MAD

14 1 0
                                    

"Laica get inside!!!!"

Walang nagawa si Laica kundi ang pumasok sa loob ng bahay nila. At ako naman ang binalingan ng walang mata na to..

"Anong ginawa mo kay LAica??"

What me?? What the fuck!!!

"Excuse me wala akong ginawa sa kanya no..."

Bigla niya hinawakan ang braso ko at ang sakit nakikita ko sa mata niya ang galit.. Hindi ko maintindihan kung ano kinagagalit niya... 

"A--aaray ano ba bitawan mo ako!" Pumigsi ako para makakawala sa pagkakahawak niya..

"Ikaw alam kong ikaw ang dahilan kung bakit siya umuwi ng ganitong oras dont dare to hurt her!!"

"What the hell. Kasalanan niya kung bakit siya nagkaganyan ang clumsy niya kasi!! Let me go!!!"

Tinabig ko siya at sumakay sa kotse. Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi ko na maintindihan bakit ba siya nagagalit sakin. At isa pa kaanu- ano niya si Laica? Girlfriend niya? Ano bang paki ko aish nakakainis ang Jason na yun. Napatingin ako sa braso kong mahigpit niya hinawakan medyo namula iyon maputi kasi ako. Hinimas himas ko ito kasi medyo masakit.

"Ayos lang po ba kayo Ma'am??"

"ayos lang ako kuya Berto hwag niyo ako intindihin ang pagdadrive ang asikasuhin niyo."

Naiinis na talaga ako sa kanya bakit ganon na lang reaksiyon ni Jason. Aish bakit ko ba siya iniisip sumandal na lang ako at isnuot ang headset at nagmusic. Hindi ko na nga namalayan na nasa bahay na kami.

"Ma'am Elle andito na po tayo." 

Mabilis ako tumayo at lumabas ng kotse. Tuloy Tuloy ako sa loob. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-akyat ng marinig ko ang boses ni mama..

"where have you been Elle? Uwi pa ba to ng matinong babae?"

Napahinto ako sa pag-akyat.

" kayo pala mama may nangyari lang po kasi sa school."

"My gosh Elle hindi lang ikaw ang tao dito. Lahat kami naiistorbo mo. you have your phone anong silbi niyan at hindi mo man lang naisipan magtext o tumawag lahat kami rito inistorbo mo. Napakaresponsable mo." 

"May time na pala kayo sakin. Sorry naistorbo ko ang napakahalagang oras niyo. Nakakatawa naman isipin na naalala niyo lang ako kapag may nagagawa akong mali." at tuluy- tuloy ako sa pag-akyat.

"Bastos kang bata ka ah. Come back hre Elle. Hwag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita!"

Hindi ko siya pinansin tuloy tuloy ako sa kwarto ko. Nilock ko ito at rinig ko pa ng dumating si Kuya Macky.

"Ma what happen??"

"oh Macky kausapin mo nga yang kapatid mo nagiging bastos na!"

"dont worry Ma kakausapin ko si Elle."

"pagsabihan mo abay lumalaki na yang sungay niyan. Kasalanan ito ng Papa mo masyado iniispoiled yang batang yan at tingnan  mo pati sakin wala ng galang! Nakakakulo ng dugo. Kita mo nga ngayon lang umuwi!" galit na galit na sabi ni Ellaine.

"Ma calm down pagsasabihan ko siya. Siya nga pala sabi po ni daddy hindi po siya makakauwi . May overtime meeting po daw sila ni tita Marga."

Bigla nag-iba ang expression ni Elaine lalong kumunot ang noo nito.

"Are you ok Ma?

"Ano naman ang inovertime nila?" Inis na tanong ni Elaine.

"Tungkol po ata sa bagong Proposal nila sa Salcedo Campany Inc."

"siguraduhin lang nila na business ang pag uusapan nila" bulong ni Elaine.

"ano po yun mama?" tanong ni Macky.

"wala magpapahinga na ako kausapin mo yang magaling mong kapatid sige aakyat na ako."

At nagtuloy na ito sa pag akyat napakamot nalang sa ulo si Macky. Kailangan niya kausapin si Elle.

Kumatok siya ng tatlong beses pero hindi nito binubuksan ang pinto.

"Elle open the door!"

Pero walang sumagot sa kanya 

"I know gising ka pa kaya bago ko kunin ang duplicate key nito open the door."

Walang nagawa si Elle kundi buksan ang pinto. Padabog siya napabangon sa kama.

"Aish"

At binuksan ang pinto.

"ano ba kailangan mo?"

"Halika saluhan mo ako kumain alam kong hindi ka pa kumakain."

"Busog pa ako." walang gana kong sabi

"Elle C'mmon nagugutom na ako hihintayin kita sa baba."

At umalis na ito. Nakakainis talaga si Kuya Macky alam kong sesermunan na naman niya ako nito at dinadaan niya lang sa pagkain ang lahat. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kusina nadatnan ko siya roon pinagsisilbihan ng isang maid namin.

"Rosa iwan niyo muna kami."

At umalis si Rosa.

"sit down Elle"

Sumunod na naman ako sa kanya 

"Ano bang pag uusapan natin Kuya gusto ko nang magpahinga."

"Galangin mo ang pagkain Elle" inis niyang sabi.

"Whatever ano ba kasi ang sasabihin mo huh at gusto ko ng magpahinga alam mo kuya sinasayang mo lang oras ko." inis na sabi ko sa kanya

"Elle ayoko ng ginawa mo kay mama."

"What's wrong with that? the last time I checked wala akong sinabing masama."

"Bakit ka ba gabi umuwi nag-aalala lang si mama sayo."

"oh really thanks na lang sa concern I have to go may project pa akong tatapusin." Tumayo na ako at iniwan siya doon.

"Elle come back here!"

Pero di ko na nilingon pa si kuya Macky frustrated ako ngayon. Malakas kong ibinalibag pasara ang pintuan I dont know kung bakit ganito pakiram ko. This is Strange.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dark PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon