Kathryn Bernardo as Ada
Daniel Padilla as Mason-
"A-YO-KO! AYOKO! Bakit may kasal kasal pang ganyan dad?! At bakit ako pa? Ayan oh, si Diego! Doctor rin naman sya ah."
"Son, ikaw ang panganay, ikaw ang mas may experience sa ospital, ikaw ang papalit sa akin. Please understand... Hindi na magtatagal ang ospital natin kung hindi tayo makikipagtie up sa ospital na kagaya nila."
"I'll think about it, dad. Aalis na ko, madami pa akong kelangan aralin na bagong case sa ospital."
Bumeso ako kay mom and dad at tinanguan ko naman si Diego. Madami pa akong aasikasuhin sa ospital, mas sumasakit ang ulo ko pag naiisip ko ang arrange marriage na sinasabi nila dad. Gabi na pero kelangan ko pang magtrabaho.
"Cecil, pakipasok nalang sa office ko yung files nang bagong case ng mga pasyente ha?" Cecil's my secretary. She's also a nurse so pag may kelangan ako na may relate sa med kaya nyang intindihin.
"Yes, sir. Wait lang po."
Pagpasok nya, nilapag nya ang patong patong na files. Napabuntong hininga naman ako. Ang damiiiii.
"Uhm, excuse me? I saw this sa labas ng pinto. Nahulog ata." Nilapag naman nya ang folder sa lamesa ko. Ang ganda ng kamay nya kaya napa angat rin ang tingin ko.
She's a goddess. Ang ganda nya! Napatayo ako at inayos ang damit.
"Thank you...?"
"Oh, sorry. I'm Dra. Ada."
"Dr. Mason. Thanks, Dra. Ada."
"No worries!" Ang ganda nang ngiti nya. Bago ba sya dito? I haven't seen her before.
"Uhm, bago lang ako dito. I belive your dad assigned me here. He told me na I can assist you as a start. So, how may I help you?"
Si dad talaga! Ano bang balak nya? Akala ko ba ipapakasal nya ako?
"Help me with these nalang. I need help, a lot actually." Tumawa naman kaming pareho. Maya maya nag umpisa na kami sa pag aaral ng mga bagong case ng mga pasyente kaya tahimik rin kami. 3 hours have passed and nakakakalahati palang kami.
"Dra. Ada, would you like something to drink? Para naman hindi tayo antukin. Coffee, tea, water, soft drinks?"
"Nako, Ada nalang... Uhm, coffee would be nice. Thank you!"
I beeped Cecil at nag sabi na dalhan kami ng dalawang coffee. "Well, call me Mason nalang rin." She smiled at me and nag unat.
"Tito Augustine told me to be aware of you. Masungit ka daw kasi. Mukhang hindi naman."
"Dad told you that?" Nanlalaking matang tanong ko. What the heck? Sinisiraan ba ako nang tatay ko sa mala dyosang 'to?
She laughed at tumango.
"Actually, ang bait mo nga eh."
Ang dami pa naming napagkwentuhan habang sabay inaaral ang mga case. Parang naging 2 utak ang nag aanalyze ng mga kaso kaya naman mas mabilis.
"Bro! Bruh! Brotha! Kuya! Kuys! Wazz--u-p??"
Napatigil naman sa pagsigaw si Diego. Mula sa pinto ng reception ng office ko sumisigaw na sya kaya marami na syang nasabi. Nautal naman sya nang makita nya si Ada.
"Bro, si Dra. Ada. Ada, si Dr. Diego kapatid ko."
"Hi!" Nagpapapogi naman 'tong isang to.
"Ehem." Kungwaring ubo ko.
"Ay sorry. Oo nga pala. Pinapatanong ni dad kung nakilala mo na yung fiancée mo. Seems like, oo. Ano, ako nalang ba bro?"
"I-ikaw yun?" Napabaling ako kay Ada na nakangiti. Matutunaw na ata ako sa ngiti nya...
"Erhm... Yeah. Sorry, hindi ko nasabi. Akala ko nafigure out mo na. Hehe."
"Tol, alis ka na. Kelangan namin mag usap ng fiancée ko."
"Ha? Sabi mo kanina ayaw mong magpakasal?! Ako na fiancé nya!"
"Wala akong sinabing ayaw ko. Baka nagjjoke lang ako. Sabi ko rin pag iisipan ko diba? Nakapag decide na ko, alis na! Sabihin mo kay dad, salamat."
Tinulak tulak ko pa palabas ng clinic ko si Diego. Para tuloy kaming hindi doctor kung umasta.
"Payag ka?" Tanong ko kay Ada na nakaupo na sa swivel chair ko. Ang hot nya.
"Uhm, yeah. Wala naman akong boyfriend or what. Isa pa, alam ko namang alam ng parents ko ang makakabuti sakin eh. Ayaw mo ba?" Sht nag pout sya.
"Bukas nalang natin ituloy 'to. May pupuntahan tayo."
"Ha? Wait samahan mo ko sa office ko. I need to get my things." I held her hand and lumabas sa office ko. She dragged me papunta sa katabing clinic.
"Hehe, bagong kapit-clinic mo ako!"
"Kapit-clinic?"
"Parang kapit-bahay pero clinic." Oh-kay.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa safe haven ko. Let's get to know each other starting tonight. Okay?"
"Okay!" Ayan nanaman yung nakakatunaw nyang ngiti.
"You always smile like that no?"
"Like what?"
"You smile like you want to melt me." Tinawanan naman nya ako at kinawit ang kamay nya sa braso ko.
"Kung ano anong iniisip mo! Tara na."
Nag drive ako papunta sa penthouse ko. Yung pent kong 'to eh hindi ko naman talaga pinag-iistayan. Meron ditong bar, theater room, game room, at dining room.
"You spent how much para dito? Pero di ka dito natutulog?"
"Worth it naman 'to. Pag gusto kong tumambay lang kasama ng friends ko, dito lang kami. Saka piling tao lang ang nakakapasok rito."
"At isa ako sa mga 'piling' tao na yun?"
"Oo naman, isa pa, mapapangasawa na kita. You have all the rights to know kung saan ako pwedeng hanapin at magpunta." I saw her flushed red. Lumapit ako sa kanya at iniangat ang mukha nya. Hinaplos ko ang pisngi nyang namumula parin.
"Lalo kang gumaganda pag namumula ka..." Hinawakan naman nya ang kamay kong nakahawak sa pisingi nya.
"Why are you like this to me?"
"Kasi gusto ko. Nagkamali ako noon nang hindi ko muna kinalala ang mapapangasawa ko. Let's get to know each other, okay? Hindi lang kita papakasalan nalang bigla. I want to own you. I want you to love me. I want to create our own love story. Liligawan kita okay?"
Nabigla ako nang halikan nya ako sa cheeks.
"I like you. I know it's fast pero I like you. G ako sa ligaw thingy!" Ang kulit talaga nya.
-
Natawa ako nang maalala ko kung pano at saan kami nag umpisa ni Ada. Kung pano ang umpisa ng love story namin ng misis ko. Who would have thought na ang arrange marriage na inaayawan ko noon ay ang magiging dahilan para mahanap ko ang babaeng makakasama ko habang buhay.
"Love! Ang galing ko! Triplets yung pinanganak ko kanina!" Nakangiti nyang bungad sakin. Kumandong sya at hinalikan ako. Ang childish parin ng dating nya. Ang gaan tuloy sa pakiramdam. Nakakawala ng stress.
"Eh, tayo Love, kelan tayo magkakatriplets?" Malokong tanong ko sa kanya habang inaakap ang bewang nya.
"Start na tayo ngayon! Ano?! Hahamunin mo nanaman ba ako? Baka nakakalimutan mong sumuko ka kagabi sakin!"
Namula naman ako sa sinabi ng asawa ko. She never fails to amaze me.
"Kaya lalo akong na iin love sayo eh. I love you forever and always, Love."
"I love you too, Love. Forever and always..."
BINABASA MO ANG
Different Versions
FanfictionCompilation of KN one-shot stories. Different version, different sides, different stories!