sa hindi ako bumangon sa higaan maliban sa tuwing ako'y iihi, hindi na rin ako naligo. (kadiri noh) pero ok lang po un nagshower naman po ako kagabi bago humiga ano pong akala nyo saken dugyot at saka di naman po ako lumabas ng bahay kaya di naman po ako nakasagap ng dumi at alikabok.(mabango pa rin ang kili kili ko kahit dilaan nyo pa) natapos po ang araw ko ng biyernes ng nagbabasa lang hanggang sa inabot ako ng madaling araw ng tuluyan kong matapos ang "My Facebook Boyfriend...for real". This the first story that I've finish reading until it's very ending on wattpad in a span of what two days from it's first chapter 'til it's last and thank you message from annebernadettecastueras.

Ate Watting sabado na po kahit puyat po ako sa pagpupumilit na tapusin ang kwento ni Mokong at Freak kailangan ko pong bumangon upang pumasok sa aking trabaho. Zombie na po ang pakiramdam ko dahil ilang araw na akong kulang sa tulog dahil sa pagiging addict sa wattpad pero ok lang iyon dahil masaya naman ako. Hinanap ko ngayon araw na ito sa facebook ang manunulat na si Berns upang magpasalamat. Hindi ako nabigo Ate Watting nakita ko siya at idinagdag sa listahan ng aking mga kaibigan at nag iwan ng mensaheng pasasalamat sa obrang kanyang likha at naging magkaibigan kami at natuklasan kong pareho kaming nagmula sa Sintang Paaralan (PUP).

Lumipas ang mga araw Ate Watting at naging bahagi na ng buhay ko si wattpad nakakalimutan ko ng kumain sa oras at matulog sa oras upang mabasa ang mga update ng mga manunulat ng mga sinusubaybayan kong kwento. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan sa katauhan ng mga manunulat dito. Nakakatuwa pong isipin na mga bata pa sila ngunit nagagawa nilang lumikha at bumuo ng mga kwentong kagigiliwan at aabangan ng marami, hindi biro ang sakripisyo at oras na nilalaan nila upang makabuo ng isang obra na maibabahagi sa mga nag aabang ng mga pangyayari sa istoryang sinusubaybayan nila, idagdag pa dito ang nararanasan nilang pressure sa tuwing magdedemand ang mga mambabasa ng update, mga mambabasa na hindi makapag antay kung kailan sipagin at makagawa ng update ang manunulat mahirap din po ang mag isip at magsulat na lang ng basta mas madali po ang magbasa. Sa mga tagasubaybay ng mga kwento sa wattpad hiling ko lamang na maging maunawain kayo intindihin ang sitwasyon ng mga manunulat na kinagigiliwan ninyo.

Ahhhhhhh Ate Watting mahaba na po ang sulat ko siguro naman po tama na ito naibahagi ko at naipahiwatig ko. Alam ko naman po na walang magbabasa nito dahil wala naman po itong kwenta di tulad ng mga kwento nila. Sa mga manunulat na pinuyat at ginutom ako makunsensya kayo! (jowk lang po) Sa mga mambabasang tulad ko (hindi mambabarang ah) patuloy natin ipagbunyi ang pagiging malikhain ng mga kapwa natin Filipino na mahusay magsulat at subaybayan ang mga kapana panabik na kaganapan sa mga kwentong kanilang nililikha mula sa imahinasyon at base na rin sa kanilang mga karanasan at totoong pangyayari sa mga kani kanilang buhay. 

Hanggang dito na lang po ang aking liham. Maraming salamat po naway kapulutan ito ng aral?(anong aral eh wala naman kwenta to)

 Lubos na gumagalang at nagpapasalat,

Chechebureche

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Ate WattingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon