365 days with him (SAMYEN)

2K 12 4
                                    

YEN – isang maganda, matalinong babae. :) sikat dahil sa kanyang boyfriend na si Pierro. Sobrang nasaktan dahil sa ginawang pangtwo-two time sa kanya nito. May nasabi siya kay Pierro na hindi niya kayang panindigan – I mean hindi niya kayang gawin. Kaya nagdecide siyang magpakamatay na lang pero natigil ang pagpapakamatay nito dahil sa isang matabang lalaki. At ito rin ang lalaking magpapabago kay Yen. Anu-ano itong mga pagbabagong ito?. :) Mainlove din ba siya dito at kakalimutan na lang si Piero? :) [ABANGAN]

*sinaktan niya ako, pwes maglalaway siya ngayon! :P may mahal na akong iba.

SAM – matalino, cute na lalaki pero mataba nga lang. Konti lang ang tinuturing niyang friends kabilang na dun sina James, Ivan, Ann at Bret. May pagkanerdy din kasi ito kaya minsan nilalayuan ng ibang tao. :) Siya rin ang dahilan kung bakit hindi na magpapakamatay si Yen. May mga pagbabagong mangyayari dahil kay Yen? Ano ang mga ito? Sa tagal ng kanilang pagsasama at pagiging magkaibigan e mahulog na din kaya it okay Yen at mahalin niya ng lubos pero natatakot siya sa mga consequences na pwedeng mangyari? Ipagpapatuloy kaya niya itong pagmamahal niya para sa dalaga? [ABANGAN]

*mahal niya ako pero iba ang mahal niya! ginagamit niya lang ba ako? :(

PIERO – ang bumigo kay Yen. Isang sikat na model at artista. Siya ang dahilan kung bakit broken-hearted siya ngayon. Ayaw niyang matalbugan ng kahit na sino kaya gagawin niya lahat. :) Mapahiya rin kaya siya sa huli? Kung may pag-asa pa siya kay Yen? Babalikan kaya niya ito? [ABANGAN]

*ako lang ang bida! wala ng iba! walang sisira sa career ko at sa lovelife ko at kung sino ka mang may balak na sirain ito! humanda ka.

TRICIA – kapatid ni Yen. Mabait at matalinong bata. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan ang kanyang kapatid kay gagawin niya ang para dito kahit marami pa siyang maka-away. Magkagusto kaya siya kay James na nagpaparamdam sa kanya? [ABANGAN]

*gwapo siya pero ang baduy pumorma! >.<. pero mabait siya ha? :D what if baguhin ko siya? i mean yung porma niya. :) make-over. :D

JAMES – isa sa mga kabarkada ni Sam. Nerdy din. May gusto siya kay Tricia dahil gustong-gusto niya ang ugali ng dalaga. May pag-asa naman kaya ito? :) [ABANGAN]

*maganda siya. sana magustuhan niya ako. pero sa porma kong ito? panigurado ang rating niya sa akin zero! sana. . .  magustuhan niya ako. :)

IVAN- astigin pero nerd din naman. May gusto naman siya sa kaibigan niyang si Ann pero hindi niya masabi kasi torpe nga din. Kailan ba niya masasabi sa dalaga ang tunay na nararamdaman? [ABANGAN]

*hahaha! masyado akong torpe! di ko man lang masabi sa kanyang gusto ko siya. help me please! maging kami lang pwede na akong mamatay! \o/

ANN – isa sa mga katropa ni Sam. May pagkanerdy. May gusto rin siya kay Ivan pero nagkakahiyaan nga lang silang sabihin ang totoo. Magbabago ang kanyang anyo at magiging sobrang ganda dahil kina Tricia, Fretzie at Yen. :) Masabi rin kaya niya ang totoong nararamdaman? [ABANGAN]

*paano magkakagusto sa akin si Ivan kung nerdy din ako? hays, ano ba itey! i need a make-over! tulungan niyo naman ako Yen, Tricia and Fretzie! Gusto kong ligawan ako ni Ivan! Please. =)

FRETZIE – the cutie girl. Sobrang ganda kahawig niya si Vanessa Hudgens maraming nagkakagusto dito at isa na dun si Bret. Napakabait at down to earth na girl. :) malambing pa. magkagusto ba siya kay Bret na nerdy lang? [ABANGAN]

*maraming pacute na lalaki hindi naman gaanong cute. Kailan ko kaya mahahanap ang true love ko? Yung mamahalin ako? antagl ha infairness! :) Siguro siya na yun! si .......

BRET – one of the nerdy boy. May gusto kay Fretzie kaso parang nawawalan siya ng pag-asa dahil maraming lalaki rin ang umaaligid dito. Maraming karibal kumbaga. Liligawan niya kaya ito o hanggang tingin na lang siya dito kahit malapit lang sila sa isa’t-isa. [ABANGAN]

*andami kong karibal! paano ko maliligawan si Fretzie. Eh sa mga kolokoy na ito wala na akong panama! gwapo na! mayaman pa! San ka pa?! Sana mapansin din ako ni Fretzie. :) Sana. 

365 days with him -{on HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon