Sorry Seems To Be The Hardest Word

2.6K 84 91
                                    

 ....It's sad, so sad....Why can't we talk it over....Ohh it seems to me....that SORRY SEEMS TO BE THE HARDEST WORD~~~~Elton John

"Asher?? Asher??!?!" Asher!!! Gerald was shouting all over his house looking for her.

Where is she?

Bakit wala ito sa bahay niya?

He quickly went back to his room and search for his celphone and dialed office.

"Maja, hi."

"Hi Mr. G! Okay ka na?"

"Y..yeah. Andyan ba si Asher?"

"Wala, hindi ba pumunta diyan? Nagmamadaling umalis kanina. Sabi niya pupuntahan ka daw."

"Bakit?"

"Eh kasi nga nalaman niyang me sakit ka kaya ayun, hindi magkandaugaga sa pagpunta sa 'yo."

Napangiti siya sa narinig.

"At para makapagpaalam na rin daw?"

Bigla siyang kinabahan. "What do you mean?"

"Naihabilin na niya sa akin kanina ang lahat nang iiwan niya. Wala na siyang obligations dito sa opisina. She's actually free na to leave. You know she's leaving, right?"

"Oo. Itinawag sa akin nang daddy niya kahapon. Ang alam ko Sabado pa ang alis niya."

"Thursday pa lang ngayon. Nang umalis siya kanina hindi na bumalik. I was not expecting her to come back kasi nga tapos na naman ang work niya."

"Hindi kaya....? Maj, I have to go. I'll call you back later."

"Okay, sir G. Pagaling ka."

"Thanks." He ended the call and dial daddy Delfin's number.

"Dad, hi. Are you busy? Can we talk?"

"O, Gerald. Mukhang may sakit ka. Are you okay?"

"I'm fine, Dad. Pwede po ba tayong mag-usap. Puntahan ko po kayo saan?"

"I'm still here at the office. Bakit may problema ba?"

"Dad, alam nyo po ba kung nasaan si Asher? Galing kasi siya dito sa bahay nang malaman niyang may sakit ako, pero nagising ako wala na siya. Wala na rin daw siya sa opisina."

"Baka naman may pinuntahan lang."

"D..dad, please don't get angry with me, but I have to tell you something."

"What?"

"Eh kasi....I don't want to tell this to you over the phone but I don't think I have time to come to you now and explain. Kinakabahan ako. And I know this is a big deal for you and...."

"Gerald, get straight to the point!"

"May nangyari na po sa amin ni Asher," mabilis niyang sinabi habang nakapikit ang mga mata.

Tumahimik ang kausap niya sa kabilang linya.

"Dad, I'm sorry but I really love her and pananagutan ko po ang nangyari sa amin. But even without that, you know I'll go lengths para lang mapakasal sa akin si Asher. Dad, please, don't get angry with me."

Bumuntung-hininga ang kausap niya. "Mukhang wala na nga talagang kawala sa 'yo ang anak ko, Geraldo."

"Daddy..."

"Well, why are we still talking? Get your ass off wherever you are and search for my daughter!"

"Yes sir!"

Paradise (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon